top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 5, 2025



Photo: Ivana Alawi - Instagram


Mula nang sumikat at maging top content creator si Ivana Alawi ay pinagpantasyahan na siya ng kalalakihan. Sa mga una niyang vlog ay ipinakita ang kanyang natural na ganda at kaseksihan habang siya ay naglalaba. 


Kaswal na kaswal at walang kaarte-arte si Ivana, hindi siya nagpapa-cute at nagpapa-impress. Effortless ang kanyang pang-akit at umaapaw ang kanyang sex appeal kaya milyun-milyon ang kanyang mga viewers at followers. Marami rin ang humanga sa kanyang pagbibigay ng tulong sa mga kapuspalad. 


Ramdam ng lahat ang kanyang sinseridad sa mga taong tinutulungan niya. Hindi ito scripted at pakitang-tao lamang. Ito raw ang paraan ni Ivana upang i-share sa iba ang mga blessings na kanyang natatanggap. 


Samantala, nagkaroon ng impact sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang kanyang pagiging “first guest celebrity”. Napalabas man siya agad dahil sa pagiging pasaway, nag-iwan naman si Ivana ng magandang impression sa mga housemates.


Sa guesting naman ni Ivana sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), napaamin siya na may “special someone” na siya ngayon. 


Isa raw itong non-showbiz guy pero ayaw isapubliko ang pangalan. Ayaw ni Ivana Alawi ng karelasyong artista, gusto niya ay tahimik ang kanyang love life. 


Kaya marami ang nagtatanong kung rich businessman ba o pulitiko ang kanyang “special someone”. Super rich na si Ivana at dapat na pantayan ito ng lalaking kanyang mapapangasawa. 


Todo-deny din si Ivana sa mga pulitikong nali-link sa kanya.



HINDI na talaga mapigil ang pagsikat ng Mommy Grace ni Miguel Tanfelix. Bukod sa guesting niya sa Mga Batang Riles (MBR), marami ring ibang shows na nagkainteres na siya ay i-guest tulad ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), Toni Talks (TT), atbp.. 


At dahil malakas din ang feedback sa kanyang vlog, kung saan nagluluto siya ng iba’t ibang putahe, may mga offers ngayon sa kanya upang maging endorser ng mga sangkap sa pagluluto. 


In fact, isang malaking produkto ngayon ang ine-endorse ni Mommy Grace

Tanfelix. It seems dadaigin niya ang ibang sikat na celebrities na dating nag-e-endorse ng mga sangkap sa pagluluto. 


Mas realistic kasi na endorser si Mommy Grace dahil ang husay niyang magluto at maraming nanay ang naeengganyo sa kanya. 


May request nga ang iba na mag-collab sila ni Judy Ann Santos, tapos kunin nilang taga-tikim sina Kara David at Susan Enriquez na mahilig ding kumain at magluto.


Anyway, hindi naman daw nao-offend si Miguel Tanfelix kapag sinasabing mas maraming followers/fans si Mommy Grace. Natutuwa nga si Miguel dahil may ibang career na ang kanyang ina at masaya sa kanyang ginagawa.


Si Miguel Tanfelix daw ang kinakausap kapag may mga offers na endorsements kay Mommy Grace. Siya ang tumatayong manager ng kanyang mom.

Bongga!



DAHIL sa sitcom na Pepito Manaloto (PM), nagkaroon ng bagong sigla ang career ni Manilyn Reynes. Kahit hindi nagtuluy-tuloy ang kanyang singing career, nabigyan naman ng pagkakataon na lumabas ang kanyang pagiging natural comedienne. 


Nag-click ang tandem nila ni Michael V. (Bitoy) sa sitcom na PM. Sila ni Bitoy ang naging bagong version ng John en Marsha nina Dolphy at Nida Blanca. 


Fifteen years nang umeere sa GMA-7 ang PM na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Swak din sa istorya ng PM ang mga kinuhang artista na bumubuo sa cast tulad nina Nova Villa, Ronnie Henares, Chariz Solomon, Jake Vargas, Angel Satsumi, John Feir,

Arthur Solinap, Mosang at Maureen Larrazabal.


