top of page
Search
  • BULGAR

Mga frontliner sa Cainta, nakatatanggap lamang ng Php300 hazard pay

ni Twincle Esquierdo | August 14, 2020




Sinabi ni Cainta, Rizal Mayor Johnnielle Nieto na nakatatanggap ng Php300 hazard pay ang frontliner na namatay dahil sa COVID-19 sa Cainta Municipal Hospital.


Sinabi ng alkalde sa kanyang facebook account, “300 pesos a day ang hazard na binigay ng Cainta local government unit sa mga frontliners. Ito ay makukuha mo bukod pa sa sweldong matatanggap mo bilang nurse ng ospital. Sa 60 day period na pinagbasehan ng covid timeline, kung pumasok ang frontliner ng 60 days, makakatanggap siya ng 18,000 pesos"


“Ang namayapang nurse ay pumasok ng 33 days. 21,000 plus pesos ang sweldo niya. Tumatanggap na rin siya ng hazard pay bilang nurse base sa percentage ng nakukuha niyang sweldo. Kahit wala pang covid,”


Ayon sa anak ni Ma. Theresa Cruz na si Joie Cruz ay dapat makatanggap ng halos Php30,000 pesos ang kanyang ina. Dahil base sa gobyerno Php500 kada araw ang hazard pay nila ngunit Php7,000 lamang ang natanggap ng kanilang pamilya.


"Hindi din totoo na tinanggihan siya sa request ng swab. Siya ang nagdecide na i cancel ang request dahil maganda na daw ang pakiramdam niya. Sila sila pa ba naman ang hindi magtutulungan eh sila sila rin naman ang nasa ospital,” ayon sa alkalde.


Sa facebook post ni Joie sinabi nito na tinanggihan ng local government na bigyan ng swab test ang kanyang ina dahil na-expose ito aa COVID-19 patient.


Nakausap di umano ng alkalde ang pamilya Cruz at sinabing ibibigay nila ang Php50,000 financial aid.


At ayon naman sa Department of the Interior and Local Government at DOH ay iimbestigahan nila ang nangyari sa hazard pay ni Ma. Theresa Cruz.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page