top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 31, 2025



Kathryn Bernardo at James Blanco - IG

Photo: Kathryn Bernardo at James Blanco - IG


Tulad ng ibang Pilipino, nagrereklamo rin si Nadine Lustre tungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayong anomalya sa flood control projects sa ating bansa. Naglabas ng sentimyento ang aktres nang mahingan siya ng opinyon ng TV5 reporter na si MJ Marfori tungkol sa isyu.


“I think, you know, obviously people are going to react kasi with everything that’s been going on with the typhoons, with the flood and everything, people are not seeing any improvement. So, obviously, mali talaga, mali talaga,” sabi ni Nadine.


Ayon pa sa aktres, nalulungkot siya na makita ang paghihirap ng mga tao na nawawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa baha na hindi mabigyan ng solusyon.

“And I’m really sad seeing that people are really struggling and, you know, are going through all of these things, like losing their homes, even losing their pets, livelihood, just because we can’t find a solution for it,” aniya.


Dagdag pa niya, “Tapos s’yempre, nakakagalit at nakakalungkot na makita na ‘yung ibinabayad nating mga buwis, sa ganu’n lang napupunta.


“So I am not really very much updated on whatever it is that’s going on. I am, however, aware of, you know, the budget for flood. Pero ‘yun nga, nakakainis talaga,” sabi pa ng aktres.

Magkagayunman, natutuwa naman si Nadine na ang sambayanan na mismo ang nagsasalita at nagpapahayag ng kanilang mga reklamo hinggil sa nangyayari.


“It is good that people are speaking up. It is important we are heard by the people. When you stand up for yourself, people will do something about it. At the end of the day, they have to take care of people. We are paying them to help us and make things better for us,” saad ni Nadine.



NAYANIG ang social media matapos ang sorpresang anunsiyo ng tambalan nina Kathryn Bernardo at James Reid para sa isang ABS-CBN teleserye kung saan nagtala ang video teaser ng higit 3.5 milyong views sa loob ng 24 oras


Natuwa ang mga fans sa pangmalakasang tambalan ng Asia’s Superstar at ng Multimedia Prince para sa kauna-unahang teleseryeng pagbibidahan nila. 

Aminado si Kathryn na hindi rin niya inasahan na makakapareha si James.


“Hindi ko in-expect, baka si James din, hindi niya in-expect. Sino’ng mag-aakala na pagkatapos ng ilang taon, at galing pa kami ng kani-kanyang love team, na magkakasama kami para sa comeback teleserye namin? Posible na talaga ngayon. Excited na kami,” sabi ng aktres sa panayam ng TV Patrol.


Nagpatikim din si Kathryn sa mga dapat abangan mula sa teleserye nila at sinabing, “Nakakapanibago ito. Ang ganda-ganda ng konsepto ng series na ito. Sa lahat ng kuwentong ipinakita, ito talaga ang gusto kong gawin kasi hindi lang ito tungkol sa pag-ibig. Tungkol din ito sa pagkakaibigan, pamilya, at mga babae.”


Inanunsiyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang tambalan nina Kathryn at James kahapon (Agosto 29) sa pamamagitan ng isang video teaser kung saan makikita ang nakakakilig na chemistry ng dalawa habang kinukunan sila ng mga litrato para sa look test ng serye.


Abangan ang iba pang detalye tungkol sa serye at kung sinu-sino pang artista ang makakasama nina Kathryn at James.


Ito ang nagsisilbing comeback teleserye nilang dalawa pagkatapos ng 2 Good 2 Be True (2G2BT) ni Kathryn Bernardo noong 2022, at Till I Met You (TIMY) ni James Reid noong 2016.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 29, 2025



Chavit / YT

Photo: Chavit SIngson sa vlog ni Yen Santos - YT


Matapos ang paglilinaw ni Yen Santos sa kanyang vlog tungkol sa isyung may anak sila ni Chavit Singson, this time ay ang pulitiko-business tycoon naman ang nagsalita tungkol dito.


Sa latest vlog ni Yen sa YouTube (YT) ay nag-guest si Manong Chavit at sinagot ang ilang katanungan kabilang na ang matagal nang tsismis na may anak sila ng aktres.


“Ano ang comment mo sa mga rumors tungkol sa atin?” tanong ni Yen sa dating gobernador ng Ilocos Sur.


“Palagay ko, ikaw lang makakasagot n’yan,” pabirong sagot ni Manong Chavit.

Sa naunang vlog ni Yen ay nilinaw na niyang family friend nila si Chavit kaya marahil nagkaroon ng tsismis tungkol sa kanila.


Sinabi rin ng aktres na ang sinasabing anak nila ng pulitiko ay bunsong kapatid niya at si Manong Chavit pa nga ang ninong.


Sa bagong vlog ay inulit muli ni Yen ang koneksiyon nila ni Chavit.


“Parang more than a decade na kasi he’s a good family friend. Super tropa ‘to ng aking parents kaya lagi tayo nai-issue. Meron pa nga raw tayong anak, ‘di ba? Malaki na raw ‘yung anak natin, si Yan-Yan,” saad ni Yen.


“Guys, hindi po namin ‘yun anak. Kapatid ko ‘yun at ninong s’ya nu’n,” dagdag pa ng aktres.



Kahit hirap na hirap…

XIAN, KINAKARIR ANG PAGIGING PILOTO



NAGBALIK-TANAW si Xian Lim sa naging journey niya bilang piloto at obvious na masayang-masaya ang aktor sa kanyang bagong career na noon pa ay pinangarap niya.


