top of page
Search
  • BULGAR

Lotto outlet na pula ang dingding o rehas, dapat tayaan para maka-jackpot

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 24, 2020



Dear Maestro,


Matagal na akong tumataya sa lotto dahil gusto kong ipatapos ang bahay naming nasimulan noong January. Lagpas kalahating taon na at nakatiwangwang lang sa ngayon ang bahay at nilulumot na ang haligi at dingding na hallow blocks dahil kinapos kami sa budget.


Sana ay mabigyan n’yo ako ng masuwerteng numero sa lotto para mapatapos na ang ipinagagawa naming bahay at kung may matitira, balak din naming magnegosyo ng tindahan. Bagay ba sa aming mag-asawa ang negosyong ito? October 4, 1974 ang birthday ko at February 5, 1971 naman ang mister ko.

Umaasa,

Jane ng Calangatan, San Teodoro, Oriental Mindoro

Dear Jane,


Ang birth date mong 4 at zodiac sign na Libra habang ang birth date na 5 naman ni mister sa zodiac sign na Aquarius ay nagsasabing suwerte nga kayo sa negosyo, lalo na ang mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain, gayundin ang mga produkto na may kaugnayan sa sari-sari store at grocery. Puwede rin sa inyo ang negosyong bigasan at iba pang basic need o mga produktong pang-araw-araw na kailangan ng mga tao. Sa nasabing negosyo, uunlad kayong mag-asawa hanggang sa tuluyang yumaman at umasenso.


Samantala, bukod sa sarili mong numero na 4 at 5 naman si mister, mapalad ka rin sa lahat ng numerong may sumatotal na 3, 7 at 9, tulad ng 12, 21, 30, 16, 25, 34, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito.


Puwede mo ring subukan ang 4, 15, 23, 28, 35 at 40, ganundin ang 1, 19, 22, 31, 37 at 41. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Cabalistic of Knowledge, 918/ 254/ 124/ 277.


Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na pula ang dingding o rehas. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.


Sa pagnenegosyo, ‘wag ding kalilimutang gumamit ng matitingkad na kulay tulad ng pula at apple green, habang iwasan naman ang mapusyaw o matatamlay na kulay.


Sa sandaling nasunod n’yo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad, tiyak ang magaganap sa 2024 sa edad mong 50 pataas at 53 naman si mister, maunlad na maunlad na ang inyong negosyo, matutupad na ang inyong pangarap, hanggang sa tuluyan na kayong yumaman at makapagpagawa sa isang tahimik na lugar at masarap tirahan ng isang bago, mas malaki, maganda at magarang bahay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page