top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 6, 20255



Photo File: Rufa Mae Quinto - IG


Matagal din na naging bahagi noon ng Bubble Gang (BG) si Rufa Mae Quinto (RMQ). Siya ang halos nakasabayan ng mga orig na cast ng BG


At ayon kay Michael V., si Rufa Mae ang pinakapasaway sa lahat ng artistang kasama sa comedy show. Madalas siyang napagsasabihan at sinasaway sa pagdadala ng cellphone kapag nasa taping ng BG


Pero sadyang makulit si RMQ at hindi maawat sa paggamit ng cellphone.


Pambawi niya, kapag eksena na niya ang kukunan ay kabisado niya ang kanyang linya at magaling ding mag-adlib. Hindi siya nasasapawan ng kanyang mga kasamahan sa BG


 Kaya naman, nami-miss ni Michael V. ang pagiging kikay at jologs ni RMQ sa set.

Maging si Chariz Solomon ay hanga sa pagiging comedienne ni Rufa Mae. Wish nila na mai-guest si RMQ sa BG.


Kahit ‘di pa magka-level… BARBIE AT KYLINE, PANTAPAT NG GMA-7 KAY KATHRYN


MAGANDA ang plano ng GMA Network para kina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Ginu-groom sila upang ipantapat kay Kathryn Bernardo. 


Although milya-milya na ang lamang ni Kathryn kina Barbie at Kyline in terms of popularity, still, lumalawak at lumalaki ang fan base ng dalawang Kapuso actresses.


Ang bagong henerasyon ng mga tagahanga ang market nina Barbie at Kyline. Maraming kabataan ang humahanga sa kanila at tumatangkilik ng kanilang mga shows.


Well, “slowly but surely” ang formula ng GMA-7 kina Barbie at Kyline. At hindi naman sila madedehado kahit na makasabay nila si Kathryn sa mga regional shows. Ibang-iba ang taglay na karisma ng dalawa sa mga fans kumpara kay Kathryn.

Plus factor din kay Barbie na ka-love team niya si David Licauco na malakas din ang hatak sa mga fans.


NO regrets ang Kapuso actress na si Katrina Halili na nag-lie low siya sa kanyang showbiz career for three years. Ginugol niya ang panahong ‘yun sa pag-aalaga at pagtutok sa kanyang anak na si Katie na may mild autism. Ipinadama niya sa kanyang nag-iisang anak ang pagmamahal at pag-aaruga rito. 


Hindi muna pumirma ng kontrata si Katrina Halili sa GMA-7 upang hindi siya maobligang tumanggap ng project. Namalagi si Katrina sa kanyang resort sa Palawan kasama ang kanyang anak na si Katie.


Naging mabait, magalang at masunuring anak si Katie. Hindi siya naging pabigat sa kanyang mom. 


Sa vlog ni Katrina, isinasama niya ang kanyang anak, at maraming viewers ang nagkakagusto sa ipino-post nilang bonding moments at kulitan.

Marami na ring mga fans si Katie ngayon.


Samantala, may mga netizens ang nagtatanong kung may love life ba ngayon si Katrina. Nakahanap na ba siya ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at handang tanggapin pati ang kanyang anak?


Sa guesting ni Katrina Halili sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ang tanging inamin niya ay masaya ang puso niya ngayon. Hindi lang niya maisapubliko ang bago niyang inspirasyon.



ANG galing naman ng nakaisip ng slant para sa promo ng bagong serye ng GMA-7 na Cruz vs. Cruz (CVC) na pinagbibidahan nina Vina Morales at Gladys Reyes.

Isang galit na galit na Gladys ang may video kung saan niya pinapatutsadahan ang isang babaeng pa-victim ang drama at inaakusahan siya na mang-aagaw ng asawa. 


Ang babaeng ito raw ang unang nakarelasyon ng kanyang mister. Thelma ang pangalan ng pa-victim na naninira kay Gladys sa social media.


Mukhang interesting ang istorya ng CVC dahil parehong pag-aagawan nina Vina at Gladys ang iisang lalaki, at si Gladys ang pinakasalan kaya siya ang legal wife. Pero umeeksena ang unang naging nobya ng kanyang mister.


