top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 8, 20255

Photo: Nora Aunor - IG

Base sa naging pahayag ni Iriga City Mayor Rex Oliva, inaprubahan ng konseho ng lungsod ang pagbibigay ng parangal sa Superstar/National Artist na si Nora Aunor. 

Isang kalsada sa Iriga ang papangalanang Nora Aunor Street. Magpapagawa rin sila ng isang statue ng Superstar at itatayo sa PNR Station ng Iriga, kung saan dito dati nagtitinda ng tubig si Nora. 

Balak din na magkaroon ng Nora Aunor Museum sa Iriga at dito ilalagay ang ilang memorabilia ng Superstar. At aprubado na rin para ideklarang “Nora Aunor Day” sa Iriga ang May 21. 

Ipinagmamalaki ng Iriga City na may isang Nora Aunor na nagbigay ng malaking karangalan sa kanilang siyudad. Karapat-dapat na bigyan ng importansiya bilang Superstar at National Artist si Nora Aunor.

Halos 1 year nagpagamot ng kanser…

SENS. BONG, JINGGOY AT ROBIN, TULUNG-TULONG SA HOSPITAL BILL NI RICKY

Well-loved sa showbiz ang yumaong aktor-direktor na si Ricky Davao kaya naman dagsa ang nakiramay nang siya ay namatay dahil sa cancer. 

Maraming non-showbiz friends si Ricky. At maging sa showbiz ay nakatrabaho na niya ang halos lahat ng mga artista at direktor, kaya marami ang labis na nalungkot sa biglaan niyang pagpanaw. 

Halos inabot ng isang taon ang pagpapagamot ni Ricky, kaya malaking halaga ang inabot ng kanilang medical bill.

Kaya naman, hindi nagkait ng tulong ang ilang kaibigang actor-politician ni Ricky Davao tulad nina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Robin Padilla, atbp. 

Bumuhos ang maraming tulong sa pamilya ni Ricky Davao, kaya labis na nagpapasalamat si Jackie Lou at ang kanilang mga anak.

MARAMI ang humanga kay Jackie Lou Blanco dahil naging open siya sa kanyang feelings noong eulogy para sa ex-husband niyang si Ricky Davao. 

Pinasalamatan ni Jackie ang girlfriend ni Ricky na si Malca. Parang eksena sa pelikula na nagyakap si Jackie Lou at ang huling karelasyon ng kanyang ex-mister.

Binanggit din ni Jackie Lou na bago si Malca ay meron pang isang babae na naugnay kay Ricky. Nagkaroon sila ng isang anak, kaya bale 4 ang naging anak ni Ricky Davao. 

Tatlo ang anak nila ni Jackie Lou at isa sa nakarelasyong non-showbiz.

Ayon pa kay Jackie Lou, tanggap niya na nagkaroon ng ibang karelasyon si Ricky noong sila ay naghiwalay. Napatawad na niya ang kanyang ex-husband. 

Kaya naman sa burol ng batikang aktor ay si Jackie Lou ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga dumating upang makiramay sa kanila.

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 7, 20255

Photo: Matet De Leon - IG

Sa May 21 pa ang kaarawan ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor. Pero ngayon pa lamang ay may pakiusap na ang mga anak ni Guy sa mga Noranians na sana, ibigay muna sa kanila ang pribadong oras upang makapiling nila nang matagal ang kanilang ina.

Balak nina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth na magsama-sama sa mismong kaarawan ni Aunor sa pagdalaw sa puntod nito sa Libingan ng mga Bayani. Dito nila ise-celebrate ang kaarawan ng nag-iisang Superstar.

Puwede naman daw dumalaw ang mga Noranians sa hapon (mula 4 PM) pagkatapos ng gagawing birthday celebration ng mga anak ni La Aunor sa Libingan ng mga Bayani.

Well, iba naman ang plano ni John Rendez sa kaarawan ni Nora sa May 21. Sa hometown ni Aunor sa Iriga, Camarines Sur siya pupunta para sa kaarawan ng Superstar. At maging sa 40 days ng kamatayan ni Aunor sa May 25 ay sa Iriga pa rin niya balak pumunta.

Kilala na rin naman si John ng mga kababayan ng Superstar. Nakakasama siya noon ni Nora kapag nagtutungo ito sa Iriga City para bisitahin ang kanyang mga lupain.

Well, siguro naman ay maiintindihan ng mga Noranians ang pakiusap ng mga anak ni Nora Aunor na ibigay muna sa kanila ang panahon na makasama ang kanilang ina sa kaarawan nito sa May 21. 

Ganunpaman, hanggang 4 PM lang naman ang birthday celebration ng Superstar. Pagkatapos ng immediate family, puwede nang dumalaw ang mga Noranians na nagmamahal kay Nora Aunor. At anytime ay puwede silang dumalaw sa puntod ng Superstar.

EXCITING para sa mga masugid na viewers ang pagpasok ng Kapuso actor na si David Licauco sa Pinoy Big Brother (PBB) house bilang celebrity guest.

Tiyak na aabangan ng mga viewers kung ano ang ugali ni David kapag kasama ang mga PBB housemates at papaano ito makikipag-interact sa ibang housemates. 

Ano kaya ang tasks na ipagagawa sa kanya habang nasa loob ng PBB house? 

May mga rebelasyon at sikreto rin kaya siyang ibubunyag sa mga viewers?

Tiyak naman na kikiligin ang mga female housemates.

Ready na ba si David sa magiging experience niya sa PBB house? Hanggang kailan siya makakatagal?

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 6, 20255

RECOMMENDED
bottom of page