top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Todo-yakap sa guwapong football player habang nasa Madrid… Ellen, idinispley na ang ipinalit kay Joh

  • Beth Gelena
  • Jan 29, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @maria.elena.adarna (right)

May post si Ellen Adarna sa kan­yang social media account na may kasamang guwapong guy. Ang larawan ay kuha sa Central Ame­rica in Madrid. Carlos Lemus ang pa­ngalan ng guy at nakayakap pa sa kanya si Ellen.

Siya umano ang man in life ngayon ng sexy actress. Pagpapatunay na hiwa­lay na nga sina Ellen at John Lloyd Cruz.

Sabagay, wala namang masama kung nakikipag-date na si Ellen sa ibang guy. Hindi naman nauwi sa kasalan ang short- lived relationship ng dalawa kahit nabi­yayaan na sila ng anak, si Elias Modesto.

Walang nakalagay kung sino ba si Carlos Lemus sa buhay ni Ellen, pero may naka-tag sa ibinahaging larawan ng sexy star na account name na @doncarlemuss.

Sinearch namin sa Google ang name ni Carlos at maraming lumabas na kapareha ng nasabing pangalan. Pero mas na-curious kami sa name ni Carlos Alberto Lemus Figueroa na taga-Chile, football player sa kanilang bansa na kabilang sa Everton de Viña del Mar football club bilang goalkeeper.

Kung paano sila nagkakilala ni Ellen, ‘yun ang hindi pa namin nalalaman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page