PAMASKONG KORONA SA PBA SA HOTSHOTS BA O ACES?

MATAPOS ang 2018 PBA Rookie Draft kung saan 41 sa may 47 rookies ang nakuha sa pangunguna ni top pick CJ Perez para sa kulelat na Columbian Dyip, muling ipagpapatuloy ang title playoffs sa Governor’s Cup mamayang gabi ng Magnolia Hotshots at Alaska Aces sa Ynares Center sa Antipolo City.
Ang tanong maiuuwi na kaya ng Hotshots ang korona? Maitabla kaya ng Aces at ipilit ang winner-take-all Game 7? Magsasagupa ang Hotshots at Aces ng 7 p.m. na parehong determinadong manalo.
Lamang ang Magnolia sa 3-2 at isang panalo na lang ay maiuuwi na ang koronang binakante ng Barangay Ginebra Gin Kings na tinalo nila sa best-of-five semis kung saan pinatalsik ng Aces ang Meralco Bolts at ikasa ang best-of-seven title series. Nabaligtad ang sitwasyon at napunta ang momentum sa Magnolia, maging ang pressure ay nasa Aces matapos kunin ng Hotshots ang Game 5, 79-78, sa game-winning jumper ni conference best player of the game Paul Lee.
Inaasahang muling gaganap ang dating UE Red Warriors Hotshots ng mahalagang papel katuwang si import Romeo Travis, Mark Barroca, Jio Jalalon, lan Sangalang, Justine Melton, Rafi Reavis, Rome de la Rosa at Aldrich Ramos. Kinuha ng Hotshots ang unang dalawang laro subalit naitabla ang serye sa 2-2 matapos manalo ang Aces sa Game 3 at 4.
Kapwa kumpiyansa sina coach Chito Victolero at Alex Compton sa panalo. Sina Victolero at Compton ay parehong gutom sa titulo at determinadong mapasama ang pangalan sa elite “club of champions” kahilera nina Tim Cone, Virgilio “Baby” Dalupan, Dante Silverio, Tommy Manotoc, Norman Black, Robert Jaworski, Yeng Guiao, Vincent “Chot” Reyes, at Leo Austria.
Masinsinang kinausap ni Victolero ang players at sinabi sa kanila na pag-igihan ang laro kung nais mag-champion at bigyang kulay ang kanilang Pasko sa taon na ito at tuluyang biguin ang ambisyon ni Compton at Aces na muling makabalik sa trono na hindi nila na-enjoy sa dalawang dekada matapos lisanin ni Cone ang koponan ni team owner Wilfred Steven Uytengsu at lumipat sa franchise ng San Miguel na pinasaya ng SMC ang Christmas Party ng TOPS (Tabloid Organization on Philippine Sports) kamakalawa ng gabi sa National Press Club, Intramuros, Manila. “I reminded my players to play one big game one more time to clinch the title. I reminded them to stay alert and focus and not give Alaska the leverage to mount offensive,” sabi ni Victolero.
Desperado naman si Compton at inatasan niya ang kanyang mga bata na gamitin ang lahat ng nalalaman at ipilit ang winner-take-all Game 7. “We’re down but not out. The pressure is on us. We will fight back and go for a win no matter how difficult is it. We will do everything to even the series and force Game 7,” ani Compton. Kailangang patunayan ni Harris ang titulo bilang Best Import at hindi lang puro porma. Kailangang ipakita niya na mas may ibubuga siya kay Romeo Travis at pinakamagaling na import sa 2018 Governor’s Cup.





Comments