top of page
Search

ni Thea Janica Teh | October 5, 2020




Isang 103-anyos na Mehikanang babae ang gumaling sa COVID-19. Ito ang inanunsiyo ng Mexican Social Security Institute (IMSS) ngayong Lunes.


Kinilala ang babae na si Dona Maria na naospital lamang sa loob nang 11 araw.


Nagpositibo ito sa COVID-19 ngunit, kahit nagkaroon ng pulmonary problem ay wala itong diabetes, obesity at high blood pressure.


Ayon sa IMSS, malaki umanong kontribusyon sa kanyang paggaling na wala itong ibang sakit.


Dinala ang babae sa regional hospital sa Guadalajara sa western Jalisco state noong Setyembre 22 dahil nilalagnat at nahihirapang huminga dahil sa sipon.


Kuwento ng hospital director na si David Sanchez, "She was always very cheerful, lucid, talking to the doctors. Even at the end, she urged us to take care of ourselves. Her progression was very good; her symptoms have disappeared."


Sa ngayon, may kabuuang 757,953 katao na ang positibo sa COVID-19 sa Mexico at 78,880 ang pumanaw simula noong Pebrero.

 
 
  • BULGAR
  • Oct 5, 2020

ni Thea Janica Teh | October 5, 2020




Dalawa ang patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa J. Alcantara Street, Bgy. Sambag 1, Cebu City nitong Linggo nang gabi.


Kinilala ang biktima na sina Dr. Glenda Mayol-Neri, 80-anyos at ang kasambahay nitong si Francisca Epel Fomentera, 71-anyos.


Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro, natagpuan nila ang dalawa na may takip na unan sa mukha upang hindi malanghap ang usok sa isang kuwarto nito sa ikalawang palapag.


Sinubukan pang dalhin sa ospital ang dalawa, ngunit sa ambulansiya pa lamang ay binawian na sila ng buhay.


Kuwento ng kapitbahay na si Norman Castañeda, narinig pa umano ng mga ito na humihingi ng tulong ang dalawa. Sinubukan umano nila itong tulungan ngunit malaki na ang apoy at hindi mabuksan ang gate dahil nakakandado.


Madaling-araw na ng Lunes nang maging under control ng Cebu City Fire Office ang sunog.


Tinatayang aabot sa P4.8 milyon ang naging danyos ng sunog.

 
 

ni Thea Janica Teh | October 4, 2020




Inanunsiyo ng opisyal ng White House ngayong Linggo na positibo sa COVID-19 ang closest aide ni US President Donald Trump.


Itinuturing na isa sa mga “body men” ni US President Trump si Nicholas Luna. Isa sa mga trabaho nito ang pagsama kay Trump saan man ito magpunta, umaga man o gabi.


Bukod pa rito, trabaho rin ng body man na i-handle ang lahat ng papeles at speech text ng pangulo.


Nauna nang inanunsiyo ng US President at First Lady na nagpositibo sila sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page