top of page
Search

ni V. Reyes | March 13, 2023



ree

Tinatayang nasa P24 milyon ang halaga ng naging pinsala ng sunog na tumupok sa bahagi ng Baguio City Public Market, Sabado ng gabi.


Ayon sa Baguio City Public Information Office, bandang alas-11 ng gabi nang sumiklab ang sunog habang alas-4:38 ng Linggo ng madaling-araw nang tuluyang maapula.


Nabatid naman mula kay Baguio City Fire Marshal Supt. Marisol Odiver na nagsimula ang apoy sa Block 4 ng nasabing palengke na ikinatupok ng lahat ng paninda sa bloke na ito at nadamay din ang malaking bahagi ng Block 3 at Caldero section.


Patuloy pang sinisiyasat ang dahilan ng sunog habang wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa insidente.


Sinabi ni City Market Superintendent Ceasar Emilio na mananatiling bukas ang palengke maliban sa mga bahagi na nasunog.


Tiniyak din nito na mamadaliin ang relokasyon ng mga apektadong nagtitinda upang makabalik agad sa operasyon.


 
 
  • BULGAR
  • Feb 24, 2023

ni Mabel Vieron - OJT | February 24, 2023



ree

Nasunog ang isang bahay sa Bgy. Sta. Cruz, Pasig City nitong Miyerkules dahil umano sa naiwang nakasaksak na air fryer.


Bandang alas-10 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang mga bumbero ng Sta. Cruz Fire Volunteer group na agad rumesponde sa nasabing lugar.


Pitong fire truck ang agad na dumating kaya hindi nadamay ang mga katabing bahay nito at wala pang 30 minuto ay naapula na ang sunog.


Tumangging magbigay ng panayam ang may-ari ng bahay pero palagay ng mga bumbero, nag-ugat ang sunog sa napabayaang kagamitan partikular ang air fryer na posible umanong pinagmulan ng apoy.


Payo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko, siguraduhing bunutin ang mga nakasaksak na appliances kapag hindi ito ginagamit upang makaiwas sa disgrasya, makakatipid pa sa kuryente.


 
 

ni Gina Pleñago | February 22, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Nasawi ang tatlong mag-iina nang ma-trap sa nasusunog na bahay habang tatlo rin ang nasugatan sa Bgy. 117, Malibay, Pasay City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng mga tauhan ng Pasay Bureau of Fire Protection, kinilala ang mag-iinang nasawi na sina Mary Ann Maglinaw, 29, Xzavion, 2, at Evzekhion Rivas, 5.

Sugatan naman sina Mark Christian Rafol, 5, na nagtamo ng lapnos sa kanang siko; Frederick Ignacio, 56, may hiwa sa noo, at Antonio Padilla, may lapnos sa leeg, kamay at kaliwang paa.

Alas-9:50 ng umaga nang maganap ang sunog sa dalawang palapag na bahay na pagmamay-ari ng isang Gary Rivas, kung saan nakatira ang mag-iinang nasawi.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang bahay.

Limang pamilya ang nakalabas mula sa nasusunog na bahay dahil sa unang palapag lamang sila nakatira pero ang mag-iinang nasawi ay nasa isang kwarto sa ikalawang palapag.

Tumagal ang sunog ng higit isang oras at ideklarang fireout alas-11:15 ng umaga.

Nagkakahalaga ng P75,000 ang ari-ariang natupok ng apoy.

Agad namang nagtungo si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa lugar upang alamin ang sitwasyon at bigyan ng tulong ang mga nasunugan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page