top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 31, 2023




Aprubado na ng Department of Budget and Management ang paglikha ng 5,000 non-teaching positions sa Department of Education.


Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, layunin nitong mabigyan ng sapat na manpower at masuportahan ang mga guro sa pagbibigay ng dekalidad na pagtuturo sa mga estudyante.


Binubuo ang 5,000 items ng 3,500 Administrative Officer (AO) II positions na layuning tanggalin sa mga guro ang administrative tasks na sumusuporta sa mga operasyon.


Habang ang 1,500 Project Development Officer (PDO) I positions ay tutulong sa mga AO II at iba pang non-teaching personnel sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ilang programa, proyekto at aktibidad na pinangungunahan ng mga eskwelahan o mandato ng DepEd Central Office.


Nabatid na makatatanggap ang mga nasa AO II at PDO I positions ng basic salary na P27,000 (SG-11) base sa Fourth Tranche Monthly Salary Schedule for Civilian Personnel of the National Government.


"Malaking tulong po ito sa ating mga guro na ma-unload sila sa mga administrative work at maka-focus sa pagtuturo sa mga estudyante,” ayon pa kay Pangandaman.



 
 

ni Madel Moratillo @News | August 15, 2023




Tiniyak ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na naghahanap na ng long-term solution ang gobyerno sa panawagang dagdag- sahod sa mga guro.


Ayon kay VP Sara, mula noong 2020 ay nakakatanggap na ng dagdag-sahod ang mga guro sa ilalim ng Salary Standardization Law of 2019, pero mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. aniya ang nag-atas sa kanya na pag-aralan kung paano magagawang hindi lang yearly ang dagdag-sahod kundi maging long-term at kung paano maitataas ang sahod maging ng mga non-teaching personnel ng Department of Education. Hinihintay aniya nila ang resulta ng nasabing pag-aaral.


Ang Alliance of Concerned Teachers, nanawagan ng P50,000 entry level na suweldo para sa mga guro at P33,000 naman para sa Salary Grade 1 employee. Dismayado rin ang ACT sa zero allocation sa 2024 budget para sa salary increases para sa mga empleyado ng gobyerno.



 
 

ni BRT @News | August 11, 2023




Ibibigay ng Department of Education (DepEd) ang P5,000 cash allowance sa mga kwalipikadong guro kasabay ng pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan.


Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, ito ay ibibigay sa Agosto 29, o ang simula ng School Year (SY) 2023-2024.


Ang P5,000 cash allowance ay para sa pagbili ng mga kagamitan at materyales sa pagtuturo at para sa internet subscription.


Gayundin ang iba pang gastos sa komunikasyon, at para sa taunang gastos sa medikal para sa papasok na school year.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page