top of page
Search
  • BULGAR

Dahilan ng pananakit ng balakang

Dear Doc. Shane, Ang nanay ko ay 61-anyos, may katabaan at diabetic. Madalas niyang iniinda ang pananakit ng kanyang balakang. Mayroong nakapagsabi sa amin na ito raw ay sintomas ng rayuma. Totoo ba ito? — Edna

Sagot Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng pananakit ng balakang:

  • Arthritis — ito ang pangunahing dahilan ng pananakit ng balakang, lalo na sa kababaihan, partikular na ang osteoarthritis. Ang osteoarthritis ay sakit na dala ng ‘wear and tear’ o resulta ng pagtanda. Ang ball at socket sa kasukasuan ay nagsisimula nang masira dahil sa pagtanda. Ang sakit na dala ng arthritis ay kadalasang nararamdaman sa harap ng balakang dahil sa paninigas o pamamaga ng kasukasuan.

  • Pinsala sa balakang — ang fracture sa balakang ay madalas sa mga matatanda, lalo na sa may osteoporosis o ang unti-unting pagnipis ng mga materyal sa buto.

  • Tendinitis o bursitis — ang mga kalamnan ay ikinokonekta ng tendons sa kasukasuan. Ang tendons ay madaling mamaga kapag nasobrahan ng gamit, lalo na kung madalas gumawa ng mga nakakapagod na aktibidad. Ang isa sa pangunahing sanhi ng tendinitis, lalo na sa mga atleta ay ang iliotibial band syndrome — ang iliotibial band ay makapal na tissue na nakalagay sa balakang pababa sa mga tuhod.

  • Bursitis — ito ay supot na puno ng likido. Ito ay tila shock absorber sa mga buto. Ang bursae, tulad din ng tendons ay madaling mamaga dahil sa iritasyon o sobrang paggamit at kadalasang nagiging sanhi ng pananakit kapag naigagalaw ang balakang.

  • Hernia o luslos — dahil ang luslos ay maaari ring tumubo sa bandang tagiliran ng balakang. Ito ay tinatawag na femoral o inguinal hernia, isang klase ng luslos na sanhi sa pagkakaroon ng karagdagan pressure sa tiyan.

  • Problema sa likod at sistemang reproductive — may pagkakataon din na sanhi ito ng gynecological.

  • Endometriosis — ito ay dulot ng maling pag-develop ng lining ng matris. Ang pakiramdam nito ay tila mayroong naipit na ugat sa likod natin na maaaring maramdaman mula sa likod pababa sa mga binti.

Narito ang ilan na dapat gawin para hindi lumala ang pananakit ng balakang:

  • Umiwas sa maaalat na pagkain.

  • Magkaroon ng healthy lifestyle.

  • Iwasang manigarilyo.

  • Iwasan ang madalas na pag-inom ng alak.

  • Uminom ng maraming tubig.

Gayunman, pinapayuhang magpakonsulta agad sa doktor kapag nakaramdam ng mas malalang pagsakit ng balakang.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page