top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 7, 2025



Photo: Willie Revillame - Wowowin FB


Para patunayan lang sa lahat na hindi totoo ang balitang naghihirap na siya at nasaid na ang kanyang yaman nang kumandidatong senador, namili na ng mga bagong properties si Willie Revillame. 


May bago siyang yate ngayon na worth P12 million. Binili rin niya ang 49th floor ng isang sosyal na building sa BGC para gawing penthouse at bumili ng apat na condo units.


Bukod dito ay bumili siya ng bagong sasakyan, Tesla Beast, na dagdag sa koleksiyon niya ng mga luxury cars.


Isang reliable source din ang nagbalitang naghahanap si Willie ng mabibiling bahay sa Dasmariñas Village sa Makati kahit may bagong condo na siyang tinitirhan ngayon. 


Well, ito ay patunay lamang na hindi totoong naubos na ang yamang naipundar ni Revillame. Gumastos man siya noong tumakbo siyang senador, hindi naman niya uubusin ang kanyang mga properties dahil may mga anak siyang paglalaanan. 


Nilinaw din niya na hindi totoo na naibenta na niya ang kanyang private resort sa Puerto Galera. Pang-personal niya itong gamit kaya hindi niya ibebenta.



NAISINGIT lang ni Kathryn Bernardo ang maikling bakasyon sa Thailand dahil pagbalik niya sa ‘Pinas ay agad na siyang sasalang sa taping ng bago niyang serye katambal si James Reid. 


Ngayong Agosto raw ia-announce ang title ng bagong serye ni Kathryn. May nagsasabing isang adaptation ang kanilang pagtatambalan ni James. Sey naman ng isang insider, bagong istorya raw ito na babagay sa kanila. 


At mukhang malabo na ngang mangyari ang hinihintay o inaabangan ng KathNiel fans para sa isang reunion project nina Kathryn  at Daniel Padilla.


Sa ibang aktor naman susubukang ipareha si Kathryn. At wala namang choice ang mga fans, karapatan ng mga movie producers ang pumili ng magbibidang artista sa kanilang project. 


Tapos na ang era ng tambalang KathNiel. And for sure, maging si Kathryn ay ayaw munang makatrabaho ang ex niyang si Daniel.



SA wakas, magbibida na rin si Bea Binene sa isang pelikula, katambal si Sid Lucero. Ito ay sa horror movie na Posthouse na idinirek ni Nikolas Red. 


Maganda ang black-and-white na poster ng pelikula. Excited si Bea Binene sa pelikulang kanyang pagbibidahan. 


Twenty-one years na siya sa showbiz at ngayon lang nabigyan ng chance na magbida sa isang pelikula. 


Ipapalabas na ang Posthouse sa August 20.


Well, mukhang nauuso ngayon ang horror films. Noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 ay kumita ang Espantaho na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino. Horror din ang P77 movie ni Barbie Forteza. May ilang horror movies na tapos na at hinahanapan ng magandang playdate. 


Ano kaya ang ikinaiba ng Posthouse na si Bea Binene ang bida? 

‘Yan ang aabangan at huhusgahan ng mga moviegoers.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 6, 2025



Photo: Rufa Mae Quinto


Bagama’t wala pang official statement mula kay Rufa Mae Quinto sa sanhi ng kamatayan ng kanyang mister na si Trevor Magallanes, may mga lumulutang na balitang nakapag-iwan daw ito ng kanyang Last Will and Testament kung saan iniiwan niya ang kanyang mga naipundar sa kanilang unica hija na si Athena. 


Ganunpaman, pareho namang hindi pa nag-file ng divorce sina Rufa Mae at Trevor kahit na naghiwalay na sila, kaya ang aktres-komedyana pa rin ang lumalabas na legal wife ni Trevor. At may karapatan siya kung anuman ang yaman ng mister na naiwan nito.


