top of page
Search
  • BULGAR

Alamin ang iyong memory style para hindi maging malilimutin

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 11, 2020




Lahat tayo ay may iba’t ibang tinatawag na “memory personalities”, isang unique na paraan kung saan napananatili natin ang ating impormasyon sa isipan.


“At kung hindi natin naisasakatuparan ang paraan na ‘yan, mahihirapan tayo na magawa ito at hindi tayo madaling makaalala,” ayon sa psychologist na si Ben Williams, Ph.D..

Basahin sa mga sumusunod ang ilang tipo na nagsasaad ng iyong karakter at pagkatapos ay basahin ang ilang paraan upang maiwasan na maging malilimutin!

1. IKAW AY LOOKER TYPE KUNG: a. mas gusto mong mag-email kaysa tumawag sa telepono. b. madalas na gumamit ng pangungusap kaysa ang “I see” at “It appears” c. mahusay sa spelling at grammar d. Mas gustong magbasa at makinig ng directions sa Waze.

2. LAHAT NATATANDAAN SA: “Nakikita” ang mga bagay. Kapapakilala mo pa lamang sa iba? Naiimadyin mo na agad ang pangalan ng tao na nakalista sa kanyang noo o kaya ay naiuugnay ang pangalan sa hindi karaniwang imahe para mairehistro ito sa iyong isipan, ayon kay communication expert Don Gabor.

3. ANG MAKAKUHA NG MENTAL SNAPSHOT. Kailangan mo bang huminto para sa tinapay at gatas? Ilarawan ang items couch ng sofa, ayon kay executive coach Steven Robins. Matatandaan ito kung masasagap ang naturang imahe nang mas madali lamang.

4. IKAW AY TAGAPAKINIG KUNG: a. Mas nais mong gumamit ng telepono o tumawag kaysa ang mag-email. b. Madalas na gamitin ang pangungusap kaysa ang makinig. c. Makipag-usap sa sarili kapag walang ibang tao. d. Mas gustong makinig kaysa ang magbasa ng directions.

5. NATATANDAAN ANG LAHAT SA PAMAMAGITAN NG: a. Paggawa ng musika. b. Nagtatakda ng impormasyon na kailangan upang matandaan ang iyong paboritong tono, ito ang aktibo sa panahon ng iyong “neural pathways” ng utak na nakakatulong na mamemorya ang liriko nang mas madali.

Ang boss ba ay nagbibigay ng mas maraming gagawin? Ulit-ulitin ito. Basta tsekin lang, gagawin ko ba ang X, Y at Z? Makagagawa ka ng mental recording sa iyong naiisip na maire-rewind ito.

6. IKAW AY ISANG FEELING TYPE KUNG: a. Mas gustong makipag-usap nang face-to-face kaysa ang makipag-chat o tumawag sa telepono. b. Madalas na magsalita ng gaya ng “If feels like” c. Gumawa ng desisyon sa pakiramdam. d. Bihira lang na magambala sa direksiyon bago kumuha ng anumang proyekto.

7. MATATANDAAN ANG LAHAT SA PAMAMAGITAN NG: Hipnotismo ng sarili. Nakalimutan ang pagkuha ng plantsa? Ang feeling ay receptive sa sariling pakiramdam. Kaysa ipikit ang mga mata ay huminga nang malalim at sabihin sa sarili na plantsa ang natatandaan.

8. NAGAGAMIT ANG IBA’T IBANG SENSE. Sumulat ng iyong kailangan na maalala sa paggamit ng daliri bilang ballpen at ang hangin ang iyong papel habang sinasabi ito ng malakas at inilalarawan sa isipan.


Malaking bagay na rin ngayon na mayroong cellphone at laptop dahil naitatala na roon ang mga bagay na dapat gawin para sa mga susunod na araw. Ise-set lang ang alarma upang hindi ka makalimot sa oras at araw na kailangan.


Ang dami ng iyong hawak na papeles, videos, websites at seminar ay ayon na rin sa lakas ng alaala. Tiyakin na alerto ka at nagbibigay-pansin bago ka magsikap na magmemorya ng kahit ano.


Intindihin ang anumang material na ginagamit kaysa ang magkabisa nang magkabisa kung ito ang tipo na kailangan ng mas malalim na pang-unawa.


Isama ang mga bagong kaalaman sa mga bagay na alam mo na. Ilagay ang mga natutunan sa isang konteksto sa iba pang natutunan, hanapin ang kaugnayan nito sa bawat ideya.


Palakasin ang iyong visual at pandinig sa paggamit ng drawing, chart at musika para matulungan ka na maalala ang lahat ng leksiyon.


Gumamit ng ‘mnemonics’ devices gaya ng formula o rhymes bilang memory aid. Halimbawa, gumawa ng ‘acronym’ ng ‘COVID’ upang maalala ang mga lugar na Cagayan, Olongapo, Vigan, Iligan at Davao.


Ulitin at rebyuhin ang mga natutunang paulit-ulit kung kaya mo rin. Gamitin ito sa pakikipag-usap upang maipagpatuloy ang pagpraktis at ito na rin ang susi ng iyong pagkakatanda sa anumang bagay kahit may katagalan na itong tapos.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page