top of page
Search
  • Eddie M. Paez, Jr.

Olympic wrestling champion nakarekober na sa COVID-19

Nakaligtas na ang Cuban world wrestling champion na si Ismael Borrero mula sa bangis ng COVID-19 matapos itong makumpirmang nadapuan ng virus noong Marso 17 dahil sa paglahok sa isang kompetisyon sa Ottawa, Canada.

Ang 28-taong-gulang na Greco-Roman wrestler na namalagi sa Pedro Kouri Institute of Tropical Medicine ay kasalukuyan nang sumasailalim sa routine na isolation period.

Bukod kay Borrero, taga Diez De Octubre sa Havannana na naghari sa 59-kilogram wrestling noong 2016 Olympic at 2015 world championships, nakarekober na rin sa virus ang isa pang bahagi ng Cuban contingent na si physiotherapist Milena Rodriguez. Negatibo naman sa COVID-19 ang 26 iba pang kasapi ng koponan.

Nadagdag na sina Borrero at Rodriguez sa mga sporting personalities na nakabawi mula sa coronavirus. Napaulat din na si International World Games Association (IWGA) president Jose Perurena Lopez, 74-anyos mula sa Spain at si swimming Olympic gold medalist Cameron Van Der Burgh ay nakarekober na rin sa virus.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page