top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 5, 2020




Dalawang volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon sa 24-hour observation period nito ngayong Huwebes.


Sa inilabas na bulletin kaninang alas-8 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na may lumabas na white steam-laden plumes at gumapang sa bandang silangang bahagi ng bulkan.


Huli umanong naglabas ng sulfur dioxide ang bulkan noong Oktubre 29, 2020 na may baseline average na 436 ton/day.


Dagdag pa ng Phivolcs, “Overall, the Mayon edifice is still inflated with respect to baseline parameters.”


Nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang bulkang Mayon dahil sa patuloy na pagsasagawa ng abnormal na kondisyon.


Kaya naman pinaalalahanan ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone dahil maaaring magkaroon ng rock falls, landslide at pagbuga ng usok.


Naging sanhi rin ng pagdaloy ng lahar ang pananalanta ng bagyong Rolly kamakailan sa Bicol Region.

 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 05, 2020




Hello, Bulgarians! Good news ang hatid ng Social Security System (SSS) dahil pinalawig ng 180 araw ang bisa ng mga inisyung tseke sa Land Bank of the Philippines (LBP) mula Hulyo hanggang Disyembre 2020.

Ipinatupad ito matapos aprubahan ng LBP noong ika-12 ng Oktubre 2020 ang hiling ng SSS na palawigin pa ang bisa ng mga nasabing tseke mula 90 araw sa 180 araw.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, ang inisyatibong ito ay naglalayong mabigyan ang mga miyembro ng mas mahabang panahon upang mai-encash ang kanilang mga tseke para sa kanilang mga benepisyo at utang dahil maaaring mas matagal sa nakatakdang araw bago nila makuha ang mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Ignacio, ang pagpapalawig na ito ay isang konsiderasyon sa iba’t ibang community quarantine restrictions na ipinatutupad upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinaalam ng LBP sa SSS na kanila nang hiniling sa kanilang mga bangko na tanggapin ang mga nasabing tseke.

Matatandaang inaprubahan din ng LBP ang hiling ng SSS na palawigin ang bisa ng mga tseke na naibigay noong Pebrero hanggang Hulyo 2020 mula 90 araw hanggang 180 araw.

Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang SSS Facebook Page “Philippine Social Security System,” Instagram account “my.sssph,” Twitter account “PHLSSS,” sumali sa SSS Viber Community “MYSSSPH Updates,” o tumawag sa SSS hotline 1455.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 4, 2020




Pinag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kung paano palalawigin ang 90 session coverage ng dialysis patients sa gitna ng hindi pagtanggap ng ilang dialysis center sa mga pasyenteng may PhilHealth cards na naubos na ang covered treatment.


Sa inilabas na pahayag ng ahensiya ngayong Miyerkules, sinabi na humihingi na rin sila ng konsultasyon sa mga stakeholders upang maisakatuparan ang pagpapalawig nito.


Matatandaang noong isang linggo ay inihayag ng Dialysis PH Support Group Inc. na hindi na tinatanggap ng ilang dialysis center ang mga pasyenteng may PhilHealth card na naubos na ang 90 dialysis session.


Ayon kay Dialysis Group President Reynaldo Abacan, Jr., makakakuha ng libreng dialysis session hanggang Disyembre ang mga pasyente sa ilalim ng Bayanihan 2.


Ang regular na nakukuha ng bawat pasyente kada taon ay 90 session ngunit, pinalawig ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ideklara ang state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya naman bukod sa 90 session, makakakuha rin ang mga regular na miyembro ng 45 day coverage kada taon.


Noong Setyembre, pinalawig ni Pangulong Duterte ang state of calamity hanggang Setyembre 12, 2021. Ibig sabihin, kahit na naubos na ng pasyente ang 90 session ay obligasyon ng PhilHealth na bayaran ang additional session nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page