top of page
Search

ni Info @News | August 31, 2023




#WalangPasok sa ilang mga lugar sa bansa ngayong araw ng Huwebes, August 31, 2023, dahil sa mga pag-ulan at masamang panahon na dala ng #GoringPH, #HannaPH at habagat.


ALL LEVELS (Public at Private Schools): Abra, Bacolod City (Hanggang Sep. 1), Aparri, Buguey, Cagayan, Ilocos Norte, Malabon City, Manila, Marikina City, Navotas City, Caloocan City, Pasay City, Pasig City, Vigan City, Rizal Province, Mariveles, Bataan, Claveria


PRE-SCHOOL-SENIOR HIGH SCHOOL (Public at Private Schools): Baguio City at Tuba, Benguet


Tumutok at i-refresh lamang para sa updates at karagdagang ulat. #WeatherNews



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 18, 2021



Nananatili ang lakas ng Bagyong Bising sa pagbaybay nito sa Philippine Sea, ayon sa PAGASA ngayong Linggo nang umaga.


Sa 11 AM weather bulletin, ayon sa PAGASA, kumikilos ang Bagyong Bising pa-hilagang-kanluran sa Philippine Sea, silangan ng Bicol region. May posibilidad umanong bumagal ang kilos nito at pumunta sa hilagang bahagi ngayong gabi o sa Lunes nang umaga.


Saad pa ng PAGASA, “The typhoon will then continue moving northward until Tuesday (20 April) morning before turning north northwestward while over the Philippine Sea east of Cagayan Valley.”


Ang hanging taglay ng bagyo ay may lakas na 215 km/h malapit sa sentro nito na may bugsong umaabot sa 265 km/h.


Ayon sa latest severe weather bulletin ng PAGASA, nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.


Nasa ilalim naman ng TCWS No. 1 ang eastern portion ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northern portion ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Siargao Island at Bucas Grande Islands.


Samantala, ngayong Linggo, bandang alas-10 nang umaga, namataan ang sentro ng Bagyong Bising sa 375 km silangan ng Juban, Sorsogon o 345 km east ng Virac, Catanduanes.


Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslides sa mga apektadong lugar dahil sa bagyo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 17, 2021



Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TWCS) number 1 sa ilang lugar sa bansa dahil sa Bagyong Bising, ayon sa Severe Weather Bulletin ng PAGASA ngayong Sabado nang umaga.


Ayon sa PAGASA, bukas, April 18 ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, at Camotes Islands.


Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslides dahil sa bagyo.


Nakataas ang TCWS #1 sa central at eastern portions ng Sorsogon (Castilla, Magallanes, Matnog, Juban, Irosin, Bulan, Santa Magdalena, Bulusan, Barcelona, Casiguran, Gubat, Prieto Diaz, Sorsogon City), eastern portion ng Albay (Manito, Legazpi City, Santo Domingo, Malilipot, Bacacay, Tabaco City, Rapu-Rapu, Malinaw, Tiwi), eastern portion ng Camarines Sur (Presentacion, Caramoan, Garchitorena), at Catanduanes.


Sa Visayas naman, itinaas din ang TCWS #1 sa Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Camotes Islands.


Sa Mindanao, nakataas ang TCWS #1 sa Dinagat Islands, Surigao del Norte (kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands), at Surigao del Sur.


Samantala, kaninang alas-4 nang umaga, namataan ang mata o sentro ng bagyo sa 705 km Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 775 km Silangan ng Maasin City, Southern Leyte.


Ang hangin ng bagyo ay may lakas na 175 km/h malapit sa sentro nito at may bugso ng hangin na aabot sa 215 km/h.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page