ni Julie Bonifacio @Winner | May 10, 2025
Photo: Paulo Avelino at Lovi Poe - IG
May pagtutuwid na post si Paulo Avelino sa X (dating Twitter) kahapon. Nag-react si Paulo sa pagbati ng fan niya na nag-post sa X ng isang pelikula ng aktor na ipapalabas sa November.
Deleted agad ang link na nakakabit sa post nu’ng fan ni Paulo nu’ng silipin namin pagkatapos mabasa ang post ng aktor sa X.
Ini-repost ni Paulo ang pagbati ng fan niya sa X, “Congratulations, @mepauloavelino! Excited to see this this November — definitely something to look forward to!”
Caption ni Paulo sa post ng kanyang fan, “I’m not sure how this surfaced, but for everyone’s information, this movie didn't push through.”
Sinundan ito ni Paulo ng isa pang post sa X, “To clarify, it probably is pushing through but I won’t be part of the cast. I wish them all the best.”
Sa thread ng post ni Paulo ay napag-alaman namin na ang naburang link ay teaser pala ng historical film na Lakambini na isa rin sa mga bida si Lovi Poe. Kasama si Paulo sa teaser ng movie.
Nagpasalamat ang mga fans ni Paulo sa ginawa niyang paglilinaw.
Aniya, “Thank you po sa clarification, ‘yung teaser po kasi, nandu’n ka... Kaya akala namin, the movie would push through.”
May mga nag-comment din kung sino ang source ng nagpakalat sa socmed na movie teaser kung saan magkasama raw sina Lovi at Paulo.
Aniya, “Taga-former agency mo pala ang source ng post. Ask mo si Lovi. Baka ipapalabas sa streaming.”
Ang alam namin, under si Paulo sa talent management ng yumao niyang manager na si Leo Dominguez. Pero kahit pumanaw na si Leo, ang tsika ay ipinagpapatuloy pa rin ito ng ibang tauhan niya sa LVD Talent Management.
‘Kakaintriga ‘yung word na “former” sa comment ng netizen. Ibig kayang sabihin ay kumalas na si Paulo sa talent management na iniwan ni Leo?
Also, may lumabas ding reaction from a certain “Ate Cheryl” na tila gustong magpaliwanag kay Paulo dahil sa kumalat sa socmed na trailer ng Lakambini.
Pahayag nito, “We sincerely apologize for the confusion caused by our recent post regarding the movie Lakambini starring Paulo Avelino.”
Ini-repost ni “Ate Cheryl” ang post ni Paulo sa X at may mensahe na ganito sa post, “Copy po relayed to direk and producers who have been trying to be in touch with you matagal na po. Thanks for the clarifications @mepauloavelino.”
Ini-repost din ni “Ate Cheryl” sa kanyang X account ang mensaheng ito mula sa Paulo Avelino Global (PAG) account.
Eto ang post ng PAG na ini-repost ni “Ate Cheryl” sa kanyang account:
“We sincerely apologize for the confusion caused by our recent post regarding the movie Lakambini starring Paulo Avelino.
“While Lakambini had been postponed years ago, a recent post from the film’s official Facebook page suggested that the project would finally push through. Based on that update, we shared the information with excitement. However, Paulo has since clarified that while the movie might still push through, he will no longer be part of the cast.
“We acknowledge that further clarification and strict counter-checking should have been done prior to posting. We take full responsibility for the oversight and will be more careful in verifying updates moving forward.
“Thank you for your understanding, and as always, thank you for your continued support for Paulo and his projects.”
Kinastigo rin ng ibang mga fans ni Paulo ang nagpakalat ng teaser ng Lakambini. Pahayag nila:
“You should have waited for Pau to post first bago magbida-bida and to think you’re Pau FG (fan group).. FACT CHECK first..”
“Anyone would have made the same mistake because of the FB post with the trailer, which even stated the movie will be shown in November 2025. No harm done.”
