top of page
Search
  • BULGAR

4TH LEG NG INDIGENOUS PEOPLE’S GAME IDARAOS SA BENGUET


BILANG National Indigenous People’s Month ang buwan ng Oktubre, ang Philippine Sports Commission ay magdaraos ng 4th leg ng Indigenous People’s Games kaugnay ng selebrasyon.

Ang upcoming leg ay gagawin sa Munisipalidad ng Kapangan sa Benguet Province mula Okt. 27-29 na ihahanda ni PSC Commissioner Charles Raymond Maxey na unang inilunsad noong Agosto sa tulong ni Benguet Provincial Sports Coordinator Denmark Monang.

Sinabi ni Karlo Pates, Executive Assistant na, “We are expecting around 500 participants in this edition”. Idaraos ang isa pang susunod na leg sa Bukidnon sa Nobyembre upang ituloy ang round up activities ng IP ngayong taon. Unang idinaos ang tatlong legs ngayong taon sa Davao del Norte, Lake Sebu, South Cotabato at Ifugao. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page