top of page
Search

ni Rey Joble @Sports News | August 24, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: PBA / FB - Calvin Oftana / IG

Naunahan man ni Chris Banchero ng Meralco Bolts sa pagbuslo ng kauna-unahang 4-point shot sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association, nagawa pa ring maihulma ni Calvin Oftana ng TNT ang pangalan bilang unang player na nakapasok ng dalawang 4-point shots.


Tumipa ng 15 puntos si Oftana, kabilang ang dalawang binitiwang tirada mula sa 4-point region, habang nagdagdag pa ng 7 rebounds at tulungan ang TNT sa 101-95 panalo kontra NorthPort noong Martes ng hatinggabi. “Hindi ko naman hinanap. Opportunity lang talaga 'yun and since wala namang bantay, itinira ko na,” ang sabi ni Oftana. “Parang mas nakaka-shoot pa ako sa 4 points kaysa sa three points.”


Sa pitong three-point shots, isa lang ang naipasok dito ni Oftana, ang Gilas Pilipinas forward na siya na ngayong tumatayo bilang premyadong forward ng koponan ng Tropang Giga.


Si Oftana ay kandidato para sa Most Improved Player sa nakaraang Leo Awards, subalit natalo sa mas karapat-dapat na si Jhonard Clarito ng Rain or Shine, na kinakitaan ng malaking pag-akyat ng galing ng laro sa nakalipas na taon.


Pero napabilang si Oftana sa PBA All-Second Team bilang pagkilala sa kanyang nagawa bilang isa sa mga kamador ng TNT.     Mas determinado si Oftana na muling tulungan ang TNT na makuha ang kampeonato. Isa si Oftana, dating Most Valuable Player sa NCAA noong naglalaro pa siya sa San Beda, sa mga gumabay sa TNT katuwang ang dating Best Import na si Rondae Hollis-Jefferson.


Muling nagbabalik si Hollis-Jefferson para sa isa na naming misyon at sa muling pagsampa sa PBA, naglapat siya ng 32 puntos at 10 rebounds.        


 
 

ni MC @Sports | August 24, 2024


Sports News
Photo: TripZilla Philippines / FB

Matapos na magtagumpay ang Pilipinas sa Olympic games isa sa kahanga-hanga ang istorya ni Angel Otom bago pumalaot sa pinakamalaking kompetisyon sa mundo.


Ang journey ni Otom sa Paralympics 2024 ay inaasahan na ng kanyang coach mula pa noong 2021 base na rin sa kanyang performance bilang batang para swimmer. 


Masipag siya sa kanyang mga praktis at training at dahil sa suporta ng pamilya at mga kaibigan. 


Kakatawanin ni Otom ang bansa sa para swimming sa women's 50-meter backstroke. Siya ang unang Phl para athlete na nagwagi ng 4 na gold medals sa 12th ASEAN Para Games sa Phnom Penh, Cambodia. 


Si Allain Keanu Ganapin ang nag-iisang taekwondo jin sa delegasyon. Nakatiyak siya ng tiket nang umangat sa  Asian Qualification Tournament sa Tai’an City, China.


Ito ang kanyang ikalawang kuwalipikasyon sa games matapos magkuwalipika sa nakaraang edisyon na Tokyo Paralympic Games 2021. 


Si Ernie Gawilan  ay isa sa 'most accomplished Paralympic athletes ng bansa, ang swimmer na si Gawilan ay lalangoy para sa ikatlong Paralympic appearance makaraang umangat sa Minimum Qualifying Standard. Ang 33-anyos na si Gawilan ang unang Pinoy paralympic na nagwagi ng ginto sa Asian Para Games 2018, siya rin ay isang multi-time ASEAN Para Games gold medalist at itinuturing na may pinakamalaking tsansa na magkamedalya sa Paris ngayong taon. 


Ang athletics wheelchair racer naman na 44-years old na si Jerrold Mangliwan ang mangunguna sa delegasyon ng Pinoy bilang top contender din sa ikatlong Paralympic appearance.  


Top contender naman si Cendy Asusano ng athletics javelin throw.  Sa edad 34, si Asusano ay multi-time ASEAN Para Games gold medalist. 


Sa larangan naman ng archery si Agustina Bantiloc na sa edad 55  ang unang Filipino Paralympic archer  na lalarga sa Paralympics. Ranked 30th sa mundo at handang patunayan na hindi pa huli ang lahat.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | August 23, 2024


Sports News
Photo: OneSports / FB

Mga laro sa Sabado (FilOil EcoOil Centre) 4 n.h.


Cignal vs (ranked 7) 6 n.g.


Akari vs. Farm Fresh


Sinisiguro ng Creamline Cool Smashers ang ikatlong puwesto sa quarterfinals sa pagdispatsa sa kulelat at walang panalo na ZUS Coffee Thunderbelles sa bisa ng straight set sa 25-17, 25-15, 25-22 panalo kahapon, habang pinatalsik ng PLDT High Speed Hitters ang Choco Mucho Flying Titans sa 21-25, 25-18, kahapon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Ipinakita ng Cool Smashers ang kanilang bagsik sa pagpapalabas ng kanilang malalim na puwersa at matayog na karanasan para tapusin lamang ang laro sa loob ng 77 minuto patungo sa quarterfinals na may tangan na 6-2 baraha na paghahandaan ang laban kontra sa Capital1 Solar Spikers (5-3). Nakuha ng PLDT ang kaparehong panalo para tumabla sa Creamline, subalit mas nakakataas ang kabuuang puntos na nalikom ng 8th-time league champion sa 20 puntos.


“We’re ready, sa lahat ng challenges na mangyayari. Ang importante lang talaga is yung determination namin na manalo,” pahayag ni Creamline coach Sherwin Meneses. “Lalo na knockout game, so, trust lang namin sa isa’t isa.” Bumida para sa Creamline si Erica Staunton na may 17 puntos, habang sumegunda si Bernadeth Pons sa 11 puntos upang maging pangunahing manlalaro na lokal sa kawalan nina Tots Carlos at Alyssa Valdez dulot ng injuries at paglalaro sa Alas Pilipinas national team nina Jema Galanza at Jia de Guzman.


Naging sandalan din sina middle blockers Lyn Bernardo at Bea De Leon na 8 at 4 na puntos, ayon sa pagkakasunod, habang idiniin ng Creamline ang atake sa 43 kontra 29 ng Thunderbelles. “Malaking bagay ‘to kasi matagal ko na rin hinihintay 'yung opportunity to play longer minutes,” saad ni Bernardo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page