top of page
Search
  • BULGAR

3-araw na botohan sa 2022 — COMELEC

ni Lolet Abania | September 24, 2020




Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC) na ang isasagawang 2022 national at local elections ay maging dalawa hanggang tatlong araw upang mabawasan ang bilang ng botante na pupunta sa mga voting precincts sakaling may pandemya pa rin ng COVID-19 sa panahong 'yun.


Sa ginanap na pagtalakay ng House panel sa panukalang budget ng poll body, ayon kay Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz Jr., plano nilang gayahin para sa 2022 elections ang two-day na iskedyul ng Palawan plebiscite.


Sa mangyayaring plebisito na gagawin ngayong taon, inaasahang mapagdedesisyunan kung hahatiin ang Palawan sa tatlong probinsiya.


"We're looking at that to implement that sa 2022 elections. 'Yung date ng election is scheduled by the Constitution. So the plan is to hold elections sa May 9 and then perhaps another two days kung kailangan to continue the elections," sabi ni Sinocruz.


"Parang in-extend lang natin 'yung voting hours. But that's still being studied by our law department," dagdag niya.


Naniniwala si Sinocruz na mayroon nang bakuna kontra sa COVID-19 bago ang 2022 national elections subali't kailangan pa rin ng patuloy na hakbang laban sa pandemya upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga botante. Kasama rito ang limitadong bilang ng mga ito sa loob ng polling precincts na limang tao lamang.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page