top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA / Eddie M. Paez Jr. - @Sports | July 17, 2021



Nakatakdang maglaban ang season host Letran at Lyceum of the Philippines University sa finals ng NCAA Season 96 juniors online chess tournament. Ang tapatan ng dalawang kinatawan ng dalawang nabanggit na NCAA member schools ay naitakda matapos nilang mamayani sa kani-kanilang semifinal matches.


Umabot ng finals para sa Squires si Christian Mark Daluz matapos niyang talunin ang isa pang kinatawan ng Junior Pirates na si Paul Matthew Llanillo sa semifinals. Bumawi naman si Leonel Escote sa pagkatalo ng kakamping si Llanillo nang pataubin nito ang nakatunggaling si Melson John Gallo ng JRU upang makatungtong ng kampeonato.

Naputol ang koneksiyon ni Gallo sa internet habang nagaganap ang laro at nabigo ng makabalik pa na naging sanhi ng pagkabigo.


Sa araw na ito ang pagtutuos nina Daluz at Escote para sa titulo habang pinaglabanan na kahapon nina Llanillo at Gallo ang ikatlong puwesto.


Samantala, pinangunahan ng mga bigating San Juan Predators at Manila Indios Bravos ang mga koponang matagumpay na nakausad na sa maigting na knockout rounds ng import-flavored 2021 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Wesley So Cup Conference na ginaganap online.

Nawala naman sa anunsiyo ang pamamayagpag ng Cordova Duchess Dagami Warriors sa Southern Division ng event na kinikilala ng Games and Amusement Board (GAB) at sinusuportahan ng tubong Cavite na chesser at dating hari ng ahedres sa Pilipinas na si Grandmaster Wesley So.

Kumartada ang San Juan ng 31 panalo mula sa 34 na matches sabay kamada ng 499 puntos para makapasok sa yugtong lalapatan ng “isang kurap, uwi na” na tuntunin. Nakaiskor ang Manila ng 30 tagumpay kontra sa apat na talo. Nakaipon din ang koponan ng 438 puntos. Kapwa hinihintay pa ng dalawang topseeds ang makasasagupa sa knockout round.


Maliban sa San Juan at Manila, mula sa Norte, nakahakbang na rin sa susunod na bahagi ng kompetisyon ang All Filipino titlist na Laguna Heroes (26-8; 471 puntos), Caloocan Loadmanna Knights (26-8; 445.5 puntos) at Antipolo Cobras (25-9; 437 puntos).

 
 

ni VA - @Sports | July 11, 2021



Isa pang koponan ang nabawas sa mga lalahok sa darating na Philippine Volleyball

League (PVL) Open Conference na nakatakdang magbukas sa Hulyo 17 sa Laoag City. Umurong sa nakatakda nilang pagsali sa unang conference ng PVL bilang isang ganap na propesyunal na liga ang koponan ng F2 Logistics. Sa statement na kanilang inilabas noong Biyérnes ng hapon,iniindang mga injuries ng ilan sa kanilang mga key players ang pangunahing dahilan ng kanilang pag-urong.

Ngunit nilinaw naman nilang sa Open Conference lamang sila hindi lalahok at hindi sa buong season. Hindi umano maaaring balewalain ang mga injuries ng kanilang mga players dahil baka lumala pa ang mga ito at hindi na sila tuluyang makapaglaro. These injuries are not to be taken lightly and should we push through, these injuries might progress further and could possibly cost the athletic careers of some. Our athletes need a little more time to recover,” ayon sa statement ng team. Maliban sa injuries, naantala din ang bubble training ng Cargo Movers sanhi ng ilang mga "logistical circumstances" na naging dahilan ng paglipat nila ng venue. Hindi rin sila makumpleto sa ensayo sanhi ng mga quarantine protocols na sinusunod ng kanilang koponan. “These needed protocols make it harder for us as well, to practice completely and to get back our rhythm as a team,” nakasaad pa sa kanilang statement. Dumagdag pa rito ang pagkakahirang ng ilan nilang mga players sa national team.

 
 

ni VA - @Sports | July 08, 2021



Isang daan at labing-isang (111)mga sìklista kabuuang 111 na kinabibilangan ng 93 kalalakihan at 13 kababaihan ang lalahok ngayong weekend sa National Trials for Road ng PhilCycling na gaganapin sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga.


Nakatakdang isagawa sa nasabing event ang individual time trial (ITT), criterium at massed start race.Sa unang araw ng trials sa Bases Conversion and Development Authority sa pamumuno ni Secretary Vince Dizon at Clark Development Corp.na pinamumunuan ni Retired Brig. Gen. Manuel Gaerlan, sa Sabado idaraos ng 8 a.m. ang individual time trial para sa 13 mga babaeng riders kung saan makikipagkarera sila sa oras sa distansiyang 17.1 kilometro.


Pagkalipas ng kalahating oras matapos ito isasagawa ang men's ITT na lalahukan ng 54 na riders na magpapabilisan ng oras paikot sa distansiyang 24.6 km kung saan daraan ang mga kalahok sa massed start race na idaraos ng Linggo.


Sa Sabado ng hapon ang criterium race na sama-samang inihahatid ng Standard Insurance, Smart, MVP Sports Foundation na iikutin ng riders ang 2.3-kilometrong perimeter ng Clark Parade Grounds. Labing-anim (16) na ikot na may 3 intermediate sprints ang gagawin para sa women’s race habang 20 ikot na may 4 na intérmediate sprints sa men's race kung saan magbibigay ng 5, 3, 2, 1 puntos na dodoblehin sa huling lap para sa top 4 riders.


“We will be witnessing competitive cycling right on Day 1 of the Trials and with the road races set for Sunday, this event is one compact competition,” pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) at PhilCycling President Rep. Abraham Bambol Tolentino.


Ito rin ang pangalawang trials ng PhilCycling sa Clark na suportado ng Go for Gold, Chooks-to-Go atbp. ngayong may COVID-19 pandemic kasunod ng MTB Trials sa Danao City noong isang buwan.Gaganapin ang karera sa isang bubble environment gaya ng itinakda ng Central Luzon Regional Task Force, Office of Civil Defense, Department of Health, Philippine National Police, Province of Pampanga at ng Department of Tourism.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page