Search
  • BULGAR

Paalala sa mga magulang, mga bagets ‘wag hayaang pagala-gala sa gitna ng pandemya

@Editorial | July 12, 2020



Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, para namang unti-unting nawawala ang pangamba ng iba sa atin.


Imbes na ‘new normal’, tila ‘back to normal’ ang sitwasyon. Dagsa ang mga tao sa pampublikong lugar, may ilang nakakalimot magsuot ng face mask habang ang iba naman ay dedma na physical distancing. Feeling wala nang virus sa paligid.


Ang isa pang nakababahala ay maging ang mga menor-de-edad ay hindi na rin mapigilan sa paggala at pagtambay.


Tulad sa isang barangay sa Lungsod ng Antipolo kung saan isang computer shop ang nahuling bukas, nag-o-operate at puno ng menor-de-edad. Ito ay malinaw na paglabag sa ipinaiiral na general community quarantine.


Hindi lamang ito usapin sa pagsuway sa batas kundi sa paglalagay sa mga bata sa alanganing sitwasyon.


At hindi lamang ang may-ari ng establisimyento ang dapat na managot dito, malaki rin ang responsibilidad ng mga magulang o guardian. Alam nating nasa paligid lang ang banta ng COVID, bakit natin hinahayaang gumagala ang mga bata?


Hindi natin sinasabing ikulong ang mga anak sa bahay dahil kailangan din nila ng sariwang hangin at init ng araw.


Muli, huwag tayong magpakampante, hindi lang COVID-19 ang sakit na maaaring makuha sa paligid lalo na’t tag-ulan na naman. Mas kailangang magdoble-ingat, alagaan ang sarili at ang pamilya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.