top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 28, 2025



Photo: Coco Martin sa Batang Quiapo - IG / Nora Aunor - IG



Malaki raw ang utang na loob ni Coco Martin kay Nora Aunor, kaya hindi niya kinakalimutan na padalhan ng tulong ang Superstar kapag kailangan nito. 


Noong pumanaw si Aunor, si Coco ang isa sa mga unang dumalaw sa burol, kasama si Julia Montes. 


Naikuwento ni Coco sa ilang kaibigan na hindi niya malilimutan ang itinanghal na National Artist. Noon daw tumamlay ang kanyang career at madalang ang project, tinawagan ng Superstar ang isang kaibigang direktor at ipinasama si Coco sa movie na ginagawa nito.  


Nagkasama noon sina Aunor at Coco Martin sa seryeng Padre de Familia (PDF), kaya napalapit ang loob ni Coco sa Superstar. 


Naniniwala si Aunor na magaling na aktor si Coco at very expressive rin ang mga mata, kaya nabigyan ng second chance ang career nito at sumikat nang husto sa TV remake ng FPJ’s Ang Probinsyano (AP) na umere ng 7 years.


Ngayon, ang Batang Quiapo (BQ) ay patuloy sa pagtaas ng ratings at dito ay nabibigyan ng chance ang mga datihang artista na wala nang project ngayon. Nagkakaroon sila ng exposure at muling napapanood sa telebisyon.



LABIS na nanghihinayang si Ian de Leon na hindi niya natupad ang pangarap sa kanya ng kanyang Mommy Guy na maging direktor. 


Nakikita raw ng Superstar na may talent si Ian sa pagdidirek. Bata pa si Ian ay naglalaro na sila nina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth at pinaaarte niya ang mga kapatid. 


Kaya naman nang magbinata na si Ian ay pinayuhan siya ni Aunor na mag-aral ng movie directing.  


Pangarap ni La Aunor na magkasama at magkatrabaho sila ni Ian sa isang movie project. 


Kumuha naman ng basic course si Ian sa movie directing. Marunong na rin siyang mag-edit at humihingi siya ng advice sa mga magagaling na direktor na nakatrabaho ng kanyang Mama Guy. 


Hindi pa nabibigyan si Ian ng break upang magdirek sa pelikula at nakamatayan na ng kanyang mama ang makita siyang isang ganap na direktor.  


Wish din ng Superstar na maidirek siya ni Ian sa isang pelikula. 


Well, tiyak naman na gagabayan si Ian de Leon ng kanyang ina upang maging ganap na direktor. May mga TV projects naman siya ngayon at napag-aaralan ang mga sistema sa pagdidirek ng pelikula.


Kahit may AJ na….

ALJUR AT KYLIE, TOGETHER AGAIN SA GRADUATION NG ANAK


MARAMING netizens ang natuwa at pumuri kay Aljur Abrenica nang dumalo siya sa graduation sa kindergarten ng mga anak na sina Alas at Axl. Magkakasama silang nagpa-picture sa stage kasama si Kylie. 


At least, kahit hiwalay na sila ay dumarating si Aljur sa mga special events ng kanilang mga anak.  


Hindi ganap na pinutol ni Kylie ang ugnayan ng 2 anak sa kanilang ama, regular pa rin ang kanilang bonding. 


Samantala, wala pang ipinakikilalang bagong BF si Kylie Padilla ngayon. Si Aljur ay umamin na sa relasyon nila ni AJ Raval. 


Dati ay nali-link si Kylie sa isang tattoo artist pero hindi ganoon kadali ang sitwasyon ng isang single mom na tulad ni Kylie. Mahihirapan siyang makahanap ng isang lalaking tatanggap sa dalawa niyang anak. 


Minsan, nasasabi na lang ni Kylie na napapagod na rin siya sa pagiging provider. Gusto naman niyang maranasan ang isang relaxed na buhay kapag nakatagpo na siya ng isang lalaking magiging good provider sa kanilang mag-iina.



LABIS na nanghihinayang ang mga artistang hindi nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang yumaong Superstar/National Artist na si Nora Aunor. Para sa kanila ay isang malaking karangalan na maituturing ang makasama/makatrabaho ang Superstar sa isang TV/movie project.  


Halos lahat ng mga baguhang artista ay pangarap na makatrabaho ang nag-iisang Nora Aunor. 


Nagsisilbi itong challenge upang pagbutihin nila ang kanilang pag-arte. 


Kaya naman proud na proud ang Kapuso actress na si Jo Berry dahil nagkasama sila ni Aunor sa teleseryeng Onanay. Lagi raw siyang pinapayuhan ni Aunor kapag may mga eksena silang gagawin.  


