top of page
Search
  • BULGAR

Angkas ng riding in tandem na namaril ng tserman, patay

ni Thea Janica Teh | September 30, 2020




Masuwerteng nakailag ang isang barangay chairman sa Maguindanao matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem ngayong Miyerkules.

Kuwento ni Kapitan Durex Kasim, nagpapalinis umano ito ng sasakyan nang biglang pagbabarilin ng mga suspek.

Nadaplisan si Kasim at nakakuha ng baril upang gumanti sa suspek. Tinamaan ni Kasim ang angkas.

Nasawi ang angkas at nakatakas ang isa nang iwan na nito ang gamit na motorsiklo.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page