top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 24, 2025



Arnold Clavio at Mayor Vico Sotto - TWAR - FB

Photo: Arnold Clavio at Mayor Vico Sotto - TWAR - FB


Naglabas ng sariling opinyon ang Kapuso veteran broadcaster na si Arnold “Igan” Clavio hinggil sa kontrobersiyal na post ni Pasig City Mayor Vico Sotto.


Sa kanyang Instagram (IG) post ay inalmahan ni Igan ang mga pahayag ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes sa Facebook (FB) hinggil sa mga sikat na journalists na diumano’y tumanggap ng P10 million kapalit ng interview sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.


Bagama’t walang pangalang binanggit si Mayor Vico ay kalakip ng kanyang post ang larawan ng magkahiwalay na interview nina Julius at Korina sa mag-asawa.


Sa kanyang post, hinamon ni Arnold si Mayor Vico na maglabas ng ebidensiya na tumanggap nga sina Julius at Korina ng malaking pera mula sa mag-asawang Discaya.

“Mayor, kung mayroon kang matibay na ebidensiya laban kina Babao at Sanchez na nagpabayad sa mag-asawang Discaya para sila ay makapanayam, ilantad mo,” mensahe ni Igan sa alkalde ng Pasig.


Aniya pa, hindi niya inaasahang manggagaling kay Mayor Vico ang tinawag niyang

‘iresponsableng’ pahayag.


“Kung hindi ka sigurado sa P10 milyong piso, magkano ba? O mayroon ba? Dahil sabi mo, ‘Alam ninyo na.’ Hindi ko ito inaasahan na manggagaling sa ‘yo ang napakairesponsableng pahayag na ito. Gusto kong malaman, tulungan mo kami,” ani Igan.


Litanya pa niya sa Pasig mayor, “‘Wag kang magtago sa mga pasaring, parinig o haka-haka dahil sa industriya namin, mahalaga ang terminong ‘verification’ ng facts sa pagbabalita. Maraming pinagdadaanan ang isang balita bago ito umere.”


Patuloy niya, “Sa amin sa GMA Network Inc. at Super Radyo DZBB, sinasala ang bawat panayam at kailangan na may approval ng mga news manager.”


Para kay Arnold, isang malaking hamon sa kredibilidad ng lahat ng mamamahayag ang akusasyon ni Mayor Vico kaya naman nais niyang protektahan ang kanilang industriya.

“Ang akusasyong ito laban kina Babao at Sanchez ay tila ‘di makatarungan hindi lamang sa dalawa kundi sa buong industriya.


“Hindi ito para ipagtanggol ko ang dalawang mamamahayag sa paninira ni Sotto kundi para maproteksiyunan ang buong industriya ng pamamahayag na kinukuhanan ng impormasyon ng publiko.


“Nahaharap kami ngayon sa malaking hamon pagdating sa kredibilidad. Nand’yan ang social media na pilit sinisiraan ang mainstream media at mas pinaniniwalaan pa ng marami,” sey pa ni Igan.


Payo pa niya kay Mayor Vico, “‘Wag ka nang makisawsaw sa mapanganib na panahon dahil sa sarili mong interes na pulitikal. Nasa demokrasya tayo at may karapatan ang sinuman na marinig ang kanilang panig.


“Ang kuwestiyunin mo, ang makapanayam ang kalaban mo sa pulitika ay pagsikil sa karapatan ng publiko sa impormasyon.”


Patuloy pa niya, “Parehas tayo ng layunin, magkaroon ng malinis na gobyerno. Pero ‘wag mo namang isingit sa kamalayan ng mga Pilipino na ikaw lang ang malinis at matuwid.”

Hirit pa ni Arnold, “Ano’ng alam mo sa propesyon namin, Mayor? Ano ang ‘grey areas’ na binabanggit mo? Gusto kong malaman.”


Pagtatapos na mensahe ni Igan kay Sotto, “May trabaho ka, may trabaho rin kami. Respeto, walang personalan…”

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 23, 2025



Heaven Peralejo - IG

Photo: Heaven Peralejo - IG


Matagal na palang dream ni Heaven Peralejo na makatrabaho si Vic Sotto, kaya naman nang malaman niyang makakasama niya ito sa isang endorsement ay na-excite siya.

Si Heaven ang pinakabagong brand endorser ng PlayTime, the country’s most innovative online entertainment and gaming platform. 


Opisyal siyang ipinakilala sa mediacon last Thursday sa Grand Hyatt Hotel, BGC.

Ka-join na ni Heaven si Bossing Vic na naunang naging brand ambassador. 


Bagama’t hindi pa raw sila nagkakasama ni Bossing Vic sa movie or TV shows, ayon kay Heaven ay masaya na rin siya na makatrabaho ito sa endorsement.


“S’yempre, honored po ako. Bata pa lang ako, Bossing Vic na s’ya. And so, alam mo ‘yun, it’s a dream of mine to work with him. And now, I’m a part of this family, sobrang nakakatuwa po, nakakataba ng puso,” sey ni Heaven sa mediacon.


Ni hindi pa nga raw niya nami-meet in person si Bossing Vic at looking forward na siya na makasama ito sa promo. Sana nga raw, pelikula na with him ang susunod.


Aminado rin si Heaven na naglalaro siya ng online games sa PlayTime just to relax and have fun. Nang tanungin kung nananalo ba siya, kuwento ng aktres, “May time na nag-bet ako, I think mga P300 and I won mga P5,000. Very lucky kumbaga. And nakuha ko s’ya within 10 minutes. Naka-withdraw ako within 10 minutes.”


Pero ipinaalala rin ni Heaven sa lahat ang responsible gaming.

