top of page
TEKA NGA - MANONG CHAVIT, UMAMING NAUUBOS ANG DATUNG SA MGA BEAUTY QUEENS-FB Luis Chavit S
Search

ni Mai Ancheta @News | September 28, 2026



Galing lamay... SUV nag-dive sa bangin, driver dedo



Galing lamay

SUV NAG-DIVE SA BANGIN, DRIVER DEDO

Photo: Circulated / SS



Patay ang isang 29-anyos na drayber habang sugatan ang edad 39 na pasahero nito matapos mahulog sa may kalalimang bangin ang kanilang sinasakyang SUV sa Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet.


Batay sa report ng Itogon Police, pauwi na ang mga biktima matapos dumalo sa lamay ng kanilang kamag-anak sa Brgy. Ampucao nang magyari ang insidente.


Habang binabagtas ng mga biktima ang Baguio-Philex Road, nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver, na naging dahilan para lumihis sa highway at mahulog sa bangin na nasa 80 metro ang lalim.


Dead-on-the-spot ang driver ng SUV habang sugatan ang pasahero nito na nagtamo ng mga pinsala sa katawan at agad na dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center. 


 
 

ni Lolet Abania | June 14, 2022



Nag-isyu na ng isang lookout bulletin order ang Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration (BI) laban sa drayber ng SUV na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.


Sa isang mensahe sa mga reporters ngayong Martes, sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na ang lookout bulletin ay kanilang inisyu ng tanghali.


Ipinahayag naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento kaninang umaga na hiniling na ng Mandaluyong Prosecutor’s Office ang isang Immigration lookout order laban sa SUV driver.


Gayundin, sa isang television interview kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., sinabi nitong ni-request na rin nila sa DOJ na mag-isyu ng kahalintulad na order.


“We already requested from DOJ on the immigration bulletin lookout para magkaroon ng hold departure order sa kanya,” paliwanag ni Danao. “It will be coming out very soon para hindi po siya makalabas ng bansa,” dagdag ni Danao.


Matatandaan noong Hunyo 6, ang biktimang sekyu na si Christian Joseph Floralde ay sinagasaan ng isang SUV habang nagmamando ito ng trapiko sa intersection ng Julia Vargas Avenue at St. Francis Street sa Mandaluyong bandang alas-4:00 ng hapon. Unang binundol saka sinagasaan si Floralde ng isang White Toyota RAV5 na may license plate NCO 3781.


Agad na tumakas ang drayber sa pinangyarihang lugar matapos ang insidente sa halip na tulungan ang biktima. Nitong Lunes, ni-revoke na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng sinasabing drayber na si Jose Antonio V. Sanvicente, matapos na bigong magpakita ito sa LTO ng maraming beses sa kabila ng ibinabang show cause orders dito.


Ayon kay Guevarra, isang reklamo na rin ang inihain laban sa drayber para sa frustrated murder at paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code.


Batay sa nakasaad sa Article 275, “the penalty of arresto mayor will be imposed upon those who fail to render assistance to those who he has accidentally wounded or injured, among others.” Sinabi naman ni Danao na base sa kanilang latest monitoring, si Sanvicente ay hindi pa nakakalabas ng bansa.


 
 

ni Lolet Abania | June 6, 2022



Nag-isyu na ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ngayong Lunes ng umaga ng isang show cause order laban sa driver ng SUV na sangkot sa hit-and-run ng isang guwardiya ng mall sa Mandaluyong City na naganap nitong Linggo ng hapon.


Ito ang kinumpirma ni LTO-NCR Regional Director Atty. Clarence Guinto sa isang radio interview, kung saan aniya, naitakda ang hearing sa Martes, Hunyo 7.


“We scheduled the hearing this week and hopefully the driver and the owner would appear in the hearing. We are, of course, observing due process, ‘yung notice of hearing,” sabi ni Guinto.


Nagpapagaling naman ang biktimang security guard na si Christian Joseph Floralde sa ospital sa Mandaluyong matapos na ma-hit and run ng isang SUV habang nagdi-direct ito ng trapiko.


Unang sinabi ng Mandaluyong Police na isang White Toyota RAV 4 na may plate number NCO 3781 ang sangkot sa insidente ng hit-and-run, na naganap bandang alas-4:00 ng hapon nitong Linggo sa intersection ng Julio Vargas Avenue at St. Francis St. sa Mandaluyong, at subject para sa validation ng LTO.


Hindi naman pinangalanan ni Guinto ang suspek na driver ng SUV dahil aniya sa Data Privacy Law, subalit sinabi niyang isa itong Pilipino. Gayundin, dinedetermina pa ng LTO kung ang driver ay siya ring may-ari ng sasakyan.


Pinasalamatan naman ni Guinto, ang mga netizens na nag-upload ng video ng naturang insidente. Ayon kay Guinto, ang pinakamataas na penalty na maaaring maibigay ng LTO laban sa suspek na driver ay revocation ng driver’s license nito.


“May isang high resolution video cam na na-identify ‘yung plate number so we were able to get the details in our system ng kung sino ang may-ari ng motor vehicle na ‘yun,” sabi ni Guinto.


Ayon naman kay Mandaluyong Police chief Col. Gauvin Unos, ang driver ng SUV na bumundol at sumagasa pa sa guwardiya ng mall, kung saan nakuhanan din ng video ang insidente at nag-viral sa social media ay posibleng sampahan umano ng kasong frustrated murder.


Samantala, sinabi ng partner ni Floralde na si Arceli Flores, nahihirapan umano ang biktima na huminga dahil sa tinamong pinsala sa gitnang bahagi ng kanyang katawan.

Kasalukuyang binigyan ang biktima ng oxygen support, habang nagtamo rin ng mga sugat sa kanyang ulo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page