top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 28, 2026



Alvin Aragon at Izzy Trazona - @izzytrazona_aragon

Photo: Instagram @izzytrazona_aragon



Nagtagumpay si Alvin Aragon na makuha ang atensiyon ng publiko nang magbitaw siya ng mga matatapang na pahayag kontra sa LGBTQIA+ community. 


Marami siyang personalidad na nasagasaan dahil nagbanggit pa siya ng mga pangalan ng mga celebrities na may mga anak na lesbian at gay na dahilan din kung bakit siya naba-bash nang todo sa social media. 


Mismong ang King of Talk na si Boy Abunda ay hindi nakapagpigil at pinatulan ang pang-aalipusta ni Alvin sa mga gays. Sa halip na maganda sana ang kanyang pagbabalik dahil sa exposure niya sa social media, umani siya ng mga negatibong komento mula sa iba’t ibang sektor. 


Nasobrahan daw sa kanyang pagpapakabanal ang mister ni Izzy Trazona kaya marami ang nagsasabing dapat siyang magpakonsulta sa isang psychiatrist.



Sobrang payat…

ARA, MUKHA NANG ANOREXIC



Kapansin-pansin ang sobrang pagpayat ngayon ni Ara Mina, kaya labis na nag-aalala ang kanyang mga fans dahil mukha na siyang anorexic. 


Bakit daw kailangan niyang magbawas ng timbang, eh, okey naman ang dati niyang pangangatawan? 





Tuloy, marami ang nag-iisip na baka may mabigat na problema ang aktres kaya bumabagsak ang kanyang katawan. Mas okey na mabilog si Ara Mina dahil mas lumulutang ang kanyang sex appeal. 


Anyway, baka naman sa sobrang pagtutok niya sa kanyang mga negosyo ay naapektuhan na ang kanyang kalusugan. Need din niyang mag-relax at magbakasyon. 

At this point of her life, hindi niya kailangang magpaalipin sa trabaho. Stable na siya financially at may career pa.



HINDI pala si John Lloyd Cruz ang makakapareha ni Bea Alonzo sa bago niyang seryeng gagawin sa GMA Network kundi si Tom Rodriguez. 


Matagal na kasing nagre-request ang mga Bea at John Lloyd fans na magkaroon sila ng reunion project, tutal ay nasa GMA pa rin si John Lloyd. 


May ilang netizens naman ang nagsa-suggest na pagsamahin sina Marian Rivera at Bea Alonzo sa isang drama series. Tiyak na walang magpapatalo sa kanilang mga eksena. 


Samantala, tiyak na paghahandaan nang husto ni Tom ang pagsasama nila ni Bea sa seryeng kanilang gagawin. Alam ng aktor kung gaano ka-intense umarte ang aktres dahil kinakarir ni Bea ang kanyang character at professional siyang magtrabaho. Hindi siya pa-diva sa set. 


Magsisilbing challenge kay Tom Rodriguez ang makatambal si Bea Alonzo. Kailangang pantayan ang galing ni Bea bilang aktres.



MARAMING viewers ang nakaka-miss kay Janna Dominguez. Matagal-tagal din siyang hindi napapanood sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) bilang si Maria, na kasambahay nina Manilyn Reynes bilang Elsa at Michael V. bilang Pepito. 


Kahit medyo tatanga-tanga si Maria ay marami ang naaaliw sa kanyang role. Parang may kulang talaga kapag wala siya sa mga episodes ng PM


Tulad ni Mosang, matagal na rin sa PM si Janna Dominguez. Okey ang tandem nina Mosang at Arthur Solinap. Natural na natural ang kanilang pagpapatawa kaya nagmarka sila sa comedy serye. 


Gamay na gamay na sila nina Manilyn Reynes at Michael V. at magaan kasi silang katrabaho. 


Well, patuloy ang pagkakamit ng tagumpay at pagkilala sa Pepito Manaloto bilang Best Comedy Show.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 26, 2026



ugar Mercado / File

Photo: Sugar Mercado / File



Marami ang natutuwa na muling tinanggap si Sugar Mercado bilang isa sa mga Sexbomb Girls. 


Matagal siyang nahiwalay sa original na grupo at nag-solo. Naging co-host din siya noon sa game show ni Willie Revillame na Wowowin.


Ngayon, habang nagbabalik ang ningning at kasikatan ng Sexbomb, welcome pa rin sa grupo si Sugar. Marami silang offers ngayon upang mag-show abroad. Gusto silang makitang muli ng mga kababayan natin sa United States of America (USA), Middle East, Canada, Australia, atbp..


Pero si Sugar Mercado ay hindi makakasama sa world tour ng Sexbomb Girls dahil committed siya sa Stars On The Floor (SOTF), at isa siya sa mga makikipag-showdown sa ibang kalahok.



DUMAGSA ang mga nakiramay sa huling gabi ng lamay ng Lola May ni Mariel Rodriguez sa Heritage Chapel sa Taguig. 


Magkasamang dumating sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano. Naroroon din sina Amy Perez at Nadia Montenegro, pati na sina Sen. Camille Villar at Ruffa Gutierrez.


Kasabayan pala ni Lola May sina Dulce at Sampaguita na nagpunta rin sa lamay. 

Bilang pamamaalam kay Lola May, nag-alay ng ilang awitin si Dulce bago pa iuwi ni Mariel ang urn ng kanyang lola.


Si Sen. Robin Padilla ay full support sa pagdamay kay Mariel sa pagpanaw ni Lola May. Ang mag-asawa rin ang personal na nag-asikaso sa lamay at sa mga nakiramay.


Malaking kawalan para kay Mariel ang pagpanaw ng kanyang lola na kasama niya habang siya ay lumalaki. Ito rin ang number one fan niya na nagbigay sa kanya ng payo para makamit ang kanyang mga pangarap sa career. 