Marami ang naloka at naintriga nang mapanood ang litanya ni Gladys sa social media. Marami ang nag-akala na totoo ang nangyari sa relasyon nila ni Christopher Roxas. Happily married ang aktres at lima ang anak nila.



MAGANDA ang plano ng GMA Network para kina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Ginu-groom sila upang ipantapat kay Kathryn Bernardo. 


Although milya-milya na ang lamang ni Kathryn kina Barbie at Kyline in terms of popularity, still, lumalawak at lumalaki ang fan base ng dalawang Kapuso actresses.


Ang bagong henerasyon ng mga tagahanga ang market nina Barbie at Kyline. Maraming kabataan ang humahanga sa kanila at tumatangkilik ng kanilang mga shows.


Well, “slowly but surely” ang formula ng GMA-7 kina Barbie at Kyline. At hindi naman sila madedehado kahit na makasabay nila si Kathryn sa mga regional shows. Ibang-iba ang taglay na karisma ng dalawa sa mga fans kumpara kay Kathryn.

Plus factor din kay Barbie na ka-love team niya si David Licauco na malakas din ang hatak sa mga fans.



NO regrets ang Kapuso actress na si Katrina Halili na nag-lie low siya sa kanyang showbiz career for three years. Ginugol niya ang panahong ‘yun sa pag-aalaga at pagtutok sa kanyang anak na si Katie na may mild autism. Ipinadama niya sa kanyang nag-iisang anak ang pagmamahal at pag-aaruga rito. 


Hindi muna pumirma ng kontrata si Katrina Halili sa GMA-7 upang hindi siya maobligang tumanggap ng project. Namalagi si Katrina sa kanyang resort sa Palawan kasama ang kanyang anak na si Katie.


Naging mabait, magalang at masunuring anak si Katie. Hindi siya naging pabigat sa kanyang mom. 


Sa vlog ni Katrina, isinasama niya ang kanyang anak, at maraming viewers ang nagkakagusto sa ipino-post nilang bonding moments at kulitan.


Marami na ring mga fans si Katie ngayon.

Samantala, may mga netizens ang nagtatanong kung may love life ba ngayon si Katrina.

Nakahanap na ba siya ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at handang tanggapin pati ang kanyang anak?


Sa guesting ni Katrina Halili sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ang tanging inamin niya ay masaya ang puso niya ngayon. Hindi lang niya maisapubliko ang bago niyang inspirasyon.



ANG galing naman ng nakaisip ng slant para sa promo ng bagong serye ng GMA-7 na Cruz vs. Cruz (CVC) na pinagbibidahan nina Vina Morales at Gladys Reyes.

Isang galit na galit na Gladys ang may video kung saan niya pinapatutsadahan ang isang babaeng pa-victim ang drama at inaakusahan siya na mang-aagaw ng asawa. 


Ang babaeng ito raw ang unang nakarelasyon ng kanyang mister. Thelma ang pangalan ng pa-victim na naninira kay Gladys sa social media.


Mukhang interesting ang istorya ng CVC dahil parehong pag-aagawan nina Vina at Gladys ang iisang lalaki, at si Gladys ang pinakasalan kaya siya ang legal wife. Pero umeeksena ang unang naging nobya ng kanyang mister.


Marami ang naloka at naintriga nang mapanood ang litanya ni Gladys sa social media. Marami ang nag-akala na totoo ang nangyari sa relasyon nila ni Christopher Roxas. Happily married ang aktres at lima ang anak nila.




 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 5, 20255



Photo File: Robin Padilla - IG


Sa isang interview, sinabi ni Sen. Robin Padilla na kapag may away sila ni Mariel Rodriguez at nagtatampo siya, ilang araw siyang nagkukulong sa kanyang kuwarto at hindi kumakain. Para na rin siyang nagpa-fasting.


Pero dinadalhan pa rin siya ng pagkain ni Mariel kahit may tampuhan sila. Iniiwan na lang ni Mariel ang pagkain sa labas ng kuwarto ni Sen. Robin. 


