top of page
Search
  • BULGAR

Babala ng experts... PAGSASAMPAY NG DAMIT SA LOOB NG BAHAY, BAD SA HEALTH!

NGAYONG tag-ulan, napakahirap magpatuyo ng damit, lalo na kung walang dryer at garahe o terrace ang bahay. Siyem­pre, dahil sa madalas na pag-ulan, hindi puwedeng magsampay sa labas, kaya ang option, sa loob ng ba­hay isasampay para ma­tuyo ang mga nilabhang damit. Pero, mga ‘tol, knows ba ninyong may ne­gative effects din ang pag­sasampay ng mga basang damit sa loob ng bahay?

Sey ni Barry O’Rourke, RTE Lifestyle Journalist, ang ganitong gawain ay maa­aring magdulot ng negati­bong epekto sa kalusugan lalo na sa mga taong mayroong asthma. Ayon kay Pheena Kenny ng Asthma Society of Ireland, dahil sa moist, nag­kakaroon ng tinatawag na “spores” na nagdudulot ng iba’t ibang allergic reactions sa tao. Dahil dito, nabubuo ang mould at fungi na maa­aring malanghap ng tao. Hindi lamang asthma ang puwedeng maidulot nito kundi maging eczema at iba pang allergies. Dagdag pa niya, ang aspergillus fumi­gar­tus spore ay lubhang deli­kado kung sakaling malalang­hap ito ng tao dahil ito ang da­hilan sa pagkakaroon ng lungs infections. Samantala, Ayon kay Professor David Denning ng National Asper­gillosis Centre in Manches­ter, hindi lamang malubhang pagkasira ng lungs ang mai­dudulot ng ganitong gawain kundi maging ang pagkasira ng sinuses. Sinang-ayunan din ito ni Dr. Nick Osborne, Senior Lecturer in Environ­mental Health sa University of New South Wales, aniya, delikado rin ang dustmites na mahilig pamugaran ang mamasa-masang lugar. Sabi rin ni Catharine Paddock, PhD., ng Machester, United Kingdom, ang pagsasampay sa loob ng bahay ng mga damit na ginamitan ng fabric conditioner ay masama sa kalusugan dahil sa cancer-causing chemicals na huma­halo sa hangin.

Kaya ang payo ng mga eksperto dahil hindi maiiwa­sang magsampay sa loob ng bahay ngayong tag-ulan, da­pat piliin ang lugar na pag­sasampayan ng damit kung saan well-ventilated at ma­layo sa living room at mga kuwarto. Gayundin, dahil mabilis kumalat ang moulds o fungi sa mga basang lugar, ilayo rin ang lugar ng pagsa­sampayan sa bathroom at kusina.

Now we know, mga ‘tol! Siguro, this time, hindi na tayo magsasampay basta-basta ng mga basang damit kung saan-saan.

Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page