Sina Aiko Melendez at Jeric Gonzales ay nagkaroon din ng pagkakataon na makasama si La Aunor. Nakasama ni Jeric si Nora sa 3 pelikula. 


Maging ang Kapuso actress na si Bianca Umali ay humanga nang husto sa Superstar nang magkasama sila sa pelikulang Mananambal.  


Ganoon din ang experience ng aktor na si Alfred Vargas na nakatrabaho si Nora Aunor sa pelikulang Pieta.


Nanghihinayang naman ang aktres na si Elizabeth Oropesa dahil ni minsan ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makasama ang isang Nora Aunor na katulad niyang isang Bikolana.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 27, 2025



Photo: Kyline Alcantara - Instagram



May attitude problem nga ba ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, kaya wala siyang nagtatagal na relasyon at laging iniiwanan ng mga lalaking kanyang minahal?

Ito ang tanong ng marami dahil nga sa paghihiwalay nila ni Kobe Paras na isang taon lang tumagal. 


Noong bago pa lang sila ni Kobe ay super-proud na idini-display siya ng nobyong basketbolista. Halos ayaw na nilang maghiwalay at super sweet kapag magkasama.

Panay din ang post ni Kobe sa social media ng kanilang mga larawan sa iba’t ibang events na kanilang dinadaluhan. 


Hanggang isang araw ay unti-unting lumamig ang kanilang relasyon at nag-unfollow na sa isa’t isa.


Nakikita na ngayon si Kobe Paras na kasama ang isang maganda at sexy single mom na puma-party sa Bali, Indonesia. Kaya sunud-sunod ang bash ng mga fans kay Kobe, babaero raw ito at manloloko.


Pero to the rescue naman ang mom ni Kobe na si Jackie Forster. May ipinost itong cryptic post na patama raw kay Kyline. 


Bale dalawang mommies ng kanyang mga ex-boyfriends na ang parehong may pasaring kay Kyline. 


Kung matatandaan, naging usap-usapan din noon ang mga hugot posts ni Carmina Villarroel na mommy ni Mavy Legaspi na diumano’y patungkol kay Kyline. 


Pero dedma at ayaw nang sumagot ni Kyline sa mga posts. Mas pinili niya ang manahimik na lang para payapa ang lahat.


Gayunpaman, matapang ang pahayag ni Kyline na, “I know my truth,” at wala siyang balak ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit nagbago sa kanya si Kobe.


Inisip na lang niya na nagsawa na si Kobe sa kakapanood ng mga paborito niyang (Kyline) movies. At siguro, na-turn-off si Kobe sa ginagawa ni Kyline na pagti-TikTok sa kanyang harapan.


Well, malinaw naman na sa edad ngayon ni Kobe ay hindi pa ito handang pumasok sa isang seryosong relasyon. Mas makakabuti para kay Kyline na natuklasan niya ito nang maaga.



MARAMING personalidad ang nag-alay ng tulong-pinansiyal nang pumanaw ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor. 


Unang-una nang nabalita ay si dating Gov. Chavit Singson. Nariyan din sina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go at Imelda Papin na isa sa mga directors ngayon sa PCSO. 

Pero, ayon sa ilang reliable source, ang Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) daw ang sumagot sa bayarin ni Nora Aunor sa Medical City.


Maging noong burol ay marami rin ang nag-sponsor sa catering, tulad ng Viva Entertainment. Maging si Julia Clarete ay nagpadala ng supply ng Coke products.


Masuwerte nga sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth dahil maraming nagmamahal sa kanilang mommy, kaya lahat ay kumilos at tumulong upang hindi sila mahirapan sa pag-aasikaso sa burol ng kanilang ina.


Mabuti at nakaalalay din kay Lotlot ang BFF niyang si Nadia Montenegro, ganu’n din sina Shyr Valdez, Ana Abiera, Malou Fagar, Imelda Papin, Celia Rodriguez at Daisy Romualdez.



MAY mga nagtatanong naman kung bakit ganoon na lang ang importansiyang ibinigay ni Sen. Robin Padilla sa yumaong Superstar na si Nora Aunor. Malaki ba ang kanilang pinagsamahan? Malalim ba ang kanilang friendship?  


Sa unang gabi pa lang ng lamay ni Aunor sa Heritage Chapel ay naroroon na si Sen. Robin at nag-stay ng 10 oras. Dinamayan niya ang mga anak ni Aunor sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. At kahit may commitment siya noong inihatid sa Libingan ng mga Bayani ang Superstar, dumating ang senador.