Hindi natitiis ni Mariel ang kanyang mister at patuloy sa pagdadala ng pagkain kahit hindi ito ginagalaw.


Ganunpaman, kapag malamig na ang ulo ni Sen. Padilla ay saka sila nag-uusap ni Mariel. Bilang padre de pamilya, hindi naman siya nagkukulang sa kanyang obligasyon sa mga anak. Sinisikap niyang bigyan ng quality time ang kanyang pamilya. 


Isa rin siyang mapagmahal na anak. Marami ang na-touch nang mapanood ang post ni Sen. Robin kung saan kinakantahan niya ang kanyang ina na si Eva Cariño na nakaupo sa wheelchair. 


Isang madamdaming version ng Anak ni Freddie Aguilar ang inialay ni Sen. Robin sa kanyang mahal na ina.


Malaki ang naging sakripisyo ni Mommy Eva sa kanyang mga anak na lalaki, kaya ngayon ay bumabawi si Sen. Robin Padilla.


Turned-off sa nanligaw na aktor noon…

BEA, AYAW SA LALAKING DUGYOT


Importante para kay Bea Alonzo ang personal hygiene ng mga lalaking nagpaparamdam sa kanya. Ayaw na ayaw niya sa dugyot at hindi ito papasa sa kanya kahit gaano pa ito kaguwapo. 


Kuwento ni Bea sa isang interview, may isa raw aktor ang nanligaw sa kanya noon pero na-turn-off agad siya dahil hindi ito malinis sa katawan.


Gusto naman ni Bea ay lalaking mabango na parang baby. Kahit daw hindi masyadong guwapo, basta maalaga sa katawan. 


Naiintriga tuloy ang mga netizens at gustong malaman kung sino ang aktor na tinutukoy niya na dugyot. Naging leading man kaya niya ito sa isa niyang pelikula?


Sayang na sayang si Dominic Roque dahil bukod sa guwapo na ay mukhang napakabango pa at ang linis-linis sa katawan. Hindi nga lang siya kasingyaman ni Bea Alonzo at ‘yun ang setback niya.



NAGSU-SHOOTING na ngayon ang cast ng Bar Boys (BB) sequel na After School. Kasama rito sina Carlo Aquino, Kean Cipriano, Enzo Pineda, Odette Khan, atbp.. 


Hindi na nakasama si Rocco Nacino dahil sa unang istorya ng BB ay nag-quit siya sa law school at hindi nagtuloy na maging abogado.


Ang BB ay ipinalabas noong 2017. Ito ay isinulat, idinirek, at co-produced ni Kip Oebanda. 


Well, nagmarka ang role ng veteran actress na si Odette Khan sa movie bilang terror na professor. Malaki ang naging bahagi niya sa buhay ng mga law students na magkakaibigan. 


Nanalong Best Supporting Actress si Odette Khan at kinilala ng iba’t ibang award-giving bodies. Marami sa mga nakapanood noon ng BB ang interesadong malaman kung ano ang naging kapalaran ng mga law students. Nagtagumpay kaya sila sa landas na tinahak? 


‘Yan ang malalaman sa sequel ng pelikula.



KAHIT mahigit dalawang dekada na si Michael V. bilang komedyante, hindi pa rin siya nakukuntento at patuloy na nag-iisip ng mga bagong skits para sa sitcom niyang Pepito Manaloto (PM) at Bubble Gang (BG). Gusto niya ay may bago silang ihahandog sa mga viewers upang hindi magsawa ang mga ito sa kanilang programa. 


Almost 30 years na ang BG at 15 years naman sa ere ang PM. Enjoy naman si Michael V. sa kanyang ginagawa.


Kung tutuusin, bibihira sa mga TV shows ang nagtatagal ngayon sa ere. Kaya nagpapasalamat ang PM na patuloy na tinatangkilik ng mga viewers ang kanilang show.


Si Michael V. ang nasa likod ng tagumpay ng PM. Hindi nauubusan ng magaganda at nakakatuwang ideya ang aktor-direktor. 