Taun-taon ay may summer episode ang PM. Madalas ay sa resort ang taping ng show.


Pero mapapaiba ang summer episode ngayon dahil isasabay na rin ang 15th anniversary ng PM, kaya paghahandaan itong mabuti ng buong cast. 


Pangako nga ni Michael V., dobleng saya ang ibibigay nila sa mga viewers ng PM.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 4, 2025



Photo: Robin Padilla at FPRRD - FB Robin Padilla


Noong 80th birthday ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Sen. Robin Padilla na makita, makausap at mabati ito dahil sa mahigpit na patakaran sa ICC detention cell sa The Hague, Netherlands. 


May lumabas na video kung saan nakausap si Sen. Padilla ng reporter at natanong kung ano ang saloobin niya na hindi niya nakita at nakausap si FPRRD. 


Para raw kay Sen. Robin, kinokonsidera niyang isang ‘bayani’ si Tatay Digong at desidido siyang samahan ito sa The Hague at bigyan ng moral support. 


At hindi na nga nagawang umuwi ng ‘Pinas ni Sen. Padilla noong 89th birthday ni Mommy Eva Cariño last March 24, tanging video greetings lang ang kanyang naipadala sa kanyang mahal na ina. 


Ang misis niyang si Mariel Rodriguez ang nag-asikaso sa simpleng birthday celebration ni Mommy Eva. Ini-update na lang niya si Sen. Padilla sa mga kaganapan.

Maging si BB Gandanghari ay wala rin sa special day ni Mommy Eva.


Well, alam ni Sen. Robin na marami ang humuhusga-bumabatikos sa kanyang pagiging loyal sa dating Pangulong Duterte. Pero sarili niyang desisyon ‘yun, dahil malaki ang naitulong ni FPRRD sa kanyang political career. Hindi ‘yun madaling kalimutan at talikuran, kaya naman tanggap ni Sen. Robin ang mga sasabihin sa kanya ng mga bashers. 


Bahala na si Batman kung anuman ang magiging reaksiyon ng kanyang mga tagahanga at ng milyong bumoto sa kanya sa pagsuporta niya sa dating pangulo.


Sey pa ni Sen. Padilla, after 2028, pagkatapos ng kanyang termino ay wala na siyang ibang balak pa sa pulitika.


Ex-BF na lang daw ang tanungin kung bakit…

MIKEE, HIRAP TANGGAPIN ANG BREAKUP NILA NI PAUL


NAPAKASAKIT para sa Kapuso actress na si Mikee Quintos ang breakup nila ng kanyang BF na si Paul Salas. Apat na taon din na naging masaya ang kanilang relasyon. 


Naging inspirasyon nina Mikee at Paul ang isa’t isa. Madalas na sabihin noon ni Paul na si Mikee ang nagpabago ng kanyang buhay. Mas natuto raw siyang pahalagahan ang kanyang career. 


Kaya marami ang nagulat nang aminin ni Mikee sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na hiwalay na sila ni Paul Salas. 


Pero, nilinaw ni Mikee na walang third party involved sa kanilang breakup. 

So, ang ibig sabihin ay may mas malalim na dahilan kaya tinapos nila ang kanilang relasyon? 


Ayaw pang magsalita at ayaw magbigay ng detalye ni Mikee sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Paul.


Gayunpaman, waiting lang si Mikee sa right time na ibubunyag din niya ang totoo. Mutual decision daw nila ni Paul ang kanilang paghihiwalay. Matagal nilang pinag-usapan kung dapat na nilang sabihin ito sa publiko.


Sey pa ni Mikee, dapat na manggaling kay Paul Salas ang pagbabahagi sa dahilan ng kanilang breakup. 


No regrets si Mikee na sobra niyang minahal ang aktor. Napakahirap para kay Mikee na tanggapin ang nangyari at mag-move on na.


Maraming fans din ang labis na nanghinayang sa kanilang relasyon.

Samantala, dinamayan ni Gabbi si Mikee sa kanyang pinagdaraanan ngayon.


