Search
  • BULGAR

Kapalit ng ex-misis na si Harlene…ROMNICK, INILANTAD NA SA SOCMED ANG BAGONG GF

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 27, 2020


Photo from Instagram @bieruaro


Opisyal nang inihayag ng aktor na si Romnick Sarmenta ang relasyon nila ng indie actress na si Barbara Ruaro sa kanyang Instagram account last June 24.


Idinaan ni Romnick sa isang tula na pinamagatan niyang Blessed ang pag-a-announce sa bago niyang relasyon.


"Overjoyed and happy. That's what you make me," panimula ng tula ni Romnick.


"Thank you for this blessing. The colours that you bring. I thank God for you. And all that you are. You're special to me


"I love you Bie.

"Thank You Lord for this wonderful blessing.


"Thank you @bieruaro for the gift of love.

"For making me smile each day with the gift of your presence. I'm always here for you," kabuuan ng tula.


Ang tula na ito ay caption sa piktyur nina Romnick at Barbara na magkasama.


"Bie" ang tawag ni Romnick kay Barbara, habang "Nick" naman ang tawag ni Barbara kay Romnick.


Mapapansin na sa kanilang mga posts on their respective Instagram account ay may pa-#alwaystogether at the end of their captions.


Sinagot naman ni Barbara sa kanyang IG ang post ni Romnick announcing that they're officially in a relationship.


"Proof of life — and love. Thank you, Nicko, for keeping the faith, and for reminding me that sometimes, even at the worst of times, there are happy endings. It is a true blessing to stand hand in hand with you, my best friend and fellow soldier of Christ. I love and celebrate you every day," lahad ni Barbara.


Pero may parunggit pa si Barbara at the end of her message.

"Oh, and if I may, #hatersgonnahate.:) @nicksarmenta #alwaystogether🤍."


May haters agad sila, ganern?


Hindi naman siguro 'yung mga friends and followers ng estranged wife ni Romnick na si Harlene Bautista ang tinutukoy ni Barbara?


Knows naman kasi ng marami, 'di lang ng mga friends ni Harlene, na ang youngest sibling ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista ang unang nakipaghiwalay kay Romnick.


In fact, ang aktres-producer din na si Harlene ang nagsampa ng annulment case para sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila.


O baka naman ang kampo ng ex-partner ni Barbara at dating gitarista ng sikat na bandang Eraserheads na si Marcus Adoro ang tinutukoy ng indie actress?


Naghiwalay sina Barbara at Marcus last quarter ng 2019 dahil sa bintang ng bagong gf ni Romnick na verbal and physical abuse sa kanya ng ex-Eraserheads member.


Anyway, sa huling IG post ni Barbara ay ibinahagi naman niya ang masasayang bahagi ng relasyon nila ni Romnick.


"Last April 28, on the night of his birthday, Nick and I scarfed slices of strawberry shortcake and spent many hours daydreaming - as we tend to. It was an evening of common warmth and communication, laced with a cacophony of laughter. As Lou Reed sang, it was a perfect day, and I’m glad we spent it together," caption ni Barbara sa piktyur nila ni Romnick habang nagki-kiss.


Dagdag pa niya, "I’ve discovered many things about Nick, things that I enjoy rediscovering with each conversation we have. He possesses magical innocence, a child-like humor, an unbeatable wit, and a language of enthusiasm, all of which have notably proven to challenge and brighten my world."


Nagpasalamat at pinuri rin ni Barbara ang boyfriend niya.

"Thank you, @nicksarmenta. You are, without a sliver of doubt, the very best man I know. And I am proud of this God-given love. Here’s to our electric energy and mutual evolution, always punctuated by laughter. #alwaystogether," end ng caption ni Barbara.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.