“PlayTime is about balance, knowing when to enjoy and when to pause. We believe gaming should be a source of entertainment, but always within the bounds of personal responsibility. That means recognizing limits, setting healthy boundaries, and making space to disconnect when needed. It’s a value I personally embrace as well: reminding myself that while gaming is fun, it’s just as important to step back, breathe, and be present offline,” pahayag ng aktres.


Dagdag pa niya, “It’s okay to take breaks, to find happiness in small things, and that play, done right—is healthy. I also want to remind everyone that even online, you can be empowered, respectful, and responsible.”



MAGBABALIK-TELESERYE na ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo matapos ang opisyal na anunsiyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ngayong araw (Agosto 22).


Magsisilbing reunion project din ito ni Kathryn sa Dreamscape Entertainment pagkalipas ng 15 taon. Ang naturang production unit ang nasa likod ng Mara Clara (MC), isa sa pinakatumatak na teleserye ni Kathryn na umere noong 2010.


Inanunsiyo ang inaabangang teleserye comeback ni Kathryn sa pamamagitan ng isang video sa social media kung saan nagpa-hair and make-up ang aktres para sa isang photoshoot.


Ang huling Kapamilya teleserye ni Kathryn ay ang romantic-comedy na 2 Good 2 Be True (2G2BT) noong 2022. Bumida rin siya sa big screen sa Hello, Love, Again (HLA) at kamakailan ay nagsilbi siya bilang isa sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent (PGT).


Abangan ang susunod na mga anunsiyo tungkol sa pagbabalik-serye ni Kathryn Bernardo.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 18, 2025



Nadia Montenegro - IG

Photo: Nadia Montenegro - IG


Matapang na ipinagtanggol ng misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valenciano ang kaibigang si Nadia Montenegro sa akusasyong gumagamit ito ng marijuana sa Senado.


Sa kanyang Facebook (FB) post, sinabi ni Angeli na hindi magagawa ni Nadia ang ibinibintang dito.


Sey niya, “I read something terribly unjust about my dear friend of over 25 years Nadia Montenegro Pla!”


Unang-una, Christian daw ang kaibigan at kasamahan nila sa grupo.


“Nadia is a deeply rooted Christian who has been nonstop doing quiet community services and supporting her 8 children, all so wonderfully raised by her. She is a member of our Artists-in-Touch ministry (a group of artists in the country’s entertainment industry) with the likes of Gary, Ogie, Kata Inocencio, Tirso Cruz III and wife Lynn, Audie Gemora, Anthony and Maricel P, Felichi P. Buizon, Amy Austria-Ventura, Carla Martinez, Carlo Orosa, Tricia Amper-Jimenez, Gina Alajar, Maricris Bermont-Garcia, Malou Fagar, Chit Guerrero, Garlic Garcia, Samantha Chavez-Wue, Sandra Chavez, Donita Rose, Aly Sotto, Gian Sotto, Mandy Ochoa, Kuh Ledesma, etc., and we all love each other like real siblings,” paglalarawan ni Angeli kay Nadia.


“We agree, disagree, laugh, cry, rejoice, admonish each other privately, pray for and support each other’s events, and are there for each other in good times and bad times, in sickness and in health, always praying for each other,” dagdag pa niya.


Ipinunto rin ni Angeli na kagagaling lang ni Nadia sa laban sa cancer kaya paano raw mangyayaring mai-involve ito sa paggamit ng substance.


“Nadia has just come out of a battle with cancer and she nearly died. Why on earth would she even engage in substance abuse at the Senate?


“She is an intelligent, godly and brilliant woman, always silently helping the poor,” pagtatanggol pa ni Angeli.


“We have prayer chats and she is active in some of these chats. Why would she ruin her testimony by what they are accusing her of!!!?” giit ng talent manager.


“But that’s just me. She didn’t ask me to write this post. I am just fiercely loyal to friends who have changed their lives and want to live righteously,” aniya pa.

Sa huli ay humiling si Angeli ng hustisya para sa kaibigan.


“I am praying for justice for Nadia!!!” aniya.


Si Nadia ay nagsisilbing political officer ni Sen. Robin Padilla at tinukoy siya ng isang staff ni Sen. Ping Lacson na sangkot sa paggamit ng marijuana sa loob ng Senado.


Ayon sa report, nangamoy-marijuana raw sa ladies’ room ng Senado at nakita si Nadia roon. Nang tanungin ang dating aktres, itinanggi nito ang akusasyon at sinabing

mayroon siyang vape at baka iyon ang nangamoy.


Sa ngayon ay iniimbestigahan ng Senado ang bagay na ito at kasalukuyang naka-leave si Nadia Montenegro sa opisina ni Sen. Robin Padilla.



MATAPANG namang hinarap ni Jodi Sta. Maria ang kanyang claustrophobia o takot sa masisikip na lugar nang pumasok siya sa isang madilim na kuweba kamakailan.


Ipinost ng aktres sa Instagram (IG) ang videos kung saan makikitang pumunta siya sa isang gubat at pumasok sa madilim na kuweba na napapalibutan ng mga paniki.


Sa last video ay kitang-kita ang kasiyahan ng aktres habang nasa loob na siya ng kuweba at napagtagumpayan ang kanyang takot.

“Fear has a way of making things look bigger, darker, and scarier than they really are.


“But I’ve learned that courage isn’t the absence of fear… it’s choosing to keep moving, even with fear beside you,” caption ni Jodi.


Inamin niyang natakot siya pero ginawa pa rin niya.


“That day, I didn’t just step into a cave… I walked in anxious, telling myself, ‘Okay, I am scared but I’m doing this anyway.’ That moment I was reminded that courage grows each time you try,” aniya.


Noon pa ay sinasabi na ni Jodi Sta. Maria sa mga interviews na claustrophobic siya.


Congratulations, Jodi, dahil nalabanan mo na ang takot mo.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page