Naging close sila sa isa’t isa dahil magkasama sila sa mystery seryeng Slay

Nakita ni Gabbi ang totoong pagkatao ni Mikee Quintos na napaka-open at totoong-totoo! Kaya gustong i-suggest ni Gabbi na ipasok si Mikee bilang celebrity guest sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition Collab. Tiyak daw na mapapalapit si Mikee Quintos sa mga housemates.



SA ipinost na statement ni Mark Herras sa social media, matapang na pinanindigan niya na hindi totoong pinagbantaan niya na susunugin ang bahay ng singer na si Jojo Mendrez. Ito na rin ang huli niyang pagsasalita tungkol sa isyu nila ni Jojo. 


Marami naman daw mas sikat na celebrities na puwedeng gamitin para pag-usapan sa social media. Abala raw siya sa mga bagay na puwedeng pagkakitaan upang buhayin ang kanyang pamilya. 


Well, may mga nakikisimpatya kay Mark. Kung anu-ano na ang ibinibintang sa unang StarStruck Male Survivor simula nang ma-link siya sa singer na si Jojo. Iba’t ibang impresyon ang ikinakabit sa kanya ng publiko. 


At ngayon, umabot na nga sa ginawang pagpapa-blotter sa kanya ni Jojo Mendrez dahil sa ginawa niyang pagbabanta raw dito.


Well, may 2 sides naman ang bawat kuwento o istorya. Kung talagang inosente si Mark Herras sa akusasyon sa kanya, lalabas din ang totoo. The truth will set him free, hndi naman natutulog ang Diyos. Malalampasan din ni Mark ang mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan ngayon. 


At para naman sa singer na si Jojo Mendrez, sana magawa niyang makapagpatawad. Tutal, sobra-sobra ang kanyang blessings dahil matatag siya at hindi dumaranas ng financial crisis na tulad ni Mark. Lalo siyang susuwertehin kung aalisin niya ang negative vibes sa kanyang puso.



ANG bongga-bongga pala ng bahay ng veteran actor at dating basketball player na si Freddie Webb, dahil may basketball court ito sa loob ng kanyang bahay. Pati mismong si Bernadette Sembrano ay namangha nang magkaroon siya ng house tour sa bahay ni Freddie. 


Dating sikat na basketbolista si Freddie noong kabataan niya, magka-era sila noon ni Jaworski. 


At nang magretiro na si Webb sa paglalaro ng basketball, napasok naman siya sa showbiz at mabenta sa mga TV shows. 


Matagal din silang nagkapareha noon ni Carmi Martin sa sitcom na Chicks to Chicks (CTC). Umere ito ng 14 years sa telebisyon. 


Ngayon, 82 years old na si Freddie Webb at patuloy pa ring umaarte. Markado ang kanyang role bilang Lolo Mars sa seryeng Ang Himala ni Niño (AHNN) na napapanood araw-araw sa TV5. 


Kasama niya rito sina Carmi Martin, K Brosas, Cedrick Juan, Queenay Mercado, at ang magaling na child actor na si Zion Cruz. 


Nagpasalamat si Freddie Webb sa TV5, MQuest Ventures, at Cornerstone Entertainment dahil sa kanilang pagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang actor. 


Two weeks na lang na mapapanood ang AHNN, na nasa finale episodes na. Dapat abangan ang mga kaganapan na mangyayari sa mga major characters.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 3, 2025



Photo: Ogie at Regine - Instagram


May nakaraan pala noon pa sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, noong nagsisimula pa lang ang singing career ng Asia’s Songbird. Ito ang kuwentong throwback ni Regine V. 

Twenty-one years old pa lang noon si Alcasid, at si Regine ay 18 years old naman.


At that time, naging malapit na sila sa isa’t isa, lalo na’t magkasama sila noon sa programang SOP ng GMA-7. Hindi pa noon nagkakilala sina Ogie at Michelle Van Eimeren na naging misis ni Alcasid. 


Kaso, naudlot at hindi nag-prosper ang pagiging malapit nina Regine at Ogie dahil nag-focus si Regs sa kanyang singing career. Nagkani-kanya sila ng journey upang maabot ang kanilang mga pangarap bilang mga singers/performers. 


