top of page
Search
  • BULGAR

Niyanig ng 6.4-magnitude na lindol ang Maguindanao

ni Lolet Abania | August 2, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Niyanig ng 6.4-magnitude na lindol ang Maguindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Naramdaman ang paggalaw ng lupa ng bandang alas-1:08 ngayong umaga, August 2 sa Maguindanao.


Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay tumama sa bahagi ng Maguindanao na matatagpuan sa 07.10°North, 124.28°East – 013 km South 24° East ng Cotabato City. Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 543 kilometers.


Gayunman, walang naiulat na nasirang gusali at aftershocks matapos ang pagyanig. Naitala ang Intensity II sa Alabel at Malungon, Sarangani at Intensity I sa Tupi, General Santos City at Koronadal City, South Cotabato, Kiamba, Sarangani, ayon pa sa Phivolcs.

Samantala, niyanig din ng 3.0-magnitude na lindol ang Davao Oriental, bandang alas-6:02 ngayong umaga.


Ang pagyanig ay tumama sa bahagi ng Davao Oriental na matatagpuan sa 05.92°North, 126.59°East – 099 km South 35° East ng Governor Generoso. Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 037 kilometers.


Patuloy na pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag at maging maingat sa anumang oras.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page