Search
  • BULGAR

2-buwang palugit sa may utang sa Pag-IBIG

ni Lolet Abania | September 29, 2020




Inaprubahan na ang pagbibigay ng 2-buwang palugit sa pagbabayad ng utang ng lahat ng miyembro ng Pag-IBIG Fund.


Ayon kay Sec. Eduardo del Rosario, chairman ng Department of Human Settlements and Urban Development, binibigyan ng 60-araw o 2-buwang grace period ang mga Pag-IBIG members na makapagbayad ng utang sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ng gobyerno.


Para sa housing loan ng bawat miyembro, ilalagay sila sa Special Housing Loan Restructuring Program ng ahensiya upang maisaayos ang iba’t ibang accounts at manatiling pag-aari nila ang kanilang bahay.


“We heed and support President Duterte’s call to help our fellow Filipinos who are experiencing financial hardships brought about by the COVID-19 pandemic,” sabi ni Del Rosario.


“We recognize that this pandemic continues to impact jobs and businesses in the country.” Dagdag ni Del Rosario, sa nasabing guidelines, awtomatikong bibigyan ng 60-araw na palugit ang loan payments sa mga programa ng ahensiya tulad ng Multi-Purpose Loan, Calamity Loan at Housing Loan na ang due date nito ay mula September 15 hanggang November 14, 2020.


Sa nasabing grace period, ang lahat ng miyembro ay magbabayad sa utang na wala nang dagdag na interest, at interes pa sa interes nito.


“Under the Bayanihan 2 law, the grace period covers loan accounts with up to 3 months in arrears. But under our approved Pag-IBIG guidelines, we will cover loan accounts with up to 9 months in arrears so we can help more borrowers, specifically those whose incomes were affected when community quarantines were first declared in mid-March,” sabi ni Del Rosario.


Samantala, para sa Special Housing Loan Restructuring Program na nalalagay sa foreclosure ang kanilang bahay dahil apektado ng pandemya, maaaring i-renegotiate ang terms ng kanyang pagkakautang sa mas tiyak at makakayang pagbabayad.


Gayunman, sakaling nagnanais na magbayad ng isang miyembro ng kanyang loan bago pa matapos ang grace period, tatanggapin ito ng ahensiya at ituturing na advance payment.


Magiging mahaba lamang ang payment period ng kani-kanyang utang. Maaaring ipasok ito sa tinatawag na loan term ng Pag-ibig. “By default, dahil hindi nila kailangan magbayad for the next 60 days, automatic mae-extend ‘yung loan term ng 2 months or 60 days pero ang interest kasi magtsa-charge pa rin,” sabi ni Pag-Ibig CEO Acmad Rizaldy Moti.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.