Pero may tsikang hindi boto kay Rufa Mae ang mga partidos ni Trevor, kaya maaari siyang tutulan na mabigyan ng parte sa mga ari-arian ng  namayapang mister at posibleng ang anak lang nilang si Athena ang pamamanahan.



NAIYAK si Dina Bonnevie sa isang episode ng House of D (HOD) nang purihin at pasalamatan siya ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, ganoon din ng kanyang manugang na si Kristine Hermosa. 


Bilang ina, istrikto at disciplinarian si Dina. Hindi lumaking spoiled at bratty sina Oyo at Danica dahil sa pagsubaybay niya. 


At noong maliliit pa ang mga anak ay isinasama niya kapag may shooting siya.

Kaya naman ngayon na may sarili nang pamilya sina Oyo at Danica, na-realize nila na para sa kanilang kapakanan ang lahat ng ginagawang paghihigpit ng kanilang Mommy Dina. 


Nagagamit nila ngayon sa kanilang mga anak ang tamang pagdidisiplina.

Sey nga ni Kristine, thankful siya kay Dina dahil nagkaroon siya ng mabait at responsableng asawa na tulad ni Oyo.


Kahit istrikto sa kanyang mga anak si Bonnevie ay naging mabuti namang parents sina Oyo at Danica.



MASUWERTE si Carmi Martin na sa loob ng mahigit apat na dekada niya sa showbiz ay patuloy na dumarating sa kanya ang magagandang TV at movie offers. Naranasan na niyang magbida noon sa ilang pelikula at nakatambal pa si Dolphy sa Dolphy’s Angels (DA).


Nagkaroon din siya ng mga TV shows tulad ng Tonight with Dick and Carmi (TWDAC) at Chicks to Chicks (CTC)


Sa loob ng 45 years ay walang tumayong manager si Carmi. Ngayon lang siya nagpa-manage kay Noel Ferrer, ang manager ni Ryan Agoncillo.


Nangarap din si Carmi na magkamit ng acting award. Kaya naman, sa payo ng mga kaibigan ay nag-undergo siya ng acting workshop kay Direk Ryan Carlos bago niya tinanggap ang role sa Ang Himala ni Sto. Niño (AHNSN) na serye sa TV5. Dito nga siya nanalong Best Actress mula sa Golden Dove Awards. Ito ang kauna-unahang acting award na natanggap ni Carmi, kaya memorable ito sa kanya.


Sa edad niyang 61, nanatiling single si Carmi Martin. Pero wala siyang regrets dahil personal choice niya ito. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon.



MARAMI ang naantig ang loob nang mapanood ang interview sa veteran comedienne na si Nova Villa sa YouTube (YT) channel ni Julius Babao. Sa kabila ng pagiging masayahin ni Nova ay may mabigat siyang problemang dinadala.


Ten years nang bedridden ang mister niyang si Freddie Gallegos. Na-stroke ito noong 2017. Si Nova Villa ang nag-aalaga sa kanyang mister, kinakaya niya ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay.


Hindi open si Nova sa kanyang private life, kaya bihira ang nakakaalam sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. 


At nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng project, kaya may pantustos siya sa gamot ng kanyang mister.


Regular na napapanood si Nova sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). Kasama rin siya sa action-drama seryeng Sanggang Dikit (SDFR)

Mahal na mahal ni Nova Villa ang mister niyang na-stroke, kaya patuloy niya itong inaalagaan.


Kuwento ni Nova kay Julius Babao, 15 years old lang siya nang pumasok sa showbiz. Si FPJ ang nakadiskubre sa kanya. Naging leading lady siya nito sa tatlong pelikula.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 6, 2025


6

Photo: Rufa Mae Quinto - IG


Bagama’t wala pang official statement mula kay Rufa Mae Quinto sa sanhi ng kamatayan ng kanyang mister na si Trevor Magallanes, may mga lumulutang na balitang nakapag-iwan daw ito ng kanyang Last Will and Testament kung saan iniiwan niya ang kanyang mga naipundar sa kanilang unica hija na si Athena. 