Nag-post si Xian ng mga larawan mula sa kanyang flight training hanggang sa maging piloto siya at ibinahagi ang mga challenges na pinagdaanan.


“Favorite moments throughout flight training (airplane emoji). Ground school was tough. I didn’t know what to expect, and as the first pilot in my family, it was daunting stepping into the unknown. The deeper the lessons went, the more I asked myself why I chose this path or maybe… why did it choose me?” simula ni Xian.


Matapos ang ground school ay nag-training naman siya para sa kanyang Private Pilot License (PPL) na aniya ay hindi rin naging madali.


“Training for my Private Pilot License pushed me to my limits. At times, it felt impossible. But I learned to take it one day… one step at a time.


“I had to push myself. Commit. Take that leap of faith. The plan was simple. Get my PPL. But after my first checkride, I knew deep down I wanted more. I wanted to keep learning, keep growing, keep flying,” pagbabahagi niya.


Matapos makuha ang kanyang PPL ay hinangad naman niyang magkaroon ng Commercial Pilot License (CPL) at dito ay panibagong challenge ang kanyang hinarap.


“Earning my Commercial Pilot License was a whole new challenge. Endless hours of studying, cross-country flights, landings in unfamiliar aerodromes. It was tough, but it felt right,” aniya.


Ang pinakamahirap daw na parte ay ang Instrument Rating kung saan ay magpapalipad ka ng eroplano sa low-visibility conditions gamit ang aircraft instruments.


“Then came Instrument Rating—the hardest part yet. Long, quiet hours. Alone with your thoughts. No celebratory water splashes. It's just you, the instruments, and endless charts. It’s difficult, but every step reminded me why I started this journey,” sey niya.


Malayo pa raw ang landas na kanyang tatahakin pero sigurado si Xian na itutuluy-tuloy niya ito.


“The road ahead is far from over and I’m here to stay. Staying inspired, staying hungry for knowledge, and chasing the dream,” saad niya.


“I hope you can chase yours too,” pagtatapos pa ng aktor.


Ang malaking tanong, may balak pa bang mag-artista si Xian Lim o magpo-focus na lang siya talaga sa pagiging piloto?

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 28, 2025



Pokwang - IG

Photo: Pokwang - IG


Ikinaloka ni Pokwang ang kumakalat na fake news tungkol sa kanya at sa mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.


Sa kanyang Threads account ay ini-repost ng komedyana ang screenshot ng fake message niya kay Pauleen.


Sa naturang mensahe ay sinabi raw ni Pokwang sa misis ni Bossing Vic na, “Ma’am Pauleen, kukunin ko na po ‘yang anak namin ni Bossing, halata naman po sa hitsura, ‘di ba? Sa akin nagmana?”


Ang tinutukoy na anak ni Pokwang ay si Tali, ang panganay nina Vic at Pauleen.

Makikita rin sa screenshot ang sagot ni Vic Sotto na: “Ang corny mo mag-joke, Pokwang! Si Willie lang yata natatawa sa ‘yo! ‘Di ka papasa sa Eat… Bulaga! (EB) ko!”


Sa caption ay gigil na gigil na sinagot ni Pokwang ang nakakalokang imbentong kuwento.

“FAKE NEWS! Grabe na ang mga tao sa socmed (social media), mga wala kayong magawa. Makakarma rin kayo sa mga ugali n’yo! 


“Never ko tinawag na ‘Ma’am’ si Pauleen, si Poleng, ‘kaloka! Pero mas malala ‘yung mga nag-share at nanghusga agad!” imbiyernang sabi ng komedyana.


Maging ang mga netizens sa comment section ay galit na galit dahil idinadamay pa ng mga fake news peddlers ang mga batang walang malay.


May mga nagpayo rin kay Pokwang na kasuhan ang gumawa nito para mabigyan ng leksiyon.



Nagbakasyon lang sa Mindoro… 

2 ANAK NI MELAI, SABAY NAOSPITAL



NAUWI sa ospital ang pagbabakasyon ni Melai Cantiveros at ng kanyang pamilya sa Mindoro, ang hometown ng mister niyang si Jason Francisco.

Ibinahagi ni Melai sa kanyang Instagram (IG) account ang mga larawan kung saan makikitang nasa ospital sila.


Ayon sa Kapamilya TV host-comedienne ay sabay na nagkasakit ang dalawang anak na sina Stela at Mela kaya na-confine ang mga ito.

“Vacation turned into a hospital staycation,” sey niya.


Kuwela ang paraan ng pagkukuwento ni Melai sa nangyari sa dalawang bata. Ang bunso ay nagkaroon ng UTI (urinary tract infection) at ang panganay naman ay nagkaroon ng sore throat.


“First honor si Stela na nilagnat. Tapos pag-check, she is now the UTI girl. Tapos s’yempre, hindi rin nagpatalo si Ate Mela, kailangan magpamalas din s’ya. So ‘yun, s’ya naman si ‘Sore Throat Girl’. The best silang dalawa, sinobra ang pag-enjoy sa vacation nila,” tsika ni Melai.


Madali namang gumaling ang dalawang bata kaya nagpasalamat si Melai sa mga doktor at nagbiro pa na napaka-hospitable ng hospital.


“Thank you, Doctora Tin Salvador, our savior for this moment of time, and Mindoro Med Hospital. Talagang hospital talaga kayo kasi napaka-hospitable ninyo. Thank you, Lord na okay na ang aking Ate at Baby. You’re the best, God,” sey ni Melai Cantiveros.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page