top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | March 19, 2021




Pangungunahan ng Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz ang short but solid list ng mga sports men at entities na gagawaran ng citations sa idaraos na virtual SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa susunod na Sabado sa TV5 Media Center.

Ang 30-anyos na pride ng Zamboanga City ay nagtala ng three-gold sweep sa women’s 55-kilogram division ng Roma Weightlifting World Cup sa Italya noong isang taon bago lumaganap ang pandemic na nagbigay sa kanya ng virtual slot sa Tokyo Olympics.

Si Diaz na nagwagi ng silver noong 2016 Rio De Janeiro Games ay kasama ng 19 na iba pa sa gagawaran ng citations ng pinakamatandang media organization sa bansa na pinamumunuan ni Manila Bulletin sports editor sa idaraos na virtual event sa Marso 27 na magkakatulong na inihahatid ng Philippine Sports Commission at Cignal TV kasama ng 1 Pacman Partylist at Rain or Shine.

Ang mga kasama ni Diaz na bibigyan ng citation ay ang kanyang co-weightlifter Vanessa Sarno,ang Olympic-bound boxers na sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno at pole vaulter na si EJ Obiena.


Nariyan din sina skateboarders Margielyn Didal at Motic Panugalinog, ang track and field quartet nina Kristina Knott, Natalie Uy, William Morrison at Christine Hallasgo at karateka OJ de los Santos.Ang iba pang gagawaran ng citations ay sina Sander Severino ng chess, Sydney Tancontian ng sambo, siklistang si George Oconer at Philippine Navy-Standard Insurance cycling team, at ang apat na major leagues na matagumpay na nagdaos ng kanilang season sa loob ng bubble kahit may Covid-19 pandemic na kinabibilangan ng Philippine Basketball Association, Philippine Football League, Chooks-to-Go Pilipinas 3×3, at National Basketball League.

 
 

ni VA - @Sports | March 18, 2021




Para magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang mga koponan sa liga, hindi na papahintulutan ng Premier Volleyball League ang kanilang mga member teams na direktang kumuha ng players simula sa susunod na season.


Magdaraos na sila ng taunang draft katulad ng ginagawa ng ibang mga professional leagues na gaya ng Philippine Basketball Association at Women’s National Basketball League. “2021 will be the last year that will see teams recruit on their own,” pahayag ni PVL president Ricky Palou noong Martes sa Philippine Sportswriters Association forum.


Ang order ng draft naman ay ibabatay sa magiging standings ng bawat koponan sa pagtatapos ng 2021 season.Creamline, Petro Gazz, Perlas, Choco Mucho, Bali Pure, UAC, PLDT, Cignal, Chery Tiggo, Sta. Lucia at F2 Logistics ang mga koponang kalahok sa inaugural season ng liga bilang professional.


Hindi naman puwedeng lumahok sa draft ang Philippine Army dahil sila ay isang guest team.Pahihintulutan naman nila ang trade sa pagitan ng mga teams kung magkakasundo ang mga magpapalitan ng players.“Trading at this point in time depends on the teams,” wika pa ni Palou.


Bukod sa pagkawala ng mga tinatawag na 'direct hires', plano rin ng PVL na magpatupad ng salary cap sa bawat team simula sa susunod na taon.

 
 

ni VA - @Sports | February 25, 2021




Tatapusin na ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang kanilang naudlot na 2019-2020 Lakan season sa darating na Marso 1 - 15 sa Subic.


Ito ang ibinalita ng MPBL legal chief na si Atty. Brando Viernesto noong nakaraang Martes.


Ang pagbabalik aksiyon ng MPBL sa ilalim ng istriktong panuntunan ng Department of Health (DOH) ay ganap na naaprubahan sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum Circular No. 2021-0011 noong Pebrero 18 ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire at may basbas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).


Samantala, inihayag naman ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na papasok sila sa Subic bubble sa Linggo para sa na-postponed na Game 3 semifinal matches sa pagitan ng San Juan Knights at Makati City Skyscrappers sa Northern Division at ng Basilan Steels at Davao Occidental Tigers para naman sa Southern Division umpisa sa Lunes.


Ang dalawang koponang magwawagi sa mga nasabing tapatan ang siyang magtutuos sa best-of-five championship series.Idaraos ang lahat ng mga laro sa Subic Bay Metropolitan Authority gymnasium.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page