top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 28, 2025



YouTube GMA Network (FTWBA)

Photo: GMA Network (FTWBA)



Inamin ni Carla Abellana na naghilom na ang kanyang puso matapos ang hiwalayan nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez noong 2022.


Ayon sa aktres sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Thursday, marami ring bagay na nakatulong sa kanyang pag-heal.


“I wouldn’t say naman po na it was just time that healed me. Madami pong effort, madaming trabaho, tinrabaho para mag-heal,” aniya.


Natanong din si Carla kung AFAM (a foreigner assigned in Manila) ba ang mystery guy na kanyang idine-date ngayon at natatawa niyang sagot, “No, hindi po s’ya AFAM.”

Aminado naman siyang nakipag-date siya sa guy na ipinost pa niya sa kanyang Instagram (IG).


“It was a date. Yes, I’ve been actually seeing him. Kita n’yo naman, nakaka-dalawang posts na po ako, ‘di ba? Parang may pagka-soft launch po,” sey niya.


Pagbabahagi pa niya, “Pero matagal ko na po ‘yan s’yang kilala. So, na-mention ko naman po that I’ve been open to dating and I have been dating. So ine-enjoy ko lang s’ya, Tito Boy.”

Sa past interview kay Carla ng King of Talk ay nabanggit ng aktres na ayaw na niyang magpakasal, pero ngayon ay ayaw na raw niyang isara ang kanyang isip tungkol sa marriage.


“Ayoko na pong maging close ‘yung aking pag-iisip na ganu’n. Of course, I want to be open naman po into, you know, open to enjoying myself and you know, falling in love or being in a relationship,” saad niya.


Sino kaya ang mystery guy niya?




GALIT na galit pa rin si Bianca Gonzalez sa “nakawan” na nangyari sa flood control projects at talagang bumoboses siya sa pagbatikos dito sa pamamagitan ng kanyang social media platforms.


Sa kanyang X (dating Twitter) account ay pinuna ni Bianca ang pagbibigay ng donasyon ng mga tao sa mga nasalanta ng kalamidad na dapat ay gobyerno ang gumagawa.


Para kay Bianca, habang ang ibang may mabubuting loob ay nagbibigay ng tulong sa kapwa, ang mga nasa puwesto naman ay kinukurakot ang pera sa buwis na makakatulong sana sa ating mga kababayan.


“Nakakagalit isipin na ‘pag may matinding sakuna, dali-dali tayong nagdo-donate ng relief goods, bigay sa fundraising ng kahit konti, volunteer mag-repack... samantalang may milyun-milyon at bilyun-bilyong perang kinurakot mula sa buwis natin na makakatulong sana sa mga nasalantang kababayan,” tweet ng TV host.


Sey pa niya, “‘Ika nga ng placard sa rally, ‘Resilient mo mukha mo.’”

Isa si Bianca sa libu-libong tao na sumama sa anti-corruption rally sa People’s Power Monument sa EDSA last Sunday kasama ang kanyang asawang si JC Intal at dalawang anak.


Noon pa ay isa rin siya sa mga celebrities na very vocal at talagang ginagamit ang kanyang social media platform para kalampagin at tuligsain ang mga nakikitang maling gawain hindi lang sa gobyerno kundi sa iba pang mga nagaganap sa bansa.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 24, 2025



Bela Padilla - IG

Photo: Maris Racal - IG



Sa pagdiriwang ng kanyang ika-28 kaarawan noong Lunes, Sept. 22, ibinahagi ni Maris Racal ang kanyang birthday wish. 


Sa kanyang Instagram (IG) account ay nag-upload ang aktres ng kanyang birthday photos at sa caption ay sinabi niya na isa lang daw ang wish niya sa kanyang kaarawan.


“It’s my birthday today. Ang wish ko lang ay DPWH,” aniya.


Ang totoong kahulugan ng DPWH ay “Department of Public Works and Highways”.

Kasunod nito ay sinabi niya kung ano ang ibig sabihin ng DPWH para sa kanya at ito ay “‘Di Pwede ang Walang Hustisya.”