Ang lola ni Mariel Rodriguez ay dating sikat na singer, kilala sa pangalang May Villarica.



MARAMI ang nagtatanong kung career move ba ang paglipat ni Rita Daniela sa Viva Artist Management. Labing-isang taon siyang nasa pangangalaga ng Sparkle GMA Artist Center at nabigyan ng magandang exposure at mga shows tulad ng My Special Tatay (MST), One of the Baes (OOTB), at Dakilang Ikaw (DI)


Regular din siyang napapanood sa All-Out Sundays (AOS) at madalas isama sa mga regional shows.


Kaya bagama’t nakakagulat ang desisyon ni Rita na iwan ang Sparkle GMA Artist Center, maaaring marami pa siyang gustong gawin para sa kanyang career, lalo na ngayon na may anak siya na dapat itaguyod. 


Sa Viva Artists Agency, mabibigyan siya ng chance na ma-explore pa ang kanyang kakayahan bilang singer at performer.



KAPANSIN-PANSIN ang bagong hairstyle ngayon ng Kapuso actress na si Ashley Ortega. Gaya raw ito sa pinausong estilo ni Kaila Estrada na tinutularan ng ilang kabataan.


Ngunit paliwanag ni Ashley, bahagi ito ng kanyang character sa bagong serye ng GMA-7, ang Apoy sa Dugo (ASD). Gustuhin man niyang baguhin, hindi puwede dahil kailangan sa kanyang role ang bagong hairstyle.


Mula’t sapul ay hindi api-apihan ang role ni Ashley sa kanyang mga serye. Malakas ang kanyang personalidad kaya madalas ay offbeat at palaban ang kanyang mga role. 


Sila ni Elle Villanueva ang nasa major cast ng Apoy sa Dugo, kasama si Derrick Monasterio.



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 22, 2026



Kim Chiu at Paulo Avelino - Instagram

Photo: Kim Chiu at Paulo Avelino - Instagram



Sa kabila ng sweetness na ipinakikita ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino, hindi pa rin kumbinsido ang libu-libong fans ng Chinita Princess. Hindi raw nila maramdaman ang sincerity ng aktor. Hindi nila ma-feel na seryoso ito sa kanilang idolo. Parang pang-showbiz lang ang lahat ng ipinakikita niyang closeness kay Kim.


Hindi nagkulang ng paalala kay Kim Chiu ang kanyang mga loyal fans. Ayaw na nilang masaktang muli ang kanilang iniidolo tulad ng dinaanan nito sa relasyon nila noon ni Xian Lim. 


Madaling ma-fall at magtiwala si Kim kapag na-in love at bigay-todo ito kung magmahal. 

Pero sana, huwag puso lang ang kanyang pairalin. Magtira rin siya ng malasakit para sa kanyang sarili. 


Marami ang nagsasabing ang tambalang KimPau ay maihahalintulad sa AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Maraming fans ang pinakilig nila, pero sa huli ay hindi naman nauwi sa totohanan ang lahat. 


Si Maine ay na-in love at nagpakasal sa actor-politician na si Arjo Atayde.



LABIS ang panghihinayang ni Hilda Koronel na hindi niya nakasama sa isang movie project ang yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor. 


Gustung-gusto ni Hilda na makatrabaho sa pelikula si La Aunor. Nagkausap na sila ni Direk Adolf Alix, Jr. na nag-offer sa kanya ng project at siya ring magdidirek ng movie nila ni Guy. 


Nabasa na raw niya ang script at nagustuhan niya ang istorya. Pero kung kailan ready na sana siya to shoot ay saka biglang pumanaw ang Superstar. Shocked ang

lahat sa pangyayaring iyon. 


Gayunman, sey daw ni Hilda Koronel kay Direk Alix ay itutuloy pa rin ang nasabing project kasama ang isang sikat at premyadong aktres na papalit sa role ni Nora Aunor. 


Nasa ‘Pinas ngayon si Hilda para sa pelikulang Sisa na kanyang ginawa. 

Bihira nang tumanggap ng movie project si Hilda dahil full-time mom and wife siya. Pero hindi siya nakakatanggi kapag may offer na maganda. 


Hindi naman bumababa ang status niya bilang aktres. Kinukuha pa rin siya ng mga producers dahil sa husay niyang umarte. Maaari pa rin siyang ihanay sa mga sikat na artista ngayon.



AT this point of his career, malayung-malayo pa sa plano ng Kapuso actor na si David Licauco ang pagpapakasal. Hindi pa niya sineseryoso ang usaping love life, although gusto rin niyang magkaroon ng inspirasyon at ng someone special. 


Sa kabila ng busy schedule sa kanyang seryeng Never Say Die (NSD) at mga out-of-town shows, ang kanyang panahon at atensiyon ay nakatutok sa kanyang mga negosyo.

Hindi siya nagmamadaling mag-asawa. Gusto muna niyang maging matagumpay na negosyante at maging financially stable. 


Lumalaki at lumalawak na ang mga naitayo niyang negosyo. Bukod sa resto at coffee shop, magtatayo rin siya ng isang resort sa Siargao na ngayon ay dinarayo na ng mga foreign tourists.


Malinaw ang future plans ni David dahil gusto muna niyang magpayaman at maging stable bago siya magpakasal. 


Nag-e-enjoy naman siya sa showbiz dahil maraming oportunidad ang dumating sa kanya simula nang mag-click ang tambalan nila ni Barbie Forteza na BarDa. Dumami ang kanilang endorsement at nakatulong ito sa kanyang mga negosyo.

Pakiusap lang ni David Licauco, sana ay maintindihan ng mga fans na showbiz love team lang sila ni Barbie Forteza at walang seryosong relasyon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page