Search
  • BULGAR

11 inaresto sa Laguna, natulog sa kulungan

ni Lolet Abania | July 5, 2020




Inaresto ang 11 indibidwal ng awtoridad sa Cabuyao, Laguna, matapos ang isinagawang kilos-protesta patungkol sa Anti-Terrorism Law, ayon sa Philippine Collegian.


Mariing tinututulan ng grupo ang pag-apruba at pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Anti-Terrorism Act of 2020 o Republic Act 11479, dahil sa maaari umanong abusuhin at gamitin ng sinuman.


Kasalukuyang naka-detained ang mga naaresto sa barangay hall ng Pulo habang trending sa ngayon, #FreeCabuyao11.


Samantala, kabi-kabila rin ang isinagawang kilos-protesta ng maraming grupo, kasama rito ang rally sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City, Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa Mendiola.


Gayunman, naghain na ang grupo ng mga abogado ng petisyon sa Korte Suprema, patungkol dito. Ayon kay Atty. Joseph Peter Calleja, isa sa mga lawyer, mayroon umanong nakapaloob sa Anti-Terrorism Law na maaaring lumabag sa karapatang-pantao.


Bukas naman si Sen. Panfilo Lacson, may-akda ng naturang batas, sa petisyon ng mga abogado, aniya, mas mainam ang kanilang ginawa dahil sa mismong ang Korte Suprema na ang magpapaliwanag tungkol sa Anti-Terrorism Law.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.