Of course, ang tinutukoy na hustisya ni Maris ay patungkol sa anomalya sa flood control projects. Isa ang aktres sa libu-libong mamamayan na nakilahok sa naganap na “Baha sa Luneta” rally noong Linggo bilang pakikiisa sa pakikipaglaban sa corruption.




Sana ay matupad ang wish mo, Maris Racal.

ay matupad ang wish mo, Maris Racal.



Lumaki pala sa baha si Maymay Entrata. Kaya naman, alam na alam niya ang dusa at hirap na akala raw niya noong bata siya ay normal lang.


Sa kanyang Instagram (IG) page ay naglabas na rin ng kanyang hinaing ang Kapamilya actress, singer at TV host tungkol sa corruption sa flood control projects.


“Gusto ko lang sabihin nang diretso: deserve po natin ang mas maayos na bansa. ‘Yung buwis na binabayaran natin, dapat napupunta sa mga bagay na makakatulong sa tao. Tulad ng maayos na kalsada, edukasyon, health care, at hindi lang sa bulsa ng mga maling tao napupunta,” bungad ni Maymay.


Inalala niya ang paglalakad niya sa baha noong bata siya patungong paaralan. Nagtatawanan pa raw sila noon dahil nga nasanay na sila.


“Naalala ko nu’ng kabataan ko po, sanay akong maglakad papuntang school. May araw na naglalakad kami sa baha ng kaibigan ko, tumatawa lang kami kasi sanay na. Akala namin, normal lang ‘yun,” aniya.


“Pero ngayong mas may alam na ako, na-realize ko na hindi dapat ganu’n. Hindi dapat normal ang baha, ang sirang kalsada, at ang hindi maayos na sistema. Lahat po ‘yan ay resulta ng kapabayaan at paulit-ulit na pagkukulang ng mga nasa puwesto,” patuloy niya.


Tulad din ng iba, hangad ni Maymay ang maayos na gobyerno at tapat na paglilingkod ng mga pulitiko at public servants.


“Totoo, matibay po tayo at kaya nating tumawa sa gitna ng hirap, pero hindi ibig sabihin na okay lang kasi hindi dapat tayo masanay sa mali. Deserve po natin ang gobyerno na tunay na naglilingkod, ‘yung tapat at inuuna ang kapakanan ng bayan.


“Pero alam ko rin na hindi lahat sa gobyerno ay masama. May mga tao pa rin na may malasakit at naninindigan sa tama,” pahayag ng Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Lucky 7.


Panawagan ni Maymay sa ating mga kababayan, “Kaya sabay po nating ipagdarasal ang bansa natin na sana dumami pa ang mga lider na may puso para sa bayan. Na unti-unting magbabago ang sistema. Na balang-araw, hindi na lang tayo matututo mabuhay para lang makaraos, kundi mamuhay nang may dignidad at tunay na pag-asa.


“Pilipinas, may pag-asa pa po. ‘Wag tayong titigil maniwala at magdasal.”


Sana, ngayong may bagyo sa ating bansa at ngayong nakaranas uli ng baha ay maalala ng buong Pilipinas na bumoto nang tama sa susunod na eleksiyon.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 8, 2025



Mon Tulfo at Heart Evangelista - IG FB

Photo: Mon Tulfo at Heart Evangelista - IG FB



“Leave her alone!” ito ang mariing mensahe ni Ramon Tulfo sa mga nang-iintriga kay Heart Evangelista.


Pilit kasing idinadamay ng mga Marites ang global fashion icon sa issue ng mister niyang si Senate President (SP) Chiz Escudero tungkol sa flood contractors.


Nadiskubre kasing connected si SP Chiz sa isa sa top 15 contractors sa bansa na iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa anomalya ng flood control projects.

Kaya pati si Heart ay nadadamay sa galit ng mga netizens at sinasabing pera ng bayan na bigay ng kanyang mister ang ginagastos ng aktres sa kanyang mga luho.


Marami naman ang nagtatanggol kay Heart, lalo na ang mga matagal nang nakakakilala sa kanyang pamilya at isa na rito si Ramon Tulfo.