Anyway, 12 years ago pa pala sinimulan ang Lakambini na tungkol sa buhay ni Gregoria de Jesus. Pero ‘yun nga, ‘di pa rin ata matapus-tapos at nahaluan pa ng kontrobersiya.
Si Paulo Avelino pala ang gaganap na bayaning si Juan Nakpil sa Lakambini. Pero ‘yun nga, si Paulo na ang nagkorek na out na siya sa proyektong ito.
HULING nakasama ni Cesar Montano ang pumanaw na aktor-direktor na si Ricky Davao sa birthday party ng manunulat na si Dolly Ann Carvajal last year.
Nagkantahan pa raw sila sa party at bumibirit pa si Ricky sa kanyang Bakit Ngayon Ka Lang habang ka-duet si Pops Fernandez.
“Alam ko noon, may plaster pa s’ya rito sa leeg, eh. Alam mo naman kami, biruan, ‘‘Di kaya kakabirit mo n’yan, baka may lumabas na d’yan?’ sabi ko. Niloloko ko pa s’ya noon. ‘Di ko alam na ganoon and up to now, hindi ako makapaniwala na wala na siya. I don’t understand. Hindi ako makapaniwala na wala na ang isang Ricky Davao,” malungkot na pag-alala ni Cesar nu’ng makausap namin sa wake ni Ricky sa The Heritage Park.
Malaking space raw ang iniwan ni Ricky sa showbiz.
Pahayag ni Cesar, “Ricky Davao is one of the finest and important actors in Philippine cinema. S’ya ‘yung kung magbibigay ka ng epitome of a serious actor, a great actor. Ricky Davao, isa ‘yan d’yan. Kung kukuha ka ng Top 10 mo, isa d’yan si Ricky Davao.
“Sa grupo namin na magkakaibigan, ‘pag nagkaroon na ng kasiyahan at may kumakanta na, si Ricky Davao, palaging may hawak na microphone. Hindi mo makukuha ‘yung mic. Para bang s’ya na lang ‘yung gustong kumanta nang kumanta. Ang hirap nang agawin ‘yung microphone. ‘Yan ang ‘di ko nalilimutan sa kanya. Si Ricky Davao lang ang gumagawa noon.”
Ilan sa fondest memories ni Cesar kay Ricky ay nu’ng mga bata pa sila sa showbiz.
“Puro kalokohan. Kasi, binata pa kami, magkakasama na kami, eh. So, marami ring obscene doon na hindi ko maikuwentu-kuwento,” sabay tawa ni Cesar.
Marami raw silang kalokohan na ginawa nu’ng araw.
“But, puro masasaya. Sobra. Kasi nga, nauso pa dati ‘yung acting workshop, nauso rin dati ‘yung basketball. Nakakapag-basketball pa kami noon. At umiikot kami hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang mga bansa. ‘Yung mga All-Star basketball team,” kuwento ni Cesar.
Dagdag pa niya, “Ang saya namin noon, sobra. Iba pa rito ‘yung All-Star League sa mga celebrities, sa Actor’s Guild. So, napakarami. Para kaming magkakapatid.
“So kung anuman, may problema, masaya, halu-halo. Doon namin nailalabas ‘yung totoong kami. Kung sino kami, ganu’n. So, talagang totoong-totoong kasiyahan.”
Nagkasama sina Cesar at Ricky sa pelikulang Asero ng Star Cinema with Gelli de Belen sa direksiyon ni Joey del Rosario.
“Ricky Davao is an inspiration to me as an actor, as a professional. Ano s’ya, very perfectionist din s’ya. At saka marami siyang advice. Marami s’yang kuwento. Ganito ‘yung approach. Ganu’n kami mag-usap, eh. ‘Kala mo nag-a-acting workshop pa rin at the same time, eh.
“So, mahilig s’yang mag-share. Hindi s’ya maramot. Mahilig s’yang mag-share ng ideas and knowledge about acting, about the craft. So, ang dami ko ring natutunan sa kanya. Hindi lang puro kalokohan ang natutunan ko sa kanya,” lahad ni Cesar.