top of page
Search

ni VA @Sports | June 28, 2023



ree

Imbes na tamis ng unang panalo ang nilasap ng Farm Fresh Foxies laban sa beteranong F2 Logistics Cargo Movers ay isang mapait na pagkabigo ang kanilang debut game sa Premier Volleyball League opening kahapon.


Malupit na binuksan ng Cargo Movers ang kanilang 2023 PVL Invitational Conference campaign sa pagbibigay ng unang binyag sa Foxies, 25-22, 25-20, 25-23 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Pinangunahan ni Ivy Lacsina ang atake ng Cargo Movers sa ikinasang 13 points, 12 attacks at block habang si Mars Alba ay may 14 excellent sets at five markers. Kasunod ng tikas ng beteranong si Aby Maraño na may 10, habang si Kianna Dy ay umiskor ng 9 points.


Naiiwan ng 2 puntos, 23-21, sa huling bahagi ng third frame, nagpakabog pa ang Farm Fresh nang umiskor ng 1 ang F2 ay umatake si Gayle Pascual at naipatas pa ni Sam Nolasco ang ace sa 23.


Pero hindi pumayag sina Maraño at Jolina Dela, bumanat ang mga ito magkasunod na attack and ace Cruz para sa dalawang diretsong puntos, at hayaan nang tuluyang isara ng Cargo Movers ang pintuan sa nagpupumiglas pa namang Jerry Yee-led squad. "We are happy na panalo kami, but we still have to learn more. They have to make better connections with each other, lalo na bago si Marionne sa loob ng court so marami pa siyang adjustments.


Hindi pa rin ako mags-stop dahil nanalo kami kasi marami pa kaming errors, madami pang parts na kailangang linisin," ayon kay F2 coach Regine Diego matapos na magkaroon ang koponan ng 22 errors sa panalo.


Nakita rin sa dikitang bakbakang ang patunay na may potensiyal ang Farm Fresh at naniniwala si Diego na malayo ang mararating ng bagong koponan sa PVL. May 10 puntos si Pascual sa Farm Fresh habang si Wielyn Estorque ay may 8 points.

 
 

ni VA @Sports | May 27, 2023


ree

Tinanggalan ng korona ng Far Eastern University ang De La Salle University nang gapiin nito ang huli, 2-1 sa UAAP Season 85 women's football tournament finals sa Rizal Memorial Track ang Football Stadium sa Manila.


Mahigit 90 minuto ang ginugol ng magkabilang panig bago tuluyang namayani ang Lady Tamaraws sa extra time. Dahil sa panalo, nakumpleto ng FEU ang dominasyon sa football ngayong season. Nauna ng tinalo ng Tamaraws ang Ateneo de Manila, 4-1 sa finals upang tanghaling men's champion habang iginupo naman ng Baby Tamaraws ang De La Salle- Zobel 2-1 sa finals ng juniors division.


"Our players never gave up," pahayag ni FEU coach Let Dimzon. "Even when we played against La Salle during the first round and they had a big lead, we still kept fighting, and the same in our last game during the second round." "That's the highlight of my team—until it's over, they never give up. Considering that most of La Salle's players come from the youth national team and my players don't have that much experience, but the way they work on the field is commendable," dagdag pa nito.


Ito na ang ika-12 titulo ng Lady Tamaraws sa women's division. Nakumpleto rin ng Lady Tams ang ikatlong triple championship ng FEU sa UAAP football matapos itala ang naunang dalawa noong Seasons 76 at 77. Si Rebosura ang itinanghal na Rookie of the Year at Best Midfielder habang si Angelica Teves ng De La Salle- ang napiling Best Striker makaraang magtala ng walong goals. Hinirang naman ang University of the Philippines duo nina Frances Caroline Acelo at Jennifer Baroin bilang Best Goalkeeper at Best Defender, ayon sa pagkakasunod.




 
 

ni VA / MC @Sports | May 22, 2023


ree

Binigyan ang Philippine national basketball team ng mahaba-habang pahinga kasunod ng kanilang matagumpay na kampanya sa nagdaang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Unang-una, pahinga muna kami, that's very important,” ani Reyes sa recent interview ng Pasada sa Teleradyo.

Pero matapos ang 2 weeks break, magbabalik sa kanilang pagsasanay at preparasyon ang nationals para sa FIBA World Cup 2023. “We're planning the resumption of practice on June 1,” saad ni Reyes. “We're putting together the final details of the training camp sa Europe and some tune up matches.”

Nais ni Reyes na sumailalim ang tropa sa matinding traning sa ibang bansa dahil makakalaban nila ang Italy, Angola at Dominican Republic sa group stage ng world competition.

Magsisilbing co-host ang Pilipinas ng Indonesia at Japan simula sa Agosto 25. “We will make announcements pag na-finalize na ang schedule, but for now the resumption of practice on June 1.”

Naninindigan pa rin naman si Reyes na buo na ang kanyang pasya na huli na niyang coaching ang Cambodia SEA Games 2023. “The Southeast Asian Games is really for younger players, younger coaches developmental players. I have made up my mind that this will be my last Southeast Asian Games,” aniya.


Magarbo na, ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sakaling mapagsama ang mga naturalized players na sina Justin Brownlee at Jordan Clarkson oras na makasali ang men’s national team sa FIBA Basketball World Cup 2023 roster. “The reason why they’re both there (in the pool) is because of their skills, and the other intangibles that they bring to the table,” saad ni Reyes. “We love the fact that we have that luxury of choosing from both of them, and we’ll see what happens.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page