top of page
BIDA - ALEX EALA, MAY MGA BASHERS NA FOREIGNER-IG _alex.eala.jpg
Search

ni Elyssa Nichole @Sports | May 28, 2026



PINAGTULUNGAN si Shai-Gilgeous Alexander ng Oklahoma City Thunder nina Victor Wembanyama at isa pa pagdating sa gitna para i-swak ang bola sa labang ito sa NBA West finals

Photo: Circulated



AGUSAN Del Sur - Humakot ng 5 gold medals ang tanker na si Riley Maddaleign Alindogan sa 2026 Palarong Pambansa matapos dominahin ang dalawang event na sinalihan nito kahapon na ginanap sa Aquatic Center sa Datu Lipis Makapandong Gov. D.O Plaza Sports Complex.


Sinisid ng pambato ng Bicol region, Alindogan ang ginto sa 200 meter freestyle Elementary Girls 12 & Under sa inirehistrong 2:17.97 minuto upang ungusan sina silver medalist Desire Ibarra ng Region I at Jenelle Vien Quinto ng Region 5 (Bronze).


Ayaw paawat sa pagdomina ni Alindogan nang sungkitin din ang gold medal sa 200 medal individual medley sa ipinasang tiyempo na 2:35.34 minuto, nakopo ni Ann Emmanuele Gallego ng Region 7 ang silver habang bronze ang nakopo ni Markish Douh Quicio ng Region I.


"Masaya po ako sa performance ko, inaalay ko po ito sa parents ko," wika ni Alindogan na nag-aaral sa St. Agnes Academy sa Legazpi City, Albay.


Noong Martes kinalawit nito ang 3 ginto nang magwagi sa 400-meter freestyle, 100 meter breaststroke at 4x50 meter medley relay sa event na inorganisa ng DepEd sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) ni chairman Patrick "Pato" Gregorio. May 6 na medalya sa kabuuan ang maiuuwi ni Alindogan dahil nakuha niya ang silver sa 50 meter Breastroke.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 25, 2026



Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Carter Artiola,  Champion (gitna) Asia Paraase at 3rd place Melody Lantad sa 16KM Female Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon.   													(Gen Villota)

Photo: Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Carter Artiola, Champion (gitna) Asia Paraase at 3rd place Melody Lantad sa 16KM Female Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon. (Gen Villota)



Hinirang bilang kampeon sina Jay Fernandez at Asia Paraase sa matagumpay na pagtatapos ng Fire Run, ang una sa apat na yugto ng Takbo Para Sa Kalikasan 2026, kahapon sa Quirino Grandstand. Muling nagpakita ng pinag-isang suporta ang komunidad sa pangunahing fun run na sumusulong sa pag-alaga ng Inang Kalikasan hatid ng Green Media Events.


Umoras sa Fernandez sa tampok na karerang 16 kilometro o 10 milya ng 1:03:36 upang iwanan si Jaspher Delfino sa 1:04:11. Malayong pangatlo si John Gabriel Uy na 1:08:44.

Wagi sa kababaihan si Paraase sa 1:11:26. Matapos maging madalas na kampeon sa nakaraang mga taon ng TPSK, pangalawa lang ngayon si Melody Lantad sa 1:17:35.



Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Jasper Delfino, Champion Jay Fernandez (gitna) at 3rd place John Gabriel Uy sa 16km Male Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon. (Gen Villota)

Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Jasper Delfino, Champion Jay Fernandez (gitna) at 3rd place John Gabriel Uy sa 16km Male Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon. (Gen Villota)



Makapigil-hininga ang katapusan ng 10 kilometro at tatlong segundo lang ang naghiwalay sa kampeon na si Joepher Delfino (40:33) sa karibal na si Jave Flores (40:33). Pumangatlo si Sean Ken Garcia sa 41:51.


Umani ng parangal sa kababaihan si Carizza Joy Sotalbo (50:22). Sinamahan siya nina Alexandra Lee (54:46) at Issabela Castaneda (56:52).


Pinakamabilis sa limang kilometro sina King Agas, Renz Mirasol at Jayson Conde. Sina Elena Camu, Jhazelyn Lapuz at Kim Avid ang sa Women's. Bahagi ng nalikom na pondo ay mapupunta sa Million Trees Foundation. Ang susunod na yugto ay ang Water Run sa Hulyo 26.


Ang BULGAR ay opisyal na media partner sa serye. Ilang mga mapapalad na tumakbo ay tumanggap ng regalo.

 
 

by MC @Sports News | May 25, 2026



Stellar Cube - POC

Photo: POC



Inaasahan na mangunguna ang mga numero unang pambato lalo na si World no. 26 Brenton Angelo Lo Wong sa mga elite roster na lalahok sa inaugural Philippine National Speed Cubing Open 2026 sa Mayo 27 at 28 sa Tagaytay City. 


Nagwagi ng 'di mabilang na titulo si Wong na speed cubing king ng Ateneo sa mga local competitions maging ang mga solidong laro nina world No. 45 Sean Patrick Villanueva at Juan Miguel Magallanes at Leo Borromeo na pawang magkakasosyo sa 49th spot sa world rankings ng World Cube Association.


Bukod sa rankings, mga medalya at cash ang nakataya sa unang first nationally-endorsed speed cubing tournament sa Pilipinas na itinaguyod ng Asian Mind Sports Association (AMSA) katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC).

Nakatakda ang event sa Tagaytay City Combat Sports Center, ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino.


World and national ranking points are at stake in the competition that’s why the national speed cubing community has gone excited,” ani Tolentino, na idinagdag na pinagsama-sama ang pinakamahuhusay sa popular na mind game na hango sa maalamat na Rubik’s Cube. 


Uunahin sa Mayo 27 ang Philippine National Speed Cubing Summit at AMSA Referee Certification Training habang sa Day 2 ng Mayo 28 ay sisimulan na ang torneo tampok ang 3x3x3 cube, 2x2x2 cube, Pyraminx, 3x3x3 one-handed at 3x3x3 blindfolded. 


Bilang unang  nationally endorsed speed cubing open tournament na sponsor ng Stellar Cube isang hakbang ito tungo sa propesyonalismo ng atleta at mapatibay ang speed cubing sa sports ecosystem.


Lumagda ang AMSA sa isang strategic cooperation agreement sa POC para mapalawig pa ang mind sports sa bansa at ang partnership ay may top tier sa  international event standards mula sa lokal na talento. Ang team relay exhibition event ay sasamahan ng balance competition at viewership.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page