top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni VA - @Sports | September 06, 2021




Umabot na sa bilang na pito ang mga kabataang basketbolistang Filipino.na kinuha para maglaro bilang Asian import sa Japan B. League.

Ang ikapito at pinakabagong nadagdag ay ang dating Gilas Pilipinas cadet na si Kobe Paras.

Kahapon, inanunsiyo ng koponang Niigata Albirex na lumagda ng kontrata sa kanila ang second-generation player para maglaro sa 2021-22 B.League season.

Si Paras ang kauna-unahang manlalarong kinuha ng Niigata upang maging Asian import. "We are pleased to announce that we have signed with Kobe Paras for 2021-2022 season," nakasaad sa post ng team sa kanilang opisyal na social media page. "I am honored to have the opportunity to be part of a great team in a great league this time," pahayag naman ni Paras. "I am looking forward to playing the role that coach Fujitaka Hiraoka," dagdag nito. "I can't wait to be a better player and work hard to make lifelong memories with my teammates, staff and great fans."


Humanay si Paras kina Thirdy Ravena (San-En NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots) at Kemark Carino (Aomori Wat's) na naunang kinuha bilang mga Asian import sa B.League. Ang Niigata ay kabilang sa mga koponang naglalaro sa first division.

 
 

ni VA - @Sports | September 05, 2021




Kahit bigong magkamit ng puntos sa huling qualification leg, pasok at makakalaro pa rin sa finals ng Wanda Diamond League ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.


Nagtapos lang na pang-sampu sa Memorial Van Damme noong Sabado sa King Baudouin Stadium sa Brussles, Belgium si Obiena makaraang makatalon lang ng 5.65 meters.Bagamat walang nakuhang puntos, nag-qualify pa rin si Obiena sa finals na gaganapin sa Switzerland dahil ang top 6 jumpers sa liga ang siyang maglalaban sa kampeonato.


Nangibabaw sa huling qualification meet si Tokyo Olympic gold medalist Armand Duplantis ng Sweden na natalon ang baras na itinaas sa 6.05 meters.Sumunod sa kanya si 2020 Summer Games silver medalist Chris Nilsen ng US na na clear ang taas na 5.85 meters at pumangatlo ang kapwa nito Amerikanong si KC Lightfoot na naka clear din ng 5.85 meters pero bumaba sa ikatlong puwesto dahil sa count back.


Binubuo ang top 6 pole vaulters na magtutuos sa finals nina Duplantis (42 points), Sam Kendricks ng US (34), Nilsen (24 ), Obiena (16), Lightfoot (16) at 2012 London Games gold medalist Renaud Lavillenie ng France (12).Ang finals ay nakatakdang ganapin sa Setyembre 8-9 sa Stadion Lizegrund.

 
 

ni VA - @Sports | August 30, 2021



Tatlo pang players ang inimbitahan upang makasama sa Philippine Women’s National Indoor Volleyball Team pool. Dahil sa ipinamalas nilang standout performance sa nakaraang Premier Volleyball League bubble, inimbitahan ang mga Choco Mucho players na sina Deanna Wong at Kat Tolentino at Creamline open spiker Jema Galanza para makasama ng national team na nakatakdang sumabak sa darating na 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Oktubre.

Napahanga ng tatlo sina head coach Odjie Mamon at Brazilian consultant Jorge Edson Souza de Brito sa kanilang inilaro sa katatapos na PVL Open Conference. Kailangan ng National Team na bumuo ng pool na may 24 na players dahil balak ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na magpasok ng dalawang koponan sa nasabing club championship na gaganapin sa Oktubre 1-7 sa Nakhon Ratchasima, Thailand. Kung pauunlakan nila ang imbitasyon, makakasama nila sa pool sina Majoy Baron, Mhicaela Belen, Kamille Cal, Rhea Dimaculangan, Kim Dy, Imee Hernandez, Ivy Lacsina, Eya Laure, Dawn Macandili, Dindin Santiago-Manabat, Aby Maraño, Kalei Mau, Ria Meneses, Jennifer Nierva, Faith Nisperos, Mylene Paat, Dell Palomata, Bernadette Pepito, MJ Phillips, Jaja Santiago, Tin Tiamzon, at Iris Tolenada.


Samantala,hindi pa naman sigurado kung makakalaro sa torneo si Jaja Santiago dahil hindi pa batid kung papahintulutan ito ng kanyang team sa Japan na Saitama Ageo Medics kaugnay ng paghihigpit ng pamahalaan ng Japan sa mga imports ng iba't-ibang team sports.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page