Sa Facebook (FB) account ng isa sa Tulfo brothers, sinabi niyang tantanan na si Heart dahil bata pa lang ay bilyonaryo na ito dahil sa kanyang mga magulang na may-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants.


“Leave her alone! Heart Evangelista is a billionaire in her own right as she comes from the wealthy Ongpauco clan that owns the Barrio Fiesta chain of restaurants,” saad ni Ramon.

Bukod pa sa galing sa wealthy family, milyun-milyon din ang kita ni Heart bilang aktres at influencer.


“Before she got married to Chiz Escudero, Heart was earning oodles and oodles of money as a movie actress and influencer,” aniya.


“The money she spends is her own, not Chiz’s,” giit pa ni Ramon.

“I should know; I’m a friend of her uncle Rod Ongpauco,” dagdag pa niya.

Sa mga matagal nang nakakakilala kay Heart, nakakatawa ang kuwentong ginagamit

niya ang pera ng bayan dahil sa kanyang asawang si Chiz.


Noon pa sinasabi ni Heart na sariling pera niya ang ipinangsa-shopping at ipinambibili ng kanyang mga mamahaling gamit.


Bukod pa rito, dahil sikat na influencer din ang aktres, nireregaluhan siya ng mga luxury brands ng kanilang mamahaling produkto. Makikita rin lagi sa mga posts niya ang mga regalong ito bilang promo na rin sa brand.


Kaya tantanan n’yo na si Heart Evangelista! Kung bumibili man siya ng mga mamahaling gamit, she deserves it dahil galing ito sa sarili niyang pera.



Naimpeksiyon ‘yung una… AZ, SISING-SISI NA IPINARETOKE ANG ILONG NG 2 BESES



INAMIN naman ni Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition former housemate AZ Martinez na produkto rin siya ng “salamat po, doktor” dahil nagparetoke siya ng ilong.


Ayon kay AZ sa kanyang panayam sa vlog ni Karen Davila, nagpa-nose surgery siya when she was 18 at ginawa raw niya ito dahil frustration niya ang kanyang ilong habang lumalaki.


“Kasi ‘yung mom ko at ‘yung kuya ko, ang ganda ng ilong nila. Si kuya kasi, nagmana sa mom ko. Hindi ko nakuha ‘yung ilong ng mom ko, nakuha ko ‘yung ilong ng dad ko,” pagbabahagi ni AZ.


Dagdag niya, “Napu-frustrate ako growing up kasi lagi akong nakatingin sa kanila, magkakambal daw si Mommy at si Kuya, ako, saan daw? Na-insecure ako sa nose ko and ‘yun, naisip ko for my 18th birthday, I got it done.”


Pero tila may pagsisisi siya dahil aniya, sana ay pinag-isipan muna niya ito bago ginawa. Gayunman, happy naman daw siya sa nose niya ngayon.


“Right now, like thinking about it, I wished I should have thought about it more. Kasi looking back, tinitingnan ko ‘yung photos ko, nasasabi ko, parang it wasn’t that bad naman. Parang nakaya ‘pag contour-contour lang. Pero happy ako sa nose ko,” aniya.

Pagre-reveal pa niya, “Actually, this is my second time kasi ‘yung first ko, it got infected, so this one I got it done last year again.”


Nang matanong kung ano ang maipapayo niya sa mga taong gusto ring magparetoke, sey ni AZ, “Think about it talaga, kasi sometimes, nagre-regret ako. May times na napapaisip ako na sana, hindi na lang. Ang gastos din, parang ganu’n. Pero whatever makes you happy, whatever makes you confident, go for it.”


Payo rin niya na mahalin ang sarili, something na dapat daw ay ginawa rin niya.

“Learn to also love yourself without those stuff, kasi parang that’s one thing na I should have done. One of my regrets also is hindi ko masyado minahal ang sarili ko kaya I jumped into impulsive decisions na hindi naman necessary, o hindi naman dapat sana. Na puwede pa sanang gawan ng iba pang paraan, na pag-isipan pa,” pahayag ni AZ Martinez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page