Hindi inakala ng Asia’s Songbird na pagkalipas ng maraming taon ay madudugtungan ang kanilang nakaraan nang magkita silang muli ni Ogie. Sa bandang huli ay sila pa rin pala ang itinadhana para sa isa’t isa. 


May mga nagsasabi na nagko-complement ang personalidad nina Regine at Ogie. Mistulang isang ‘prinsesa’ kung alagaan ni Alcasid si Regine. At marami ang nakapansin na mas gumaan ang aura ng Asia’s Songbird nang mapangasawa si Ogie Alcasid. Napaka-down-to-earth kasi at masayahin ni Ogie Da Pogi.



Simula nang mag-file ng kanyang candidacy sa pagka-senador si Willie Revillame ay naging sentro na siya ng panlalait ng mga bashers. Bakit daw ngayon biglang naisipan ni Revillame ang kumandidato, gayung todo-tanggi siya noong inalok siya dati ni ex-Pres. Rodrigo Duterte na mapabilang sa kanilang line-up ng senatoriables? 


Katwiran ni Willie ay wala siyang alam sa trabaho ng mga senador. Tutulong na lang daw siya sa mga taong nangangailangan. 


Pero ngayon, tinanggap niya ang hamon kung kailan wala na sa puwesto ang dating Pangulong Duterte na malakas sanang padrino niya. 


Gayunpaman, pasok lagi sa Top 13 si Willie Revillame sa mga surveys na isinasagawa sa mga malalakas na senatoriables. Nilagpasan pa nga ni Willie ang ilan sa mga datihang senador. Nakita niya ang response ng mga tao sa kanyang pag-ikot para mangampanya at mabuti na rin na nasasamahan si Willie nina Sen. Bong Go at Gringo Honasan.


Well, anuman ang maging resulta ng midterm elections sa Mayo, handang tanggapin ito ni Willie. Pansamantala muna niyang iniwan ang kanyang show sa TV5 at ipinagkatiwala ang game show sa kanyang BFF na si Randy Santiago.


Dating sikat na PBA player…

FREDDIE WEBB, MAY SARILING BASKETBALL COURT SA BAHAY


IKINUKUMPARA ngayon ang tandem nina Barbie Forteza at David Licauco (BarDa) sa tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino (KimPau). Sila ngayon ang sinasabing Power


Tandem na iniidolo at tinatangkilik ng libu-libong fans at supporters. 

Bentahe raw ng KimPau tandem dahil for real ang kanilang ipinakikitang sweetness on and off camera, kaya marami ang kinikilig sa kanila.


All-out ang suporta ng mga fans sa pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). Ang iba’t ibang grupo ng KimPau fans ang nagpa-block screening upang patunayan na malakas sa takilya ang kanilang mga idolo. 


Pero kung ikinukumpara nila sa BarDa ang KimPau, hanggang sa harap lang daw ng kamera ang sweetness nina Barbie Forteza at David Licauco. Pang-showbiz lang daw ang lahat dahil hindi naman nililigawan ni David si Barbie, kahit pareho na silang single.


Para lang daw sa kanilang career ang ipinakikitang closeness nila. 

Si Kathryn Bernardo nga ang kursunada ni David at pangarap na makapareha sa isang project.  


Nagpakatotoo lang ang tandem nina Barbie at David. Hindi nila pinapaniwala ang BarDa fans na may “something special” na namamagitan sa kanila. Hindi nila dinadaya ang kanilang mga tagahanga. Hindi nila pinaaasa ang mga fans. 


Nagpapakatotoo rin si Barbie kapag may mga nagtatanong sa real status nila ni David. Naging special friend niya si David dahil nagkakatulungan sila sa kanilang career.


Walang pressure sa kanila at puwede pa rin silang gumawa ng project na magkahiwalay. Puwede silang ipareha sa kahit sinong artista, upang mas mag-level-up ang kanilang pag-arte. Magiging bentahe ito pareho kina Barbie Forteza at David Licauco.


Ngayong 2025, may mga naka-line up na projects na gagawin si Barbie. May isang serye sa GMA-7, at 3 pelikula ang kanyang tinanggap.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page