At pagkatapos ng libing, bumalik siya kinabukasan upang dalawin ang puntod ni Nora. Ganoon kataas ang respeto ni Sen. Robin sa nag-iisang Superstar at multi-awarded actress.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 26, 2025



Photo: Nora Aunor - IG



Sa eulogy para sa Superstar na si Nora Aunor, nabanggit ni Ricky Lee na dalawang beses na naharang ang paggagawad ng National Artist kay Aunor. Ipinagkait daw sa Superstar ang rekognisyon. 


Hindi na binanggit ni Ricky Lee kung sinu-sino ang mga tumutol na maging National Artist si Nora dahil sa pagsulpot ng ilang isyu. 


Taong 2014 daw huling na-reject ang nomination ng Superstar. Ganunpaman, noong 2016, sa panahon ng panunungkulan ni Rodrigo Duterte bilang pangulo ay nakamit na ni La Aunor ang pagkilala bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.


Maraming magagaling na direktor sa movie industry ang nakatrabaho ni Aunor, tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Mario O’Hara, Marilou Diaz-Abaya, Joel Lamangan, Maryo J. Delos Reyes, Brillante Mendoza, Adolf Alix, atbp. ang nagsasabing karapat-dapat si Nora Aunor sa karangalan bilang National Artist dahil sa dami ng magagandang pelikula na kanyang nagawa. At nanalo na siya ng ilang Best Actress awards mula sa ilang award-giving bodies sa industriya.  



MASAYANG-MASAYA ngayon ang Kapuso actress na si Mikee Quintos dahil sa wakas ay nagawa niyang maka-graduate sa kursong Architecture sa University of Santo Tomas (UST). 


Kahit na inabot pa siya ng 10 years bago natapos ang kanyang kurso, hindi siya nag-give-up kahit mahirap na pagsabayin ang kanyang showbiz career at pag-aaral. 


Ngayon ay may maipagmamalaki na siya. Handog ni Mikee sa kanyang parents ang kanyang diploma at bale regalo na rin niya sa kanyang sarili.


Ngayon ay makakapag-concentrate na nang husto si Mikee sa mga projects na kanyang tinanggap. Kasama siya sa cast ng Encantadia: Sang’gre Chronicles (ESC).  


Malungkot man si Mikee Quintos sa paghihiwalay nila ng nobyong si Paul Salas, tanggap naman niya ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. Maaaring hindi raw sila itinakda para sa isa’t isa.  



MUKHANG totoo nga ang predictions ng ilang psychics na ngayong 2025 ay maraming showbiz couples ang magkakahiwalay. Magsusunuran sila sa nangyari kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Naghiwalay din sina Barbie Forteza at Jak Roberto na seven years ang naging relasyon. Tapos ay nag-break din sina Mikee Quintos at Paul Salas.


Hindi pa umaamin sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, pero marami ang nakakakita kay Kobe na may kasamang bagong chicks sa Bali, Indonesia. 


Ngayon ay maigting ang bali-balitang nagkakalabuan na rin sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, kaya marami ang nag-aabang ng kanilang posts sa social media para sa kanilang latest update sa kanilang relasyon.


Well, sinu-sino pa kayang showbiz couples ang susunod na aamin ng kanilang breakup? At bakit nangyayari ang ganitong sunud-sunod na paghihiwalay ng mga showbiz couples?  



BUKOD sa pagiging mahusay na komedyante, singer/composer at creative director ng mga comedy shows ng GMA Network, magaling ding mag-sketch si Michael V. 


Nagagamit niya ang talent niya sa pagguhit ng mga larawan ng mga sikat na celebrities.  

Magkasunod na pumanaw ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor. At bilang pagpupugay kina Pilita at Nora ay gumawa si Michael V. ng sketch ng dalawa at iniregalo sa kani-kanilang pamilya. 


Maging si Pope Francis (SLN) ay ginawan din ng sketch ni Michael V.


Samantala, may malaking selebrasyon ngayon ang sitcom na Pepito Manaloto (PM) bilang bahagi ng 15th anniversary ng show. May mga special guest stars na magiging bahagi ng anniversary episode, tulad ni Gelli de Belen na first time raw na magge-guest sa PM. Kaya nagbiro siya na kung hindi pa 15th anniversary ng comedy-drama serye ay hindi pa siya maiimbita.


Bale 2-in-1 ang handog na episode ng PM. Bukod sa anniversary ay kasabay na rin ang summer episode na mapapanood. Two parts ang kanilang inihanda para sa mga viewers ng PM.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page