top of page
Search
  • BULGAR

Worried na magpabalik-balik ang kanyang bronchitis

Dear Doc. Shane,

Last month, nagka­roon ako ng bronchitis. Sa totoo lang, pinipilit kong itigil ang panini­garilyo dahil ito ang dahilan kaya ako tina­maan ng nasabing sa­kit, gayunman, hindi madali sa akin ang paghinto, lalo na at malakas din manigaril­yo ang mga kabarkada at katrabaho ko. Naba­bahala ako dahil baka may posi­bilidad na bu­malik ito. Gusto kong malaman kung anu-ano ang mga bagay na dapat kong gawin upang hindi ito mag­pabalik-balik? — Anthony

Sagot

Dalawa ang uri ng bron­chitis — chronic at acute.

Chronic bronchitis — paninigarilyo ang karani­wang dahilan nito. Kaya kung ititigil natin ang paninigarilyo at magkaroon nang magandang diet, maiiwasan natin ang bronchitis. Ang pagkakaroon ng chronic bronchitis ay nauulit taun-taon at ang mga sintomas ay ang madalas na pag-ubo na may kasamang plema.

Acute bronchitis — ito ay karaniwan ng secondary infection. Ang bacteria ay umaatake kapag mahina ang katawan ng pasyente dahil may sipon o trangkaso ito. Ang karani­wang tinatamaan ng acute bronchitis ay ang mga ta­ong mayroong asthma, problema sa baga, mata­tan­da, bata at mga nani­nigarilyo.

Ang sintomas ng acute bronchitis ay madalas na pag-ubo, paghingang may huni (wheezing) at masikip na paghinga, pagkakaroon ng plemang kulay berde at dilaw. Kapag ito ay hindi nagamot, ito ay posibleng mauwi sa pneumonia.

Ano ang mga dapat gawin upang hindi magpabalik-balik ang bronchitis?

  • Kailangang kumain ng tamang diet upang lumakas ang katawan.

  • Ang regular na pag-inom ng supplements tulad ng Vitamins A, C at zinc ay kailangan para sa mahusay na functioning ng immune system.

  • Ang carrots, spinach, leeks, spring onions at melon ay nagbibigay ng maraming beta-carotene at nakatutulong sa kondisyon ng mga baga.

  • Ang pagkain ng atay minsan isang linggo ay mahusay sapagkat ito ay mayaman sa Vitamin A.

  • Ang sariwang prutas at gulay ay mayaman sa Vitamin C. Ang shellfish at lean beef ay nagsu-supply ng zinc. Ang oily fish ay may anti-inflammatory effect sa mga baga.

  • Iwasan ang mga mamantika at matatamis na pagkain.

  • Iwasan ang sobrang pag-inom ng alak at kape sapagkat pinipigil nito ang immune system na linisin ang toxins sa dugo.

Gayundin, ang immune system ay maaaring mapinsala sa pamamagitan ng exposure sa heavy metals na kinabibilangan ng lead at calcium. Dahil dito, ipinapayong iwasan ang mga pagkaing nabibili sa mga lugar na infected ng traffic pollution. Ang mga pagkain na may mataas sa cadmium ay kinabibilangan ng commercially produced mushrooms at shellfish kung saan nakuha sa tubig na exposed sa industrial pollution.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page