top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | January 4, 2021




Hinihintay ng PBA ang pagbibigay ng listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng mga manlalarong nais nilang isama sa Gilas Pilipinas pool para sa darating na third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.


“Wala pa, hinihintay lang namin ‘yun,” pahayag ni PBA commissioner Willie Marcial nang maging panauhin ito sa programang Power and Play ni dating Commissioner Noli Eala noong Sabado. Nauna ng humingi ng tulong ang SBP sa liga para sa nakatakdang pagsabak ng Gilas kontra sa mahigpit nilang karibal na South Korea at sa pinalakas na koponan ng Indonesia ngayong darating na Pebrero.


Walang PBA players na naglaro para sa Gilas noong Nobyembre sa second window dahil nagkataong kasabay ng isinagawang PBA bubble ang idinaos na mga laro sa Bahrain. Inaasahan ng PBA ayon kay Marcial na maagap na pagbibigay sa kanila ng listahan para mapag-usapan na nila ito ng mga mapipiling players. “Kaya nga sabi namin, ibigay kaagad sa amin kung sino mga kailangan para makausap namin yung mga players. Kasi lahat nasa bakasyon eh,”ayon kay Marcial. “At, para makausap din nila. Ano ba plano ng SBP dun sa player na yun, ano ba magiging programa. Kailangan makausap din nila yung players na kukuhanin nila.” Maliban dito, nakaantabay din sila sa magiging pasya ng SBP tungkol naman sa special Gilas round para sa darating na Annual Rookie Draft na gaganapin online sa Marso 14 na nakadepende naman sa mga personalidad na mag-aapply sa draft. “Siguro by January 27 (deadline for draft application), ‘yun na ‘yun, hindi na natin ie-extend. Within a few days, magmi-meeting kami, pag-uusapan namin with the SBP kung may kukuhanin ba sa draft o papano.”

 
 

ni VA - @Sports | December 7, 2020



Pasok na sina Filipino amateur boxers at Olympic medalists Leopoldo Serantes at ang magkapatid na Roel at Mansueto Velasco Jr. para sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa 2021.


Ito ang inanunsiyo ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez noong nakaraang Biyernes. Kaugnay ito ng naging adoption ng PSHOF Review Committee sa resolusyon na awtomatikong nagbibigay ng slot sa mga Olympic medalists ng bansa sa talaan ng mga inductees. "Achieving a medal from the most prestigious games in history is something worth recognizing for a lifetime. They deserve it even without the process of someone voluntarily proving it for them," pahayag ni Ramirez na tinutukoy ang tatlong dating mga light flyweight bets. Si Serrantes na ngayo'y 58-anyos na ay nagwagi ng bronze medal noong 1988 Seoul Olympics kung saan tinalo nito sina Moustafa Hassan Esmail ng Egypt sa Round of 32 ,Samuel Stewart ng Liberia sa Round of 16 at sa Morocco pug na si Mahjoub M'jirih sa quarterfinals bago nabigo kay eventual gold medalist Ivailo Hristov ng Bulgaria sa semifinals. Ang panalo ni Serantes ang tumapos sa 24 na taong Olympic medal drought ng bansa pagkaraang magwagi ni Hall of Fame inductee Anthony Villanueva ng silver medal noong 1964. Pagkalipas ng apat na taon ay nagwagi din ng bronze medal para sa bansa si Roel Velasco sa 1992 Barcelona Olympics matapos gapiin sina James Wanene ng Kenya sa Round of 32.


Ang panalo ni Roel ay sinundan ng kanyang nakababatang kapatid na si Mansueto o mas kilala bilang si Onyok nang manalo ito ng silver medal sa 1996 Atlanta Olympics. Iginupo ni Onyok sina Chih-Hsiu Tsai ng Taiwan sa Round of 32, Yosvani Aguilera ng Cuba sa Round of 16, Hamid Berhili ng Morocco sa quarterfinals ~at Rafael Lozano ng Spain sa semis. Natapos ang kanyang kampanya sa kontrobersiyal na pagkatalo kay Daniel Petrov ng Bulgaria sa finals dahil maraming naniniwala na dapat nakamit na ni Onyok noon ang pinakamimithing unang Olympic gold ng bansa.


Sa ngayon ay may kabuuang 37 mga dating atleta na ang naluklok sa PSHOF mula ng maitatag ito sa bisa ng Republic Act 8757 noong 2010. Samantala, ang nominasyon para sa ika-4 na batch ng PSHOF ay extended hanggang Enero 31, 2021.

 
 

ni VA - @Sports | December 6, 2020




Hindi kukuha o magdadagdag ng bagong foreign student-athlete si Ateneo coach Tab Baldwin kahit pa mabigyan na ng Filipino citizenship ang kanilang Ivorian center na si Angelo Kouame.


Base kasi sa kasalukuyang UAAP rules ay dalawa lamang ang klasipikasyon ng kanilang mga atleta at ito ay ang Filipino o dayuhan. “I’ve heard the same rumors and we have not discussed it. I can only tell you how I feel about that. I don’t know what the UAAP’s view of it will be, but they are within their rights to look at it on an individual basis and judge it that way,”ani Baldwin, na siya ring program director ng Gilas Pilipinas. “I can tell you as the coach of the team that I would not be looking to add another import player. I won’t be taking advantage of Ange being a ‘local’ just because possibly the rules have not considered that scenario yet.”


Malapit ng maging naturalized Filipino citizen si Kouame dahil hinihintay na lang ang pag-apruba kapwa ng Kongreso at ng Senado sa kanyang naturalization. Ayon kay Baldwin,ang dahilan ng naturalization ng 6-foot-10 na si Kouame na may tatlong taon pa ng eligibility sa Ateneo ay dahil sa national interest at ito'y upang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas. Hindi rin aniya nito mababago kung bakit sya ni-recruit ng Ateneo upang maging foreign student na kakatawan sa kanilang eskuwelahan sa UAAP. Ayon sa UAAP rules, bawat varsity team ay piwedeng magkaroon ng isang foreign student-athlete maliban sa beach volleyball at 3×3 basketball.


For me, I think I would rather have our team play on the same basis as every other team, and every team has one foreign student-athlete." “Once Ange legitimately changes his nationality, it does not really change the perspective on why he was brought to the country which is for the college basketball. I would not be in favor of exploiting that loophole to try and gain a competitive advantage for the team,” wika pa ni Baldwin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page