Search
  • BULGAR

2 istasyon ng ferry, bubuksan na simula Setyembre 28

ni Thea Janica Teh | September 27, 2020




Bubuksan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula bukas, Setyembre 28, ang dalawa pang Pasig River ferry stations.

Maaari nang sumakay sa istasyon ng Hulo, Mandaluyong at Sta. Ana, Manila ang mga authorized outside residence (APOR), ayon sa MMDA.

Ngunit ayon sa ahensiya, tanging ang mga APOR lamang ang papayagang makasakay nang libre sa ferry sa ilalim ng general community quarantine.

Samantala, mananatiling bukas ang mga ferry stations sa Pinagbuhatan San Joaquin sa Pasig; Guadalupe at Valenzuela sa Makati at Lawton at Escolta sa Maynila.

Pinaalalahanan ng MMDA na kinakailangang magsuot ng face mask at face shield ang mga pasahero. Bago sumakay ay kukuhanan din muna ng temperature ang mga ito at sasagot ng form para sa contact tracing.

Ayon pa sa MMDA, tanging may edad na 21-59 lamang ang maaaring sumakay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.