top of page
Search

ni Lolet Abania | January 12, 2022


ree

Patay ang isang radio commentator na tatakbo sa pagka-konsehal sa Lambayong sa bayan ng Sultan Kudarat matapos barilin ng hindi nakikilalang suspek sa Barangay Carmen, Tacurong City ngayong Miyerkules.


Kinilala ng Police Regional Office 12 ang biktima na si Jaynard Angeles.


Ayon kay PRO12 PIO chief Police Lieutenant Colonel Joyce Birrey, si Angeles ay binaril at napatay bandang alas-10:00 ng umaga.


Sa ulat, si Angeles ay binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin malapit sa isang car wash station.


Batay naman sa mga saksi, nakarinig sila ng tatlong putok ng baril. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 26, 2020


ree


Patay ang isang grupo ng New People’s Army (NPA) nitong Kapaskuhan matapos matamaan ang kanilang kampo sa Daguma Mountain Range sa Sultan Kudarat ng GPS-guided smart bomb na hinulog ng Philippine Air Force FA-50 jet.


Ayon kay Major General Juvymax Uy, commander ng Joint-Task Force Central’s 6th Army Division, mayroon umanong nagsumbong na mga residente at local officials sa militar na may movement ang mga NPA sa kanilang lugar at nagpaplanong ipagdiwang ang Communist Party ng ika-52 anibersaryo ngayong Disyembre 26.


Agad itong inaksiyunan ng militar at natagpuan ang base camp ng NPA sa Sitio Kalumutan sa boundary ng Palimbang, Lebak, Kalamansig at parte ng bayan ni Senator Ninoy Aquino.


Nakuha sa kampo ang 3 labi ng hindi pa nakikilalang miyembro ng NPA, 100 bandolier bags, improvised explosive device components, laptop, generators, sirang mga baril at mga dokumento.


Dagdag pa ni Uy, ito umano ang kauna-unahang beses na nakakita ang militar ng Far South Regional Committee base camp matapos ang ilang taong operasyon sa Daguma Range.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page