Search
  • BULGAR

Goodbye ABS-CBN!

@Editorial | July 11, 2020



Tuluyan nang ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises ang panukalang magbibigay sana sa ABS-CBN ng 25-taong prangkisa.


Sa botong 70 na Yes, 11 na No, 2 inhibit at 1 abstain ay inaprubahan ng mga miyembro at ex-officio members ng komite ang resolusyon na nagsasabing hindi dapat bigyan ng prangkisa ang nasabing network.


Bago ito, nagkaroon ng 12 araw na pagdinig ang komite kasama ang House Committee on Good Government and Public Accountability kung saan tinalakay ang mga alegasyon laban sa ABS-CBN — citizenship ng kanilang Chairman Emeritus na si Gabby Lopez, pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipt sa mga dayuhan, political bias, paglalabas ng TV Plus, pagbabalik ng ABS-CBN sa mga Lopez, labor practices at umano’y hindi tamang pagbabayad ng buwis.

Hanggang sa bumuo ng technical working group ang komite na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa magiging hakbang sa panukala.


At sa naging rekomendasyon nga ng komite, napagkasunduan na ibasura ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.


Kasunod nito ang maraming tanong lalo na sa mga empleyado at may kaugnayan sa network, ano nang mangyayari?


Bagama’t, mayroon pa namang pagkakataon ang mga may-akda ng panukala upang iapela ang naging pasya ng komite. Kumbaga, hindi pa umano tapos ang laban.


At kung saanman mapunta ang kontrobersiyang ito sana naman ay nakatulong at hindi nakadagdag sa problema ng bayan.


Higit sa lahat, nawa’y nanaig ang batas at konsensiya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.