top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Gerard Peter / VA - @Sports | February 20, 2021




Nananatiling hindi nagbabago sa kagustuhang makalaban sa ibabaw ng ring ng World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terrence “Bud” Crawford dahil patuloy pa ring pinipili nitong makatapat ang nag-iisang eight-division World titlist na si Manny “Pacman” Pacquiao.


Inamin ng 33-anyos mula Omaha, Nebraska na mas gusto niyang labanan ang 42-anyos na dating World Boxing Association (WBA) super 147-lbs titlist na ginawang “Champion in Recess” ng sanctioning body matapos hindi magkaroon ng laban ng halos dalawang taon dahil sa pandemic.


Tinukoy ni Top Rank top honcho Bob Arum na kabilang si Pacquiao at si dating WBC 147-pound champ na si Shawn “Showtime” Porter sa pinagpipiliang itapat sa undefeated American champion sa pagbabalik laban nito sa spring sa U.S. ngunit, mas pinipili ni Crawford ang fighting Senator. “I don't know we just have to wait and see. Both of them are great fights. Yeah, I prefer the Manny Pacquiao fight over Shawn Porter, but Shawn Porter is a great fight in its own right and I am going to be ready for whichever one comes to fruition,” wika ni Crawford sa panayam sa kanya ng Fighthype.com.


Gayunpaman, nakahanda ang 2006 Golden Gloves silver medal winner at 2007 US National Championship bronze medalists sa sinomang may posibilidad na itapat sa kanya. “I really can't say. All I can do is prepare myself to the best of my abilities and be ready for whatever is put in front of me,” eksplika ni Crawford.


Tanggap ni Crawford na magkaibang estilo sina Pacquiao at Porter na, kung saan hindi niya magiging malaking problema dahil kilala ang dating decorated amateur champion na si Crawford na kayang mag-adjust sa kahit kaninong kalaban sa loob ng ring, lalo pa’t tila napag-aralan na niya kung paano makipaglaban ang dalawang dating kampeon. “Both of them have their own strong points. Manny Pacquiao is fast and moving, he can punch. Shawn Porter is aggressive, tough, and durable,” ani Crawford.

 
 

ni Gerard Peter / VA - @Sports | February 13, 2021




Bunsod ng patuloy na pagtaas sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga bansa sa Middle East, opisyal nang kinansela ang nakatakdang Doha bubble para sa third window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.


Nauna na ring naglabas ng mensahe ang Saudi Basketball Federation sa kanilang social media account na nagsasabing ikakansela na ang mga larong may kinalaman sa Saudi Arabia, Qatar, Syria at Iran na nasa Group E, base umano sa inilabas na paumanhin ng Qatari Federation hinggil sa kanilang hosting. The SBP is saddened by the development especially because we know the kind of work that our Gilas Pilipinas Men’s pool has done in Calamba,” wika ni Panlilio sa kanyang statement. “The players and coaching staff have all sacrificed so much in this process as they’ve been apart from their families to represent the Philippines against South Korea and Indonesia. We are looking forward to seeing them perform because we know that a lot of Filipinos draw inspporation from them as well during these difficult times,” dagdag ni Panlilio na tumatayo ring PLDT Chief Revenue Officer at Smart President and Chief Executive Officer.


Nito ring nagdaang Martes ay kinumpirma ng FIBA Regional Office Asia sa Beirut, Lebanon na ipagpapaliban na ang laban sa pagitan ng Hong Kong at Guam sa Bahrain, Manama sa Pebrero 19 at 21 dahil naman sa paghihigpit sa pagpapapasok ng Bahrain sa kanilang bansa. “FIBA Regional Office Asia has confirmed that the FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers games between Hong Kong and Guam scheduled to take place in Manama, Bahrain on February 19 and 21 have been postponed due to restrictions imposed by the Bahrain authorities,” ayon sa FIBA website.


