top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PULIS BINENTAHAN NG SHABU, MAG-UTOL KULONG

  • Maeng Santos
  • Feb 26, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang magkapatid na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga matapos magbenta ng shabu sa pulis sa buy-busto peration sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ken Luigi Adorable alyas Mense, 26, electrician at Renz Miguel Adorable, 22, event organizer, kapwa residente ng Bgy. 74, Caloocan City.

Ayon kay PO2 Jerry Basungit, alas-4:30 ng madaling-araw nang ikasa ng Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni P/Insp. Rolando Domingo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Guava Road, Bgy. Potrero.

Isang undercover police ang nakabili ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P300 sa mga suspek at nang magbigay ito ng signal sa kanyang kasamahan, agad lumusob ang back-up na mga operatiba at inaresto ang magkapatid.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page