top of page
Search
  • Jersey Sanchez

Lalo na sa mga beshy nating masyadong sensitive... 7 SURVIVAL TIPS NGAYONG TAG-INIT

NAGSISIMULA nang uminit ang panahon, mga be­shy! For sure, ma­ging ang mga es­tudyante na may summer clas­ses at empleyado ay nag­sisimula nang mag-isip kung pa­ano sila makasu-survive nga­yong tag-init. Kaya mga besh, ba­go pa man tulu­yang umi­nit ang ulo ninyo, narito ang ilang sur­vival tips na sigu­ra­dong kai­langan na­ting la­hat:

1. HYDRATE. Dahil mas madalas tayong nag­papawis sa panahong ito, posible itong maging san­hi ng dehydration. Kaya mga besh, mabuting umi­nom ng walong baso ng tubig o higit pa kada araw. Gayundin, magbaon ng tubig para maging handa kung sakaling mauuhaw. Okie?

2. WEAR LIGHT­WEIGHT OUTFIT. Pass muna tayo sa mga dark colored at makakapal na outfit, besh! Gayundin, iwasan muna natin ang pangmalakasang OOTD (outfit of the day) nang sa gayun ay makapag­suot tayo ng kompor­tab­leng mga damit dahil sa ga­nitong panahon, sigu­ra­dong mauuso ang ‘com­fort-over-style’.

3. BRING UM­BREL­LA, FAN AND SHADES. Ito ang sandata sa gani­tong panahon, lodi! For sure, may iba riyan na ti­natamad magdala ng pa­yong o pamaypay dahil mabigat ito sa bag. Pero, mga besh, ipinapayo na­ting huwag kayong ta­marin sa pagdadala ng mga ito da­hil siguradong makatutu­long ito sa inyo lalo na kung kayo ay pa­laging nasa labas o nag­ko-com­mute.

4. USE SUN­SCREEN. Sunscreen season na! Bago tuluyang lumabas ng bahay, make sure na nakapaglagay kayo ng sunscreen. Inirereko­men­da ng mga eksperto na gumamit ng sunscreen na mayroong SPF 25 pataas upang hindi direktang ta­maan ng araw ang inyong balat. Copy?

5. LIMIT EXPO­SURE TO SUN. Kung hindi mo kailangang lu­mabas, mabuting manatili ka nalang sa loob ng ba­hay, besh! Pero, kung hin­di mo naman maiiwa­sang lumabas, make sure na may dala kayong pa­yong at pa­maypay, gayun­din na nakapag-sunscreen kayo. Gets mo?

6. BATH TWICE A DAY. Upang maiwasan ang panlalagkit ng kata­wan at mabilis na pagka­irita, mabuting maligo nang dalawang beses kada araw. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagdami ng mikrobyo sa ka­tawan na dulot ng pag­papawis. Keep yourself fresh, lodi!

7. BRING FACE TOWEL. Dahil magta­tagal ang tag-init, mainam na magdala ng bimpo o panyo na pamunas ng pa­wis. Sa ganitong pa­raan, maiiwasan ang pag­katuyo ng pawis sa in­yong katawan na sanhi ng iba’t ibang sakit, gayun­din ang pagkakaroon ng body odor.

Oh, ayan mga besh, dehins na ninyo kaila­ngan mag-worry kung paano makasu-survive ngayong tag-init dahil sa ilang tips na ito. Gayun­man, make sure na wala kayong makaliligtaang gawin sa mga ito para ke­ring-keri ninyong labanan ang panahon.

Have a cool and re­freshing summer, mga beshy! Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page