top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni MC / VA - @Sports | July 25, 2021




Naibulsa ni Yang Qian ng China ang unang gintong medalya sa Tokyo Olympics sa women's 10-meter air rifle. Tinalo ni Yang si Anastasiia Galashina nang sumablay ang Russian sa center two rings para sa 8.9 points sa kanyang final shot. Umiskor si Yang ng 9.8 sa kanyang final shot at nagtapos na may Olympic record na 251.8 habang si Galashina ay umiskor ng 251.1 para sa silver medal. Nakuha naman ni Nina Christen ng Switzerland ang bronze.


Samantala, mararanasan na rin ng koponan ng Perlas na lumaro bilang professionals makaraang mapigil sa unang linggo ng Premier Volleyball League Open Conference sa pagsabak nila ngayong hapon kontra Choco Mucho sa ikalawang linggo ng torneo sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte. Pinangungunahan nina Nicole Tiamzon, Cherry Nunag, Joy Doromal, Sue Roces, Jem Ferrer at Jellie Tempiatura, sabik nang sumalang sa aksiyon ang Spikers na sasagupain ang Flying Titans ganap na ika- 4:00 ng hapon.


Sa kabilang dako, hangad ng Choco Mucho ang ikatlong sunod nilang panalo makaraang gapiin ang Sta. Lucia noong Biyernes upang patuloy na makaagapay sa Creamline sa ibabaw ng standings. Sa kabila ng naitalang unang dalawang panalo, sinabi ni Choco Mucho coach Oliver Almadro na nasa "learning process" pa rin ang kanyang koponan.Ngunit batid nila ang halaga ng bawat laban dahil mahigpit na format na pinaiiral sa anim na linggong torneo kung saan 10 teams ang nag-aagawan sa top 4 para sa crossover semifinals. “Every game is a must-win. Every game we should be learning towards the next games,” ani Almadro.


Sa panig naman ng Perlas, umaasa silang hindi mapabagal ng pangangalawang ang kanilang performance dulot ng isang linggong pagkabalahaw. Samantala sa unang laro ng 1 p.m.,magtutuos ang mga koponang nasa ulo at buntot ng standings sa tapatang Creamline at PLDT Home Fibr.

 
 

ni MC / VA - @Sports | July 24, 2021



Dalawang atleta ang pinakabagong nagpositibo sa COVID-19 sa loob mismo ng Olympic Village sa Tokyo, Japan.


Ayon sa ulat, kasama ang dalawang atleta sa 12 na una nang nagpositibo na bahagi ng Olympics. Umabot na ngayon sa kabuuang 87 na atleta ang nagpo-positibo sa virus mula noong July 12 hanggang sa kasalukuyan. Inaasahan pang mas darami ang magpo-positibo sa virus sa pagsisimula ng Olympics, ayon sa insider.


Marami ang nagrereklamo na palpak ang saliva test na ginagamit t sa atleta at delegado dahil naglalabas ito ng false positive at false negative na resulta sa COVID-19 test kaya tuloy-tuloy ang hawahan ng mga nasa loob ng Olympic Village.


Samantala, dahil sa pagtaas sa bilang ng kaso ng may COVID-19 sa Indonesia, gaya ng inaasahan ay iniurong ng International Basketball Federation (FIBA) ang Asia Cup na dapat idaraos doon sa Hulyo ng susunod na taon.“This evaluation has take into consideration multiple aspects such as current travel restrictions, the well-being of the participants, fan access and experience, and the objective of ensuring the highest quality of events,” ang nilalaman ng memo na ipinadala ni FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian sa lahat ng miyembrong bansa ng FIBA Asia.“Having concluded this process and after coordination with Regional Office Oceania, the following calendar update of FIBA Asia was confirmed,” dagdag pa nito.“The FIBA Asia Cup 2021 will be played as planned in Jakarta, Indonesia, but is rescheduled to July 2022 right after the window of the FIBA World Cup Asia Qualifiers.”


Bukod sa Gilas, Indonesia at Jordan, ang iba pang mga bansang nag-qualify sa torneo ay ang Lebanon, Bahrain, Iran, Kazakhstan, Syria, South Korea, China, Japan, Australia at New Zealand.


May mga bansang kinakailangan pang dumaan ng second round of qualifiers para makasama sa tournament proper gaya ng Chinese-Taipei, Guam, India, Saudi Arabia, at Palestine.


Samantala tuloy naman ang pagsabak ng Gilas Women’s sa FIBA Asia Cup Division A na gaganapin sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 3 sa Amman, Jordan.

 
 

ni VA - @Sports | July 20, 2021



Nakopo ng season host Colegio de San Juan de Letran ang gold medal sa NCAA Season 96 juniors online chess tournament na nagtapos noong Sabado. Nagwagi si Christian Mark Daluz ng gold medal para sa Squires matapos niyang talunin si Leonel Escote ng Lyceum of the Philippines University sa finals. Nauna nang tinalo ni Daluz para makarating sa kampeonato si Brien Palasigue ng San Beda University na nagsulong sa kanya sa round of 16. Kasunod nito si Jasper Faeldonia ng Arellano University upang makatuntong ng quarterfinals bago pinadapa ang kakampi ni Escote na si Paul Matthew Llanillo sa semis para makaabot ng finals. Naiuwi ni Escote ang silver medal habang nakopo ni Melson John Gallo ng Jose Rizal University ang bronze medal makaraang mamayani sa battle for third nila ni Llanillo noong Biyernes. Samantala, inumpisahan na rin ang aksiyon sa seniors division kung saan nagtala ng unang tagumpay ang University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD).Pinataob ni Genesis Mateo Borromeo si Carl Anthony Canio ng San Beda University para maunang magmartsa tungo sa Round of 16. Kaparis sa juniors division, lahat ng mga laro sa seniors ay lalaruin din sa website na Lichess.org.


Samantala, nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League na i-hold na muna ang lahat ng mga laro ng koponan ng Perlas Spikers sa ginaganap na PVL Open Conference matapos na magpositibo ang isa sa mga miyembro ng team sa Covid-19.


Para maiwasan na makahawa at kumalat pa ang virus, ang indibidwal na nagpositibo ay inilagay na muna sa isolation facility habang naka quarantine naman lahat ng iba pang team members sa magkakahiwalay na kuwarto at muling papailalim sa RT-PCR testing sa ìkalimang araw matapos ang huli nilang testing.“Pending the results (of the tests), the scheduled games of Perlas have been postponed,” pahayag ni Ricky Palou,ang presidente ng organizer na Sports Vision Management Group, Inc.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page