top of page
Bea Alonzo - IG.jpg
Search

Tips para hindi lumala ang osteoarthritis

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 44 years old at obese. Sa timbang kong 70kgs. ay 5 feet lang ang height ko. Ang problema, madalas kong iniinda ang pananakit ng aking mga tuhod. Sobrang nahihirapan akong i-bend ito, lalo na kapag umaakyat-baba ako sa hagdan. Maraming nagsasabi sa akin na magbawas daw ako ng timbang, partikular ang aking asawa dahil ganito rin daw ang problema ng kanyang katrabaho. Ang sabi raw ng doktor nito ay osteoarthritis daw ang problema niya sa tuhod. Ano ba ang osteoarthritis, mayroon ba akong dapat gawin para rito? — Agnes

Sagot

Maraming uri ng rayuma (arthritis) ngunit, ang dalawa sa karaniwang nararanasan ng tao ay ang tinatawag na osteoarthritis (OA) at rheumatoid arthritis (RA).

Bagama’t, pareho itong nasa kategorya ng arthritis at parehong nagdudulot ng masakit na pakiramdam, ito ay nagkaiba dahil ang osteoarthritis ay bunga ng pagnipis at pagkasira ng cartilage.

Ang osteoarthritis ang pinakakaraniwang uri ng arthritis. Masasabing normal ito sa matatanda ngunit, para maiwasan ang pagkakaroon nito sa batang edad, kailangan ng ibayong pag-iingat.

Narito ang mga dapat gawin:

• Panatilihin ang tamang timbang — kung ikaw ay overweight, mainam na magbawas ng timbang habang maaga pa bago mo sapitin ang mas malalang problema. Ang labis na katabaan ay nagbibigay ng mas maraming puwersa sa mga kasu-kasuan tulad ng tuhod, balakang at mga paa na siyang nagdadala ng kabuuang bigat ng katawan. Ang cartilage na nagsisilbing shock absorber ng mga buto ay napupunit, numinipis at nasisira kapag puwersado ang trabaho.

• Mag-ehersisyo — Napakahalaga na malakas ang mga kalamnan ng mga paa, lalo na ang muscles na nasa harapan ng mga hita. Mapapalakas ito sa pamamagitan ng squat exercise at iba pang uri nito, gayundin, maaaring gawin ang paboritong sports bilang exercise. Gayunman, alamin ang mga tamang hakbang bago magsimula ng sport o exercise. May pag-aaral na mas tumataas ang tsansa ng osteoarthritis sa joints na unang napinsala noong bata pa.

• Ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa Omega-3 fatty acid, Vitamins C at D — bagama’t, hindi tuwirang sinasabi na may mga pagkaing makasusugpo sa osteoarthritis, ang tatlong nabanggit na nutrients sa itaas ay nakababawas ng panganib at pumipigil sa paglala ng sakit na ito sa kasu-kasuan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page