top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 2, 2026



Lebron James - FB

Photo: Lebron James - FB



Pormal na nagpahiwatig kahapon na hindi na babalik si LeBron James sa Los Angeles Lakers para sa NBA 2026-27 sa Oktubre. Ito ang pagpapatuloy ng mga higanteng transaksyon ng 30 koponan para sa susunod na torneo.


Wala pang linaw kung saan siya lilipat subalit matunog ang Cleveland kung saan siya ipinanganak, nagsimula ang karera sa NBA, umalis, bumalik at nagbunga ng kampeonato noong 2016. Ito na ang maaaring huling koponan ng 41-anyos bago mag-retiro.


Ang Miami ay isa pang posibilidad at samahan ang bagong lipat na si Giannis Antetokounmpo. Naglaro si LBJ sa Heat mula 2010 hanggang 2014 at kampeon noong 2012 at 2013.


Nagpakita rin ng interes ang Golden State. Tinatayang mahigit 10 koponan ang nagtanong o nag-alok para sa serbisyo ni LBJ.


Walong taon si LBJ sa Lakers simula 2018 kung saan naging kampeon sila noong 2020. Noong Pebrero 7, 2023 ay nakamit niya ang karangalan na may pinakamaraming puntos sa kasaysayan ng liga at lampasan ang isa pang alamat ng Lakers Kareem Abdul Jabbar na may 38,387.


Kasalukuyang may 43,440 si LBJ. Itong katatapos na taon ay naglaro siya ng 60 beses lang at ang 20.9 bawat laro ay pumantay sa kanyang pinakababa noong kanyang unang taon noong 2003-04.



 
 

by Gerard Arce @Sports News | July 1, 2026



Erika Islay Bomogao - FB

Photo: Erika Islay Bomogao - FB



Muling pinatunayan ni Muay Fighter Islay Erika Bomogao ang kabagsikan at kahusayan para sa ‘Team Bagsik’ Muay national team nang sumuntok ng bagong gintong medalya at pangunahan ang nakolektang 12 medalya kabilang ang 6 na ginto sa katatapos na IFMA World Championships sa Merdeka Square sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Dinaig ng undefeated women’s Atomweight Muay Thai fighter mula sa ONE Championship si Iryna Ladyenko ng Ukraine sa puntusan upang makamit ang panibagong korona, habang nakuha ng pambato ng Indonesia at Greece ang tig-isang tansong medalya sa women’s Female Senior Wai Kru. 


Ilan pa sa mga nagwagi ng gold medal sina Leo Albert Pangsadan sa Male U24 -45kg, tambalan nina dating SEAG titlists Rhichein Yosorez at Kylie Mallari sa Female Senior Mai Muay, Ariel Lee Lampacan at Phillip Delarmino sa Male Senior Mai Muay, Jasmine Dagame at Xian Denis Robillos sa Female U24 Mai Muay at Jan Brix Ramiscal at Tyron Jamborillo sa Male U24 Mai Muay.


 
 

by Gerard Arce @Sports News | July 1, 2026



Target malampasan ni Filipina tennis champion Alexandra “Alex” Eala ang first-round exit sa debut noong 2025 sa prestihiyosong grass-court tournament na Wimbledon

Photo: Gold si 2-time Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa 2026 outdoor season matapos pagharian ang Czeslaw Cybulski Memorial sa Poland. Nahigitan ng 2022 Hangzhou Asian Games titlist ang mga katunggaling sina Owen Heard ng Great Britain na rumehistro ng 5.60-meter matapos pumalyang makuha ang 5.72 na marka, habang pumangatlo si Matteo Oliveri ng Italy sa 5.60-meter matapos makuntento dulot ng pumalyang talon sa 5.67-meter.



Tinalon ni 2-time Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang kauna-unahang gold ngayong 2026 outdoor season matapos pagharian ang Czeslaw Cybulski Memorial na ginanap sa Golecin Stadion, Poznań, Poland.


Kinlaro ng 30-anyos na 4x SEA Games champion ang 5.72-meter na marka mula sa ikalawang subok upang kunin ang kampeonato na may grading silver event sa World Athletics Continental Tour. Nahigitan ng 2022 Hangzhou Asian Games titlist ang mga katunggaling sina Owen Heard ng Great Britain sa inirehistrong 5.60-meters  habang 3rd si Matteo Oliveri ng Italy sa 5.60-meters.


Tinangkang kunin ni Obiena ang panibagong season's best sa 5.82 meters, ngunit nabigo itong mailista sa pangatlong ulit at matatandaang may 5.78-m ang World No.12 ranked sa ISTAF Indoor sa Berlin, Germany. “Happy with the progress. The height and numbers are yet to come, but happy to come away with the here at @memorialcybulskiego, and thank you for having me. On to the next,” pahayag ni Obiena sa social media account.


Nakatakdang depensahan ni Obiena ang  korona sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games matapos makuha ang kampeonato sa 2022 Hangzhou Asian meet sa itinalang 5.90-m games record para talunin si Huang Bokai ng China at Hussain Al-Hizam ng Saudi Arabia.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page