At maraming viewers ang nakaka-relate sa bawat episode dahil Pinoy na Pinoy ang concept nito at akma sa bagong henerasyon ng mga viewers.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 4, 20255



Photo File: Sunshine Cruz - IG


Magpapahinga muna sa showbiz si Sunshine Cruz at aasikasuhin ang tatlo niyang anak na dalaga na rin ngayon. 


Bibigyan din niya ng panahon na tutukan ang kanyang kalusugan at pagme-maintain ng kanyang sexy figure. 


Sampung projects ang tinanggihan ni Sunshine dahil pahinga muna ang kanyang acting career.


Sey naman ng mga netizens, tiyak na pinagbawalan na ni Atong Ang si Sunshine Cruz na mag-artista mula nang sila ay maging magkarelasyon. Tutal, kaya namang ibigay ng multi-millionaire businessman ang kikitain niya sa pag-aartista, kaya domesticated na si Sunshine ngayon.


Samantala, ayon kay Sunshine ay fake news ang nababalitang hiwalay na sila ni Atong. Okey na okey daw sila at hindi totoo ang kumakalat na tsismis. 

Itinanggi rin ni Sunshine ang mapanirang tsismis na buntis ang isa sa kanyang mga anak na dalaga. Huwag daw basta maniwala sa ganitong balita.



MARAMI ang natuwa kay Ivana Alawi nang ipag-shopping niya ang anak ni Katrina Halili na si Katie. 


May mild autism ang anak ni Katrina, pero matalino at malambing.  

Hanga si Ivana sa ginagawang pag-aalaga ni Katrina sa kanyang anak. Proud siya kay Katie at hindi ikinahihiya ni Katrina kapag kasama niya sa pamamasyal sa mall.


Naging magaan ang loob ni Ivana kay Katie, kaya niyaya niya itong mag-shopping. Bukod sa mga toys, nagpabili rin si Katie kay Ivana ng iPhone 15. 


Umabot ng P64,000 ang nagastos ni Ivana sa mga pinamili ng anak ni Katrina. 

Sobrang tuwang-tuwa at nagpasalamat si Katie sa mga regalong kanyang natanggap mula sa kanyang Tita Ivana. Napapa-“sana all” naman ang mga batang gusto rin ng mga laruan at iPhone.



MARAMING viewers ang naiintriga nang mag-guest si Barbie Forteza sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). May ilan kasing katanungan si Boy na hindi direktang masagot ni Barbie, tulad ng kung may nanliligaw ba sa kanya ngayon. Isang mahiwagang ngiti lang ang naging kasagutan o reaction dito ni Barbie. Kaya iniisip ng mga viewers na meron nga siyang suitors ngayon.


Bakit daw kailangan na ilihim o itago pa ni Barbie kung may mga manliligaw siya ngayon? Single naman siya after ng breakup nila ni Jak Roberto. 


Baka naman pinoprotektahan lang ni Barbie ang love team nila ni David Licauco? Baka mag-react kasi ang mga fans. 


Anyway, deserve naman ni Barbie na magkaroon ng love life at inspirasyon. Marami rin ang nagsasabing blooming ang aktres ngayon kaya tiyak na in love at may nagpapasaya sa kanya. 


Maraming netizens naman ang boto sa tandem nila ni David. Sana raw, si David na ang secret admirer ni Barbie na ayaw pa niyang aminin sa publiko.



MARAMI ang nagtatanong kung bakit biglang nanahimik ang mundo ni Andrea Brillantes ngayon. Dati-rati ay marami siyang ganap at pasabog. Hindi siya nauubusan ng issue, lagi siyang talk of the town. Kaya nagtaka ang lahat sa pananahimik ni Andrea.


Wala ba siyang love life ngayon? Dati-rati ay aktibo siya sa pagpo-post sa social media. 


Ano nga kaya ang dahilan at nawala sa eksena si Andrea? Nag-mature na ba siya o napagod na sa mga issues sa kanyang buhay noon?


Well, magaling namang umarte si Andrea at sisikat pa siya nang husto ‘pag nag-level-up ang kanyang pagiging aktres. Makakatagpo rin siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya nang totoo. Darating sa tamang panahon ang kanyang "the one.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page