top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 3, 2026



Inaasinta ni Justin Brownlee ng Ginebra ang basket sa harapan ni Roger Pogoy ng TNT sa Game 1 finals sa PBA Commissioners Cup sa Big Dome Miyerkules ng gabi.

Photo: Inaasinta ni Justin Brownlee ng Ginebra ang basket sa harapan ni Roger Pogoy ng TNT sa Game 1 finals sa PBA Commissioners Cup sa Big Dome Miyerkules ng gabi. (Reymundo Nillama)



Laro sa Biyernes - Araneta 7:30 PM TNT vs. Ginebra



Nagising sa tamang panahon si Justin Brownlee at Barangay Ginebra upang maukit ang 102-100 panalo sa defending champion TNT Tropang 5G Miyerkules ng gabi sa simula ng 2026 PBA Commissioner's Cup Finals sa siksikang Araneta Coliseum. 


Ipinasok ng beterano ang nagpapanalong buslo na may 0.6 segundo sa orasan. Bago noon ay itinabla ng three-points ni Roger Pogoy ang laban, 100-100, at 10 segundo ang nalalabi. Galing sa timeout, tumanggap ng bola si Brownlee at pinalipas ang oras bago umarangkada at tumalon laban sa depensa ni Chris McCullough.


Lamang ang Gin Kings sa pangatlong quarter, 64-46, subalit matiyagang humabol ang Tropa. Nagbagsak ng 12 sunod-sunod na puntos ang Tropa para maagaw ang lamang, 91-88, upang ilatag ang nakakahilong huling limang minuto. Bumomba ng four-points si Best Player RJ Abarrientos para sa 100-97 iskor. 


Nagmintis ng four-points si Pogoy pero nakuha pa rin ang rebound at ipinasok ang nagpatablang tres. Uminit si Abarrientos para sa 24 habang 23 si Brownlee. 


Nag-ambag sina Troy Rosario ng 16 at Scottie Thompson na may 15. Nanguna sa TNT si McCollough na may 25 at 14 rebounds. 


Sumunod sina Pogoy na may 22 at 19 para kay Nambatac. Ang Game 2 ay ngayong Biyernes sa parehong palaruan. 


Samantala, pinadala ng San Miguel Beermen si Juami Tiongson at rookie Chris Miller sa Terrafirma Dyip kapalit sina Jerrick Ahanmisi at Paolo Hernandez.

 
 

by Gerard Arce @Sports News | June 3, 2026



Maglalaro na lamang sa National team ng Alas Pilipinas women sina Niña Ytang at Alyssa Solomon sa halip na magpa-draft sa PVL. (pinoysidepixfb)

Photo: Maglalaro na lamang sa National team ng Alas Pilipinas women sina Niña Ytang at Alyssa Solomon sa halip na magpa-draft sa PVL. (pinoysidepixfb)



Nagpatuloy ang atrasan ng manlalaro sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Annual Rookie Draft ngayong araw sa Novotel Manila sa Araneta City sa Quezon City, matapos bigyang pansin ni 4-time UAAP Best Middle Blocker Nina Ytang ang responsibilidad sa Alas Pilipinas women’s national team na nakatakdang sumabak sa Sabado sa Candon City, Ilocos Sur.


Nauna nang umatras ang posibleng top-draft pick na si Alyssa Solomon kasunod ng samu’t saring alok sa labas ng bansa upang maging Asian import, habang nasundan ito ng 2026 National Collegiate Athletics Association (NCAA) women’s volleyball champions mula Letran Lady Knights na pares nina 3-time Best Libero Lara Mae Silva at playmaker Natalie Estreller.


Itinuon muna ng 24-anyos na net defender mula Bantayan, Cebu ang atensyon sa national team na napabilang sa mga sasabak na maglaro sa 2026 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup kasama ang mga beteranong sina Alyssa Valdez, Jovelyn Gonzaga at Ces Molina.


Nauna ng inihayag ng 6-foot-1 opposite spiker na si Solomon na nananatiling palaisipan ang pagtuloy sa PVL draft dahil sa maraming alok na maglaro sa ibang bansa, kung saan huling beses itong sumalang sa Osaka Marvelous sa Japan S.V, League sa 2025-26 season pero nabigo laban sa Hisamitsu Springs sa finals.


Sa pag-atras ni Solomon, inaasahang susunod na top draft pick si Ytang, kasunod ng pagpapamalas ng kahusayan sa draft combine sa pagposte ng 311 centimeters sa highest approach jump at pangalawa sa vertical reach sa 297cm. Nakatakdang pumili bilang top pick ang Galeries Tower Highrisers na susundan ng Capital1 Solar Spikers at ng Choco Mucho Flying Titans, habang pang-apat ang Zus Coffee Thunderbelles, gayundin ang Akari Chargers, NXLed, Farm Fresh Foxies, PLDT at Creamline ang magkakasunod na pipili ng manlalaro mula ika-lima hanggang ika-siyam na draft picks.

 
 

by MC @Sports News | June 2, 2026



Isang mainit na pag-welcome ang natanggap ng Alas Pilipinas women sa flag ceremony sa Candon City Hall para sa paghahanda nila sa pagsabak sa 2026 AVC Women’s Cup sa June 6 to 14. (avcwomen'scup)

Photo: Isang mainit na pag-welcome ang natanggap ng Alas Pilipinas women sa flag ceremony sa Candon City Hall para sa paghahanda nila sa pagsabak sa 2026 AVC Women’s Cup sa June 6 to 14. (avcwomen'scup)



Nagsimula nang dumating sa Candon City ang mga volleyball players mula Kazakhstan, Kyrgyzstan at Iran para sa nalalapit na Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup na magsisimula sa Sabado sa Candon City Arena.


Tuloy ang liga bagamat nabulabog ang buong Philippine volleyball community dalawang nitong nakaraan sa memo na inilabas ng International Volleyball Federation o FIVB. 


“Life goes on in volleyball and we’re here to help make sure the athletes and the programs are brought back to intense levels,” ayon kay Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).


Positibo rin si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick “Patò” Gregorion sa mga susunod na hamon  ng volleyball sa kasaysayan at minahal nang sport ng Pinoy fans.  “No distractions. Play for the country with your hearts, Alas—PSC will always back you up.”


Ang NSA na Philippine National Volleyball Federation ay sinuspinde ng FIVB mula noong Biyernes.


Kahit ganito ay tuloy pa rin ang Alas Women sa Candon City tournament na pinangasiwaan ni Mayor Eric Singson na inihanda ng PSC, FIVB, Volleyball World at AVC simula sa June 14.


Nasa Candon City na sila kahapon at darating na rin ang mga teams ng South Korea, Indonesia, Chinese Taipei, Hong Kong, Uzbekistan, Australia, Vietnam at Lebanon.  “I welcome the 12 teams for the AVC Women’s Cup, it’s another renaissance moving forward for Philippine volleyball,” anaman ni AVC president Ramon “Tats” Suzara.


Matapos ang torneo sa Candon City, darako ang aksiyon sa  PhilSports Arena sa Pasig City mula une 17 to 21 para sa Week 2 ng Women’s Volleyball Nations League tampok ang Japan, Italy, United States, Serbia, Dominican Republic at Czechia.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page