Gayunpaman, itutuloy pa rin umano ang nakatakdang laban sa pagitan ng New Zealand at Australia sa Pebrero 20 sa Cairns, Australia. “The other Group C game between New Zealand and Australia will take place as scheduled on February 20 in Cairns Australia. The status of those games will be decided at a later stage.


Isa rin sa mga koponang nakatakda sanang magtungo ng Doha ang Gilas Pilipinas para maglaro sa huling yugto ng qualifiers sa Pebrero 18 - 23 na magtatalaga kung sinu-sino ang mga makakapasok sa continental tilt sa Agosto. Sa darating na Sabado na ang nakatakdang pag-alis ng Philippine men's basketball team ngunit hanggang noong isang araw habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa silang natatanggap na komunikasyon mula sa FIBA kung tutuloy pa sila o hindi. Pero kahapon ay kinumpirma na ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.


Inilahad na ang official statement mula sa FIBA hinggil sa estado ng nasabing 3rd window games. Ang kanselasyon sa Doha bubble ay nakaapekto sa tatlong grupo sa qualifiers. Ang mga ito ay ang Group A na kinabibilangan ng Gilas, Korea, Thailand at Indonesia; ang Group B, na binubuo ng China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia at ang Group E na kinabibilangan ng Iran, Syria, Saudi Arabia, at ng host Qatar.


Nauna rito, nagsabi ng hindi makakalaro ang Chinese Taipei at Malaysia dahil pinag-iingatan nila ang kalusugan ng kanilang teams.

 
 

ni MC / VA - @Sports | February 2, 2021





Nagpakita si Olympic-bound pole vaulter Ernest John Obiena ng improvement sa kanyang laro na nagbigay-daan para sa bagong national indoor pole vault record sa kanyang European Indoor athletic season debut.


Ito ang sinabi ni national pole vault coach Emerson Obiena na gumawa ng bagong record sa Pilipinas ang kanyang anak na si Obiena sa nilundag nitong 5.62 meters sa naging 5th place finish nito sa World Athletics Indoor Tour leg sa Karlsruhe City, Germany.


Nabasag ni Obiena ang kanyang 5.43 meters mark na naitala nito noong 2019 Taiwan International Invitational meet sa event na pinangunahan ng French veteran at 2021 London Olympic games gold medalist Renaud Lavillenie, na lumundag ng 5.95 meters.

Nalusutan ni Obiena ang lahat ng jumps sa unang subok, simula sa taas na 5.32 meters at 5.47 pero bigong malundag ang bar sa taas na 5.72 meters. "Maganda naman po ang talon niya. (His jumps were good). His level of consistency is high considering that he cleared all of his first three heights on the first try," wika ni coach Emerson. Kumpiyansa umano si Emerson na malaki ang pag-asa ng kanyang anak na si Obiena na masungkit ang gold medal sa Olympics dahil patuloy ang pagtaas ng kalidad ng laro nito.


Ang nanalo ng gold medal ay si London Olympics champion Renauld Lavillenie ng France matapos magtala ng 5.95 meters kasunod si Matt Ludwig ng United States para sa silver medal sa kanyang naitalang 5.80 meters. Kumopo naman ng bronze ang isa pang Amerikanong si Walsh Cole na nagtala ng 5.72 meters parehas ng natalon ng fourth-placer na si Torben Blech ng Germany. Kahit na bigong maka podium finish, ikinatuwa ni Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella Juico ang naging performance ni Obiena.Naniniwala ang athletics chief na magandang simula ito sa pagbuo ng momentum sa pagsabak nito sa Summer Games. “It’s definitely a good start and we are very happy about it. It’s an impressive start for the indoor season,” saad ni Juico. “Establishing a new Philippine indoor record is definitely another feather in his cap.”


Noong nakalipas na taong 2020, mainit ang naging performance ni Obiena kung saan nagtala siya ng 6 na podium finishes sa walong tournaments kabilang ang golden performance sa Ostrava Golden Spike Championship at bronze medals sa dalawang edisyon ng Diamond League.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page