Ganunpaman, pareho namang hindi pa nag-file ng divorce sina Rufa Mae at Trevor kahit na naghiwalay na sila, kaya ang aktres-komedyana pa rin ang lumalabas na legal wife ni Trevor. At may karapatan siya kung anuman ang yaman ng mister na naiwan nito.


Pero may tsikang hindi boto kay Rufa Mae ang mga partidos ni Trevor, kaya maaari siyang tutulan na mabigyan ng parte sa mga ari-arian ng  namayapang mister at posibleng ang anak lang nilang si Athena ang pamamanahan.



NAIYAK si Dina Bonnevie sa isang episode ng House of D (HOD) nang purihin at pasalamatan siya ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, ganoon din ng kanyang manugang na si Kristine Hermosa. 


Bilang ina, istrikto at disciplinarian si Dina. Hindi lumaking spoiled at bratty sina Oyo at Danica dahil sa pagsubaybay niya. 


At noong maliliit pa ang mga anak ay isinasama niya kapag may shooting siya. Kaya naman ngayon na may sarili nang pamilya sina Oyo at Danica, na-realize nila na para sa kanilang kapakanan ang lahat ng ginagawang paghihigpit ng kanilang Mommy Dina. 


Nagagamit nila ngayon sa kanilang mga anak ang tamang pagdidisiplina.

Sey nga ni Kristine, thankful siya kay Dina dahil nagkaroon siya ng mabait at responsableng asawa na tulad ni Oyo.


Kahit istrikto sa kanyang mga anak si Bonnevie ay naging mabuti namang parents sina Oyo at Danica.



MASUWERTE si Carmi Martin na sa loob ng mahigit apat na dekada niya sa showbiz ay patuloy na dumarating sa kanya ang magagandang TV at movie offers. Naranasan na niyang magbida noon sa ilang pelikula at nakatambal pa si Dolphy sa Dolphy’s Angels (DA).


Nagkaroon din siya ng mga TV shows tulad ng Tonight with Dick and Carmi (TWDAC) at Chicks to Chicks (CTC)


Sa loob ng 45 years ay walang tumayong manager si Carmi. Ngayon lang siya nagpa-manage kay Noel Ferrer, ang manager ni Ryan Agoncillo.

Nangarap din si Carmi na magkamit ng acting award. Kaya naman, sa payo ng mga kaibigan ay nag-undergo siya ng acting workshop kay Direk Ryan Carlos bago niya tinanggap ang role sa Ang Himala ni Sto. Niño (AHNSN) na serye sa TV5. Dito nga siya nanalong Best Actress mula sa Golden Dove Awards. Ito ang kauna-unahang acting award na natanggap ni Carmi, kaya memorable ito sa kanya.

Sa edad niyang 61, nanatiling single si Carmi Martin. Pero wala siyang regrets dahil personal choice niya ito. Masaya naman siya sa buhay niya ngayon.



MARAMI ang naantig ang loob nang mapanood ang interview sa veteran comedienne na si Nova Villa sa YouTube (YT) channel ni Julius Babao. Sa kabila ng pagiging masayahin ni Nova ay may mabigat siyang problemang dinadala.


Ten years nang bedridden ang mister niyang si Freddie Gallegos. Na-stroke ito noong 2017. Si Nova Villa ang nag-aalaga sa kanyang mister, kinakaya niya ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Hindi open si Nova sa kanyang private life, kaya bihira ang nakakaalam sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. 


At nagpapasalamat siya sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng project, kaya may pantustos siya sa gamot ng kanyang mister.


Regular na napapanood si Nova sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). Kasama rin siya sa action-drama seryeng Sanggang Dikit (SDFR)


Mahal na mahal ni Nova Villa ang mister niyang na-stroke, kaya patuloy niya itong inaalagaan.


Kuwento ni Nova kay Julius Babao, 15 years old lang siya nang pumasok sa showbiz. Si FPJ ang nakadiskubre sa kanya. Naging leading lady siya nito sa